Devil 24:To Destroy The Devil

30 4 1
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

24

To destroy the devil


"We don't owe anything from that boy!"

"Calm down...."

"I am calm,Marjon! Buo pa din ang sanity ko unlike you na hindi ko alam kung nasaan. Tinutulungan mo ang taong nanakit sa anak mo. You're insane!"

Napabuga ng hininga si Marjon at naupo sa gilid ng kama. Suko na,naubos ang lakas niya sa argumentong paulit-ulit na lang. "What do you want me to do? Biguin ko si Mari at tanggalan ng scholarship yung kaibigan niya?"

Umawang ang mga labi ni Carrie nang di makapaniwala. "Kahit kailan hindi nagkaroon ng kriminal na kaibigan ang anak ko. And that scholarship would be the last kndness he would get from this family. You better listen to me on this,Marjon." Sumpa niya bago tumalikod at pumasok sa loob ng banyo.

Napabura ng mukha si Marjon gamit ang mga kamay. Hindi na niya alam ang gagawin. Matigas na ang puso ni Carrie.

But he had to be responsible to this kid. Siya man din ay walang tiwala kay Devin. Ginagawa lang naman niya ang lahat ng ito dahil kay Maricar. And saving that boy's ass is just one of the millions he would do for her.

---

Naghahakot na ng pinagbaunan si Evangeline nang maabutan ni Devin sa outdoor area ng library. Natigilan si Van nang makita siyang nakatayo sa kabilang side ng mesa at nagtagal ang tingin.sa kanya.

"Nagpagupit ka."

Napahawak sa kanyang buhok si Devin. "Oo, eh. Mahaba na raw. Kamusta ka na?" Tanong niya na dahilan ng pagpunta rito.

Itinuloy ni Evangeline ang pagliligpit. "Okay lang ako." Matabang na sagot.

Tumiim ang mga labi ni Devin. "Galit ka ba sa 'kin?"

"Hindi." Pero may dabog.

"Magso-sorry na naman ba ako?"

Litong napatingin si Van sa kanya. "Ano?"

Agad siyang umiling sabay sabi ng wala. Nagbuga ito ng hininga na parang nagtitimpi.

"Hindi mo kailangan mag-alala sa akin,Devin.Matagal na tayong wala." Anito na parang malamig na ibinuhos sa mukha niya.

Hindi agad nakasagot si Devin. Hindi niya iyon inaasahan. Bahagyang tumiim ang kanyang bagang at nasasaktang nagsalita. "Di ko naman ginawa yon para balikan mo 'ko. Tarantado lang ako pero hindi ako bulag. Pero sige," kibit niya ng balikat, "sa susunod na makita kitang binabastos pipikit na lang ako." At pagkasabi ay mabilis na sumibat.

---

Devin took the other way kaya hindi nito nakita si Maricar na kanina pa nakatayo sa kabilang direksyon ng hallway at narinig ang naging pag-uusap nila. And a part of Maricar hurt for Devin. Habang si Evangeline naman ay tila hindi man lang naapektuhan.

Swallowing the lump on her throat she walked away inside the library.

That instructor tried to grab Evangeline's backside while stacking books on the shelves. Nataon na naroon si Devin at nakita iyon kaya sinugod ang instructor. Pero walang naniwala kay Devin dahil hindi naman nagsalita si Evangeline na nag-iisang witness. Feeling guilty,Devin decided to drop out himself at dahil binantaan din na kakasuhan ng instructor. At hindi niya iyon pinayagan so she called out for his Papa's rescue.

"Miss,ako na."

Naputol ang pag-iisip ni Mari at lumingon sa nagsalita. There,she saw the person that has been in her mind for a while. At tulad niya ay natigilan din ito nang makilala siya.

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon