DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue
20
Tending the devil
Malayo pa ang sasakyan pero hindi na makapaghintay si Maricar na makita si Devin. Napagkasunduan nila na ngayong araw ito mag-e-enroll at excited siyang samahan ito. Ngunit kung ano naman ang ikinasabik niya ay iyon naman ang ikinasama ng hilatsa ng mukha nito nang abutan nilang nag-aabang sa gilid ng kalsada.
Binuksan agad ni Mari ang pinto para sana bumaba pero nahila na iyon ni Devin na agad sumakay. Gulat na lang siyang napausod sa ginawa nito.
"Huwag ka ng bumaba." Huli na nitong sinabi habang pasilip-silip sa labas ng bintana.
Nanatili naman ang gulat niya na kalaunan ay nawala rin. Nakalimutan niyang si Devin nga pala ito,the rude Devin she first knew.
Pag-usad ng sasakyan ay napako ang tingin niya sa suot nito.
She instructed him to be decent today. Naka-polo nga ito pero lukot-lukot naman at magulong nakarolyo ang mga manggas habang nakabukas ang dalawang butones ng kwelyo. And his hair is disheveled like he just woke up from a bad dream.
Hinarap niya ito at inabot ang kuwelyo. Lukot nung una ang mukha nitong bumaling sa kanya pero nang makuha ang gagawin niya ay hinayaan na rin siya.
Next Mari unfolded the sleeves and rolled them back nicely this time.
"Tsk." Palatak nito nang sunod niyang aayusin ang buhok.
"May hairpolish ako." Alok niya pero napakasungit talaga sa kanya.
"Sa eskwelahan lang tayo pupunta hindi sa Malacanang."
Bagsak ang balikat niyang sumuko rito. He really is impossible sometimes,she thought.
---
"You fill this...then ito-"
"Alam ko,hindi ako tanga."
Naitiim ni Maricar ang mga labi at hinayaan na si Devin sa pag-puno sa form,pagkatapos ay lumapit sa bintana ng registrar. Ramdam na ramdam niya ang kagustuhan nitong makalayo mula sa kanya kanina pa pero hindi niya nilulubayan.
"Let me see." Aniya nang ilapag nito ang form habang naghihintay. She silently shrugged her shoulders when he snobbed her again for the millionth time but went totally different when a female Student Assistant showed up behind the window. Ngumiti rin ito nang ngitian ni Devin.
Maricar felt a pinch in her heart. At wala sa sariling lihim na napaismid sa SA.
Then Devin smoothly combed his disheveled hair with his hand. Mari felt that little tug inside her worsened. Hanggang sa makabalik sila ng sasakyan ay apektado pa rin siya sa nakita,na kahit ang lalaki ay napansin ang biglang katahimikan niya. Nagtataka itong tumingin sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin nang matauhan.
"Sasaglit tayo sa bookstore. Bili tayo ng mga gamit mo." Aniya nang maalala ang susunod nilang agenda.
Masama itong nagbuntong-hininga. "Kaya kong bilhin ang mga kailangan ko." Nagagalit na sabi.
"Okay." Suko agad na sagot niya. She suddenly felt weak fighting with Devin. Nang ilang sandali ay bigla nitong pinahinto ang sasakyan at bumaba. Palabas pa lamang sila noon sa bayan.
"Umuwi ka na." Madiing sabi sa kanya pagkababa sabay sara sa pinto bago pa siya makasunod.
"No. Saan ka na naman pupunta?"
"Wala ka na don. Huwag ka ng bumaba!"
"No!" Sinubukan niyang buksan ang pinto pero agad na umusad ang sasakyan nang sabihan nito ang driver na wala ng ibang mas nanaiising gawin ng sandaling iyon kundi ang mailayo ang anak ng amo.
BINABASA MO ANG
DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)
Ficção AdolescenteMaricar thought she had seen evil in Devin Gomez but as she come to cross with him, she discover a lost soul in need of affection and decided to save him.
