PAKIRAMDAM ni Joy aypapanawan na siya ng ulirat anumang oras dahil sa takot ng makita ang baril nanasa ibabaw ng platong kaharap ni Ryan. Kung maaari lang talagang panawan nasiya ng ulirat ngayon ng matigil na ang matinding takot na nararamdaman niyakay Ryan. Batid niya kasing kahit magsisigaw siya ay walang sinoman angmakakarinig sa kanya dahil sa dulo ng subdivision ang bahay ng binata na halosilang bloke pa ang layo sa sumunod na bahay.
Naglakad si Ryan palapit sa music player at pinatugtogang isang awitin na pangkasal. Kumukumpas-kumpas pa ang mga kamay na sumasabaysa himig ng awitin. "Let's start now the wedding ceremony."
"R-ryan, t-tama na.. I-itigil mo na ito..." Ultimo bosesniya ay nanginginig na sa takot. Bakit hindi niya napansin ang kakaibangikinikilos ni Ryan. Bakit nagpadala siya sa maskarang ipinakita nito?
"Eliza Joy Ignes, do you accept me, Ryan Gilber Untalan, to be your husband?Do you pledge to share your life openly with me and to be speak the truth to yourlove?"
"No! No! No!"
"And of course, I, Ryan Gilbert Untalan, do aaccept,Eliza Joy Ignes, as my wife. I do pledge to share my life openly with her andto speak the truth of my love."
"R-ryan please! I-itigil mo na ang lahat ng kalokohangito! P-pwede p-pa nating itama -"
"What are you trying to say, Joy!? Na mali ang lahat ngginawa ko para sa iyo!? Bakit? Sinong tama? Si Iñaki?! Ang kapatid ng lintik naFranco na 'yun?!"
Sabay silang napapitlag at napalingon sa may lamesa kungsaan lumaglag sa sahig at nabasag angmga pinggan mula sa ibabaw ng lamesa atlumikha ng matinding ingay. Nagsimula na rin mamatay ang sindi ng mga kandilangkasunod ang pagpatay bukas ng mga ilaw sa loob ng silid.'Nabasa ko dati saisang book na gawa ng mga paranormal experts na ang mga ghost daw na may matinding emosyong pinanghahawakan,nagkakaroon ng kakayahan na makahawak ng mga bagay dito sa mundo nito. 'Yun dawang mga kaluluwang hindi natatahimik,' tila hangin ang mga salitang iyon nabumulong sa mga tainga ni Joy. Iyon ang sinabi ni Iñaki sa kanya noongnakaraan. Posible nga kaya?
"Hahahahaha! Akin ka lang Joy! Walang sinoman ang pwedengumagaw sa iyo mula sa akin! Akin ka lang!!!"
Hndi alam ni Joy kung saan siya mas matatakot, sanakapangingilabot na lamig na yumayakap sa katawan niya o sa mga baliw na tawani Ryan.'Tagu-taguan...Maliwanag ang buwan...'
Napalunok siya sa kabila ng nanunuyong lalamunan. Hindisiya maaaring magkamali sa naririnig na boses. Natuon na ang mga tingin niya samadilim na sulok ng kwarto.
"F-franco..."***
"DETECTIVE, malapit na poba tayo?" nag-aalalang tanong ni Iñaki.
"Oo, malapit na. Sigurado ka bang kaya mo ang katawanmo?" May pag-aalalang tanong rin ni detective Darwin. Muntik na niyangmasagasaan ang binata sa may malapit sa hospital na pinagdalhan dito napinuntahan niya nang iharang nito ang katawan sa sasakyan niya. Bakas sa katawanni Iñaki ang panghihina na tila pinipilit na lamang ang sarili na makakilos.
"Detective, mas hindi ko kakayanin kapag may masamangnagyari kay Joy."
"Nandito na tayo," napapalunok na sabi ni detectiveDarwin ng maihinto ang sasakyang minamaneho sa may harap ng malaking bahay nahalos nasa dulo na ng pinasukang subdivision. Mabuti na lamang at dati pa niyanakuha ang address ni Ryan noon palamang na pinapaimbestigahan niya ang mga barkada nito. "Narciso, sandali lang-" Hindi na niya napigilan ang binatang mabilis na bumaba ng kotse hindi pa man niya tuluyang napapatay angmakina kaya kaagad siyang sumunod sa pagbaba nito.
Pasunod pa lamang ang mga pulis na tinawagan nila upangbumack-up sa kanila. Kung si Ryan lamang ang nag-iisang tao na nasa likod ngmalalagim na pangyayari, nakasisigurado siyang mapanganib itong tao.
Mula sa labas ay mapapansin ang kadiliman sa haloskabuuan ng malaking bahay pwera sa isang bintana na nasa ikalawang palapag.
"Ryan Gilbert Untalan, si detective Darwin ito. Buksan moang -" Napatigil siya sa pagsigaw at pagkatok sa may pintuan ng makarinig ngmagkakasunod na putok ng baril. "Narciso!"
Mabilis na sinira ni Iñaki ang pinto gamit ang katawan atkaagad na umakyat ng hagdan.
"Joy!"
"H'wag kang lalapit g*go ka! Kung hindi pasasabugin ko ang bungo ng babaeng pinakamamahalmo!"
Napatigil si Iñaki sa may pinto ng makitang nakatayo siRyan sa may likuran ng nakatayong si Joy at nakatuok ang bari na hawak sasentido ng dalaga. Nasa tabi ng mga ito ang isang upuan na may lubid sa ibabawna halatang kanina lamang ay pinagtalian kay Joy.
"Ng babaeng pinakamamahal nating dalawa!" gumuhit angmalaedemonyong ngiti sa mga labi ni Ryan pagksabi niyon.
"Ryan, tama na! Itigil mo na ito!" Mas matinding takotang nararamdan ni Joy ngayon.. Pakiramdam niya anumang oras ay maaari siyangmamatay sa kamay ni Ryan.
"Para ano!? Para kayo ng gag*ng yan ang magkaroon nghappy ending?! Minahal kita Joy! Mahal kita pero bakit hindi ako ang magawamong mahalin!?""
"R-ryan, s-sorry..."
"Sorry?! Para saan? Kasi tama ako? Tama ako na ang g*gona 'yan ang mahal mo?! Put*ng ina namanJoy!? Lahat naman ginawa ko, ano pa bang kulang?! Ano pa?!"
"Ryan pare, h'wag na -"
"Tumahimik ka! Alam mo naisip ko mamamatay lang rin namankami, bakit hindi ka na ang mauna!?"
"Iñaki!" sigaw ni Joy.
Ngunit bago pa man makalabit ni Ryan ang gatilyo ng barilna hawak ay may naramdaman siyang matigas na bagay na humampas sa may batokniya. Lumuwag na ang hawak niya kay Joy na kaagad na tumakbo palapit kay Iñaki.Kasunod niyang naramdaman ang mahigpit na kapit ng mga kamay sa kamay niya nanagsimulang umagaw ng baril. "D-detective Darwin!"
Nagsisimula namang mamuo ang mga butil ng pawis sa noo nidetective Darwin habang nakikipag-agawan ng baril kay Ryan. Bago pa siyamakasunod kay Iñaki sa pagpasok nito sa kwarto ay napansin niya kaagd ang isangkwarto kadikit ng pinasok nito. Hindi nga siya nagkamali sa hinala na may pintoiyong nagdudugtong sa kabila. "Ryan, tigilan mo na ito bago pa lumala ang kasomo!"
"Wala akong pakialam sa kaso ko. Mamamatay kaming dalawani Joy! Magkakasama kami hanggang kamatayan!"
Nangilabot si detective sa narinig. Pakiramdam niya ayibang Ryan ang nagsasalita ngayon. Hindi na ito ang Ryan na nakausap niya noongnakaraan o kanina lang. O ito ang tunay na katauhan ng binata?
Mahigpit na yakap ang naramdaman ni Joy ng makalapit kayIñaki bago ibinalik ang mga tingin sa dalawang nag-aagawan ng baril.
"Mukhang ikaw ang mauunang mamatay sa atin, detective,"nakangising sabi ni Ryan.
Nagsimulang makaramdam ng mas matinding kaba si detectiveDarwin ng unti-unti tumapat sa kanya ang baril na parehas nilang hawak.
Hindi naman makagalaw sina Iñaki at Joy sa kinatatayuan.Gusto nang hilahin at itakbo ng binata si Joy palabas ng malaking bahay ngunitnag-aalala siya kay detective Darwin.'Ryan...'
Natulala si Ryan ngunit nanatiling mahigpit ang hawak sabaril ng marinig ang boses na tumatawag sa pangalan niya. Ang pamilyar na bosesng batang palaging dumadalaw sa panaginip niya. Ang batang hanggang sapanaginip ay paulit-ulit niyang pinapatay.
"P-patay ka na! P-pinatay na kita! P-pinatay na kita!!!"
Sabay na bumaling ang mga tingin nina Iñaki at Joy sasulok ng kwarto kung nasaan ang tingin ng namimilog na mga mata ni Ryan.
Bumilis ang tibok ng dibdib ni Iñaki ng makita angmalabong pigura ng batang nakatayo paharap kay Ryan. Nakasuot ito ngnapakamilyar na jacket at bahagyang nakatago ang mukha sa hood ng jacket.Pakiramdam niya anumang oras ay mangingilid na ang mga luha sa mga mata niya. "F-Franco..."
BLAG!
Ang malakas na putok ng baril ang nagpabalik muli ngtingin kay Joy sa dalawang nag-aagawanng baril. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras ng magtama ang mga tingin nila niRyan. Unti-unting bumalik ang ilang parte ng nakaraan sa alaala niya sa masmabilis na oras. Parang naka-fast forward sa loob ng isipan niya."Believe me,everything will be fine."
"Napalayokasi ako msyado sa taong matagal ko nang gustong maging girlfriend..."
"Ten years from now, papakasalan kita."
"Joy, hangga't nandito ako sa tabi mo, hindi ko hahayaang may mangyaring masamasa iyo."
"Gagawin ko ang lahat para maging tayo hanggang sahuli..."
Mga ingay ng sirena ng sasakyanang tila nagpagising sa diwa ni Joy. Natulala siya ng bumagsak ang katawan niRyan sa harapan nilang lahat kasunod ang mabilis na pagkalat ng dugo nito sacarpet na binagsakan. Tapos na anglahat.... Totoong tapos na ang lahat... "Bumaba na kayo... Ayusin ko langang mga pwedeng maging ebidensya dito sa kwarto," ani detective Darwin matapospulsuhan si Ryan ay nagsimulang maghanap ng mga bagay na maaaring magamit pa sakaso kahit alam niyang sarado na iyon. Tatalimana sana si Joy kasabay ni Iñaki sa paglabas ng kwarto ng mahagip ng mga mataniya ang pagkilos ng katawan ni Ryan. Mabilis itong tumayo at kinuha ang barilna nakasakbit sa tagiliran ni detective Darwin. "Iñaki!"pakiramdam ni Joy ay may sariling isip ang katawan niya nang awtomatiko itongkumilos at iniharang sa katawan ni Iñaki kung saan nakatutok ang baril na hawakni Ryan. Ilang malakas at papalapit na mga yabag ang narinig niya kasunod angilang putok ng baril bago mabilis na nagdilim ang paningin niya. Nagsimulasiyang mahirapang huminga ngunit saglit na naging aktibo ang pandinig niya.Hindi niya alam kung sino ang nagmamay-aring mga mabibigat na yabag napapalapit o kung saan nanggaling ang ilang putok ng baril. Isa lang angsigurado siya, ang ilan sa mga iyon ay tumama sa katawan niya.
***
***********************This is it pusit!!!! Sanasamahan ninyo kami hanggang sa huling kabanata...Abangan kung sino angtuluyan ng magpapaalam...Kung sino ang tuluyanmagiging tahimik at masaya...Kung sino ang tunay namagiging malaya...Salamat sa suporta atpagmamahal... ^_^Salamat sa pagsama sa akinna hanapin si Franco hanggang sa huli... :)
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...