Missing #8

5.1K 243 14
                                    

“YES HON, kaka-out ko lang. Tinapos ko pa kasi ‘yung report na pinapagawa sa akin ni TL Yosef,” ani Dei sa nobyong kausap  sa hawak na cellphone habang nililigpit ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa. Siya na lang halos ang tao sa loob ng opisina nila dahil sa mga papeles na kinailangan tapusin kaagad.

            “Gusto mo ba sunduin na kita d’yan?” tanong ni Ed mula sa kabilang linya.           

            “Hindi na, hon.  Mauna ka na sa restaurant, madadaanan mo na kasi ‘yun eh,” tugon niya. “I-order mo na ako ng favorite kong seafood, super gutom na ako.”

            “Are you sure?”

            “Yep. Magta-taxi na lang ako papunta do’n. In twenty minutes nandoon na ako. Sige na hon, malo-low batt na cellphone ko. Palabas na din naman ako ng office.”

            “Sige hon. Mag-ingat ka. I love you.”

            Napangiti siya sa tinurang iyon ni Ed. “I love you too,” aniya bago tuluyan in-end ang tawag at inilagay sa loob ng bag ang hawak na cellphone. Tumuloy na siyang lumabas ng office at naglakad patungo sa harap ng elevator. Laking pasalamat niya ng makitang pababa  na iyon sa 7th floor kung nasaan siya ngayon.

            Iniluwa ng bumukas na pinto ng elevator ang janitor na si mang Julian.  At dahil regular na itong janitor sa floor nila ay kabatian na niya ang quarenta y cinco anyos na janitor.

            “Uuwi na?” nakangiting tanong ni mang Julian habang itinutulak ang malaking kahong de gulong palabas ng elevator.

            “Opo. Super over time po,” nakangiti niya ring tugon na pumasok na sa loob ng tuluyang makalabas ang janitor kasama ang malaking kahon nito. “Sige po,” paalam niya.

            “Sige iha,” anito na inayos muna ang tayo ng malaking kahon bago humarap kay Dei. “Ingat -”

            Eksaktong sa pagsara ng pinto ng elevator ay ang pagpapaalam sana ni mang Julian.

            Hindi nakaligtas sa pansin niya ang tila biglang paghinto nito sa pagpapaalam ng tuluyang mapaharap sa kanya bago magsara ang elevator.  Napatingin siya siya sa magkabilang gilid at likuran sa pag-aakalang may naiwan itong gamit ngunit wala naman.

            “Going up!”

            Mabilis na nabaling ang atensyon niya sa boses babaeng automated system ng elevator.

            “Shit! Hindi ko agad napindot ang down, naunahan tuloy ako,” inis na bulong niya habang nakatingin sa umiilaw na mga numero.

            “13th Floor!”

            ‘It was exactly 13 years ago…’ Hindi niya alam kung bakit kasunod ng boses ng automated system ay ang tila pagbulong sa tainga niya ng  sinabing iyon ni Cez noong nagreunion sina Ed na kasama siya.

Bahagya siyang napaatras ng makita ang isang bata lalaki na nakatayo sa tapat ng bumukas na elevator. Nakasuot ito ng jacket na  kulay asul na nakatungo naglakad papasok at tumayo sa sulok.

            “Going down!”

            Humakbang siya palapit sa touch button ng eleveator at makailang pinindont ang ground floor button. Pakiramdam niya ay may dalang kakaibang lamig ang batang pumasok na halos nagpapatayo ng lakas ng balahibo niya sa katawan. Tumigin siya sa digital screen na may nakasulat na 9th floor. Iyon na yata ang pinakamatagal niyang pagtayo sa loob ng elevator sa sobrang bagal ng pagbaba ng kinalulunan.

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon