Devil 4: Danger In His LAir

27 2 0
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

4

Danger in his lair

Nagkapasa-pasa ako sa ginawang pananakit sa akin ni Devin.At hindi ko iyon magagawang maitago sa mga magulang ko dahil sa pangingitim sa mukha ko.

Mama was furious and Papa as always was just calm but observing.Lahat ng mga tanong ni Mama sinagot ko maliban sa sino ang nanakit sa akin.

"Hindi mo sasabihin?" Pagbabanta ni Mama.Yumuko ako. "Honey bakit? Tinakot ka ba ha? Tell us!"

Pero nanindigan ako.Saka na ako magsasabi kapag naayos ko na.It's between me and Devin.

Wala ng nagawa sa akin si Mama nang hindi na ako nagsasalita.Pero bago ako pinayagang makabalik sa kwarto ko,sinabihan ako na kapag naulit pa ito ay ililipat nila ako ng school at paiimbestigahan ang nangyari.

That night I prayed.That I'll keep steadfast until the devil surrender to the Lord.

---

Pero wala si Devin.Hindi na naman pumasok.

"Car...ginawa yan ni Devin sayo...?" Marahan at parang nahihiyang tanong ni Glads sa pasa ko.Bahagyang may bukol na kasi ito ngayon.

Hindi ako sumagot.

"Babe,sorry...."

There it is,the magic word. "Okay lang." But still,mas okay sana kung may ginawa sila.

"Ano ba kasing nangyari?" Mich asked a bit pissed.

Umiling lang ako.Naiinis din dahil kahit nakita naman niya ang ginawa sa akin ng 'idol' niya still she's faithful to him.Kaka-hurt lang.

"Forget it." Aniko sa mga ito but they were gawking at something behind me.

Mabilis kong naalala ang huling eksenang ganito kaya ganon na lang ang kaba ko.Agad akong lumingon at napalitan yon ng pagkainis sa sarili.Walang Devin na nakatayo sa likod ko pero ganito ang takot ko.Mariin akong umismid.

"Kaninong nanay kaya yan?" May pag-iingat na tanong ni Glads.

Bumalik ang tingin ko sa likuran at nakita ang nasa labas ng pintuan.Hindi ko nabigyan ito ng atensyon kanina kaya nagulat akong makita kung sino ang naroon.

"Nandito ba si Devin?" Tanong ni Mrs. Gomez sa kaklase naming lumabas.

"Sino daw ang hinahanap?" Ani Mich na hindi narinig ang binanggit na pangalan ng matanda.

Mabilis akong tumayo.The old woman looked distraught.Ano kayang nangyari?

Malayo pa ako sa pintuan pero napansin na ako ni Mrs. Gomez.Tinawag ako.

"Mrs. Gomez,ba't po kayo nandito?" Tanong ko,nag-aalala ako dahil mukha itong nanghihina.Mas mahina pa kumpara sa huling pagkikita namin sa church.At ngayon pa lang na kung iisipin kong siya si Mama nakakaramdam na ako ng pagkalungkot.That's why I worry. "Okay lang po ba kayo?" I added,but she was looking corncerned to me too.

"Maricar....Ano'ng nangyari sa mukha mo?" Marahan nitong tanong at masuyo akong hinawakan sa aking braso.

I felt the urge to tell what her son did but I opted not to.Kung kina Mama hindi ko nasabi,mas lalong hindi sa kanya.Palalakihin lang non ang gulo.

Umiling ako at ngumiti. "Wala po 'to.Si Devin po ba ang hinahanap niyo?" Instead I asked.Tumango si Mrs. Gomez,the worry on her face etched back. "Wala po siya Mrs. Gomez.Hindi na naman po pumasok." Pagsusumbong ko dahil kailangan nito iyon malaman na nag-s-skip ng class ang anak niya.

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon