FLASHBACK
"MAHAHANAP ko kayong lahat," bulong ni Franco. Magsisimulana sana siyang maglakad at hanapin ang mga kalaro sa Fright Night ng biglangmapahinto. "R-ryan..."
"HiFranco!" nakangiting bati ni Ryan. Dahil sa liwanag ng bilog na buwan aykitang-kita niya ang pagtataka sa mukha ni Franco.
"Bakithindi ka pa nagtatago? Matataya ka kaagad niyan kaya magtago ka na, kunwarihindi na lang kita nakita."
"Gaano moka-gusto si Joy?"
"H-ha?"pakiramdam ni Franco ay umatras ang dila niya dahil sa tanong na iyon ni Ryan."H-hindi k-ko siya gusto."
Gumuhitang ngisi sa mga labi ni Ryan. "Talaga? Kaya ba parang linta ka na dikit ngdikit sa barkada namin?"
Napalunoksi Franco sa sinabi ni Ryan kahit nanunuyo na ang lalamunan niya. Totoong gustoniya si Joy pero hindi niya yata kayang aminin sa harap ni Ryan dahil sa mganaririnig niya na pambubugbog nito sa mga pumoporma kay Joy. Muli siyangsunud-sunod na umiling. "W-wala.. Wala talaga akong gusto kay J-joy."
Tuluyan nangnapatawa si Ryan. "Natatakot ka ba sa akin?"
Hindi alamni Franco kung saan nanggagaling ang takot na nararamdaman niya. Kung bakitganoon na lamang ang takot na dulot sa kanya ng mga ngiti ni Ryan. Paranganumang oras ay may pwede itong gawin na hindi maganda sa kanya.
"Don'tworry," sa isang iglap lang ay kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niRyan, mula sa nakakatakot na ngiti sa mga labi ay muling bumakas ang kaamuhansa mukha nito. "Hihingi lang sana ako ng tulong para sa sorpresa ko kay Joy."
"Sorepresa?"takang ulit ni Franco. Unti-unti ng nababawasan ang kaba sa dibdib niya dahilsa muling pag-amo ng mukha ni Ryan. Para lang itong nakasuot ngmaskara kanina.
"Oo,sorepresa. Alam mo namang malapit na ang graduation kaya gusto ko sana siyangbigyan ng memorable ng Fright Night. Pwede mo ba akong tulungan?"
"Surprisepara kay Joy?" muling bulong niya.
"Ano?Tutulungan mo ba ako o hindi? Paniguradong matutuwa si Joy kapag nalaman niyana kasama kitang nag-prepare ng surprise na para sa kanya."
"Matutuwasi Joy..." Nagsimula na siyang mag-imagine kung paano matuwa si Joy sa sorpresangsinsabi ni Ryan. Si Joy na nag-iisang estudyante sa school nila na nagingmabait sa kanya.
"Ano? Tarana?"
"S-sige..."
Mulinggumuhit ang ngisi sa mga labi ni Ryan bago tumalikod at nagsimulang maglakad."Follow me..."
Napapangitinamang sumunod si Franco. Ngayon lang niya napagtantong may kabaitan rin palangtaglay si Ryan kahit ito ang nangunguna sa pambubully sa kanya. Nagsimulasiyang magmuni-muni habang naglaklakad, tuluyan na siyang mapapalapit sabarkada ni Joy lalo na kay Joy. Magsisimula na silang maging totoong malapit saisa't-isa.
Kung hindipa matatakluban ng makakapal na ulap ang bilog na buwan at magdilim ang buong paligiday hindi mapapansin ni Fraco na tila napapalayo na sila. Muling nanumbalik angtakot sa dibdib niya ng walang kahit na anong makita sa paligid. "R-ryan?N-nasaan ka? N-nasaan na tayo? W-wala akong makita."
Lakingpasalamat ni Franco ng muling ay unti-unti kumalat ang liwanag ng bilog nabuwan dahil sa paglagpas ng makapal na ulap na tumatakip doon. Kaagad niyangnakita ang mga paa ni Ryan na nakatayo hindi kalayuan sa kanya ng tamaan ngliwanag ng buwan pataas sa katawan at mukha nito. "R-ryan..." Napaatras siya ngmakita ang malaking batong hawak ni Ryan. Nakaguhit na naman sa mga labi nitoang nakakakilabot na ngisi. "R-ryan – Ahhhhh!!!!" Kaagad siyang tumumba sa lupang ihampas ni Ryan ang hawak na malaking bato. Ramdam niya ang matinding sakitsa kalahating mukha na tinamaan ng bato. Batid niyang pumutok na ang noo siyangsa lakas ng pagkakahamapas at nagsisimula ng umagos ang dugo doon.
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...