Devil 35: Blackout

12 1 0
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue22

35

Blackout

Devin


Akin ang mga bagay na mahalaga sa akin. Sa dami ng nangyari at ipinaintindi sa akin ng mundong to, kung hindi mo hihigpitan ang hawak sa bagay na gusto mo, hindi kahit kailan iyon mapapasayo. Talo ang mabait. Talo ang mapagbigay. Dapat ganid ka, makasarili.

Inangat ko ang katawan ko mula sa katawang nasa ilalim ko. Wala na siyang ulirat habang ako, nagpupuyos pa rin sa galit sa kanya, sa tatay niya.

Umupo ako sa gilid, may ingat na hindi ko siya magising. Kinuyumos ko ang mga kamao ko at ibinaon doon ang mukha ko. Tumitiim ang mga bagang ko, hindi pa rin upos ang bulkan sa dibdib ko. Gusto kong sumigaw at magwala.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang tumunog ang cellphone kong nasa ilalim ng kutson. Malalim ang kunot ng noo ko dahil matagal ng walang kumokontak sa akin.

Alm ko kung nsan k. Ibalik m ang pera ko kung hndi pptayin ko kyo ng babae m

Nanlilisk ang mga mata kong bumaba ng kama at nagbihis. Impyerno siguro ang duminig ng atungal ko at pinagbigyan ako sa gusto ko. Pagkabihis, kinuha ko sa ilalim ng cabinet ang 9mm at ikinasa bago ko sinulyapan ang babaeng nasa kama ko. Babaeng papatay ako maari ko ng buo.

Pera? Gagong Gary. Ako naghirap sa mga yon. Para sa amin yon ni Mari.

---

Dumating ako sa sinabing tagpuan. Naabutan ko si Gary at dalawang bata niyang naghihintay sa loob ng lumang bahay. Tumawa ng nakakainsulto ang gago nang makita ang iika kong paglakad na lalo lang nagpakulo sa dugo ko.

"Wala sa akin ang pera." Walang sabing wika ko na nagpatahimik nga rito sandali. Nang makabawi ay nakita ko na ang halimaw na noon ay kinanginginigan kong makita. Pero ngayon, tinutok ko pa nga ang baril kong hawak ko na kanina pa at ipinutok na tumama agad sa leeg nito. Kasunod kong pinaputukan ang magkabila niyang bantay sa tiyan at mukha. Binalikan ko pa ng tig-isang putok sa dibdib na parang mga hayop lang ng mawalan ng hininga, napakadali,walang silbi, mga walang kwenta.

Pagod akong umupo sa naroong sofa at pinanood ang pagpula ng puting sahig. Pumikit ako at naiinis na bumuntong-hininga. "Mga tanga!" Di ko napigilang isigaw. Pinukpok ko ng kamao ko ang kamay ng sofa. "Tanga-tanga kasi..!" Anong tingin nila sa akin, good boy pa rin? Mga bobong tanga.

Tumayo ako at kinompronta si Gary. Dinuro ko. Kasalanan niya kaya siya namatay. Gagong tanga.

Napahawak ako sa ulo ko habang hawak pa rin ang baril na iisa na lang ang bala. Sa utak ko sumisigaw si Gary, linisin ko raw yung sahig, tanggalin ang mga dugo tapos sunugin ang mga katawan.

Nagbuga ako ng hininga, nararamdaman ko ang mga pawis na tumutulo sa buo kong katawan. Isa pang buga ng hininga at ibinalik ko ang tingin sa mga katawan. Lumunok ako pero baliktad ang nangyari at naduwal akong yumuko at nagsuka.

Pumikit ako ng mariin. "Kaya mo, Devin...tangina."

Bumangon ako at taas-noong tinignan ang mga gago. Sino ngayon ang nakakatakot?

Muli kong sinukbit sa likod ko ang baril saka ako kumilos.

Madilim nang matapos ako at bumalik ng bahay. At kasing-dilim non ang naabutan ko.

Wala talagang nakikinig sa akin.

Malalim akong humugot ng hininga at nakapikit na tumingala.

-----

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon