Part 3 | Devil 27 : Dark Echoes

18 3 0
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue22

27

Dark echoes

Magalang na nag-iwan ng pamamaalam si Maricar sa kausap na ginang nang marinig ang mabigat na pagbuntong-hininga ni Sean mula sa kanyang likuran. Pero bago sila umalis ay muli niyang sinuyod ng tingin ang mataong covered court para sa kahit na anong senyales na hinahanap niya.

Hindi niya alam,pero pakiramdam ni Mari ay naroon si Devin pagkadating na pagkadating pa lamang nila. Parang bawat lingon niya ay nagtatago ito sa bawat kasuluksulukan na hindi niya makikita.

"Sa'n ka pupunta?"

Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Sean.

Nagpalinga-linga si Mari sa paligid. Bigla siyang napatakbo nang may nahagip na imahe ng isang lalaking nakatalikod at naglalakad palayo. Nang sundan niya ay naglaho na ito sa masisikip na kabahayan. Kung wala lang si Sean na pumipigil sa kanya ay malamang sinundan na niya yung tao.

"Hindi siya yon. Kung gusto niya magtago ay hindi dito sa alam niyang malapit lang at mahahanap mo."

Nag-panting ang pandinig ni Maricar. "Pa'no kung yon nga ang gusto niya?" Bulong niya saka nilagpasan si Sean at nauna na sa sasakyan nito. Kung hindi lang sila nito magkakasamaan ng loob ay pipiliin niyang manatili muna sana roon para hanapin na nga ng tuluyan si Devin kagaya ng palagi niyang ginagawa sa loob ng isang taon.

Lahat ng nababalitaan niyang charity event at outreach program ng university at mga organisasyon sa labas ay sinasalihan niya para sa pagkakataon na mahanap si Devin nang hindi nagagalit sa kanya ang mga magulang. Though they already had an idea ay wala namang magagawa ang mga ito para bawalan siya. Or maybe they already settled on the confidence that she can never find Devin ever.

"What did you say?" Habol ni Sean sa kanya sa sasakyan. "Mari." Tawag nito nang matutunan niyang ignorahin paminsan-minsan.

"Nothing." Mahinang sagot niya pagkasampa sa loob ng sasakyan.

Matagal muna siya nitong tinignan ng masama bago sumunod sa harapan.

Iniwas ni Maricar ang tingin at dinala sa labas ng bintana. Muli niyang sinuyod ng tingin ang mahirap na lugar. Lumalakas ang kutob niya habang papaalis doon.

"Stop looking,wala siya dyan." Sean snided again.

Mahigpit na humawak sa kanyang seatbelt si Maricar para pigilin ang sariling sumagot. Always,Sean always find the right timing to discourage her.

As he drove her away from the slum, somebody that looks familiar caught her sight. Mabuti na lang at napigilan niya ang sariling pahintuin ni Sean ang sasakyan as fear from the past terrorized her.

But excitement also got into her.

Posible nga kaya na naroon si Devin at hinahanap din ng mga ito?

---

Nang mapgdesisyunan niyang sundin ang mga De Alonzo na umalis,isinaalang ni Devin na yon ang makakabuti kay Maricar kahit na sa simula pa lang ay nabigo siyang takutin ito para kusang lumayo sa kanya.

Nang umalis siya ay wala siyang tiyak na patutunguhan. Nawalan ng direksyon ang utak niya kundi pabalik kay Maricar. Para siyang diyablong nananabik sa liwanag ng langit. Natutuksong bumalik at agawin ang anghel na ibinaba para sa kanya.

Sigurado siyang mamamatay sa gilid ng kalsada ng mg sandaling yon. Hindi na siya makabalik sa dilim na minsang pinanggalingan niya,inahon siya ng kanyang anghel mula doon. Ngayon,paano na?

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon