DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue
18
Lost soul part 1
Devin didn't try to duck when one of the inmate struck the back of his head. "Ayusin mo sa labas,ha!" Subok pa nitong panakot sa kanya na parang may natira pang takot sa kanya,o bahagi ng katawan niya ang hindi pa nasasayaran ng mga sipa at suntok ng mga ito. Tiniim niya ang mga labi para pigilan ang sariling magmura at tahimik na nagpatangay sa jail guard palabas ng piitan."Maswerte ka naawa sayo ang pamilya ng biktima mo." Anang gwardya pagkadeposito naman sa kanya sa opisina ng warden at agad ding lumabas.
Tahimik na naupo sa silyang naroon si Devin at ibinaba sa paanan ng upuan ang dalang plastik na naglalaman ng iilang piraso ng damit. Tumitig siya sa sahig at bumuntong-hininga. Bumukas ang pinto at pumasok ang warden kasunod ang taong dahilan ng pagkakapiit niya at ngayon ay ng paglaya niya.
Alam ni Devin ang bigat ng nagawa niya. Natutuwa pa nga siya dahil sa wakas he got a place for himself,somewhere he belong. Pero ngayon ay magbabago yon just because of the whim of the brat. Kaya nang pumasok ito ay agad niyang tinapunan ng nakamamatay na tingin,but hell,sino ang tinatakot niya kung hindi nga pala ito natatakot sa kanya? Binawi niya ang tingin nang mula sa likuran nito ay lumutang ang ama nito. Lalo siyang nakaramdam ng galit at frustration. Hindi niya kailangan ng tulong,hindi siya nagpapasaklolo,he's supposed to pay for what he did and rot in jail,but here they are. Nakatingin sa kanya na para bang wala siyang ginawang masama at tingin sa kanya ay kaawa-awa. Tingin ba nila ay magbabago siya?
"Devin...." Naiiyak na tawag ni Maricar nang makita ang kalunos-lunod na hitsura ng lalaki. Tadtad ng pasa ang mukha,halos hindi na nga maidilat ang kaliwang mata dahil sa matinding pamamaga. Putok ang mga labi at nangungulay-ube ang magkabilang panga at pisngi. His head shaven and his clothes looked like rugs.
Tinanggal naman ni Marjon ang tingin sa binata nang tawagin ito Maricar. Hanggang ng mga sandaling yon ay labag pa rin sa kalooban niya ang nais mangyari ng anak. But he promised her.
"Okay ka na ba?" Mari asked Devin as they waited for his father still talking with the warden. But he's still the cold Devin she knew. Gusto niyang hawakan ang mukha nito pero nag-alangan siya na baka lalo itong magalit.
Nang matapos ang pag-uusap,inakay sila ng jail guard at inihatid sa sasakyan.
"Uhm...Papa said daan tayo sa mall,you need new pair of clothes." Mahinang sabi niya,aware that Devin's too conscious around her father. Pasakay na sila noon ng sasakyan at umikot sa driver's side ang papa niya at kinuha yon na pagkakataon para banggitin dito ang suhestyon ng papa niya.Pero muli na naman siyang nitong inangilan.
"Di ko kailangan ng bagong damit o kahit anong awa niyo. Ihatid nyo na lang ako." Anito at hinintay siyang kumilos para buksan ang pinto ng sasakyan.
---
Devin felt a strong pang in his chest when he saw his father already waiting outside the house. Halos isang buwan siyang nakulong at ni minsan ay hindi ito dumalaw. Ayaw naman pala siya makita pero hinayaan nito ang mga De Alonzo.
Nilagpasan niya ito at pumasok na sa bahay. Narinig naman niyang tinawag siya ni Maricar pero wala siyang pakealam at nagtuloy-tuloy sa loob. Kung umaasa naman ang mga ito ng pasasalamat mula sa kanya ay hindi mangyayari yon.
Kinagabihan.
"Saan ka pupunta?" Gulat na tanong ni Dennis nang makitang lumabas ng kwarto si Devin,bihis at patungo sa pintuan palabas ng bahay. "Gabing-gabi na,Devin. Devin!"
Lumagabog pasara ang pinto.
Tumiim ang mga bagang ni Devin na nagtalukbong ng hood ng kanyang jacket at ibinulsa ang mga kamao na naglakad sa kadiliman. Hindi siya hatakin ng antok hindi dahil sa mga kasama sa bahay kundi dahil sa konsensya. Gusto niyang may sisihin sa mga oras na yon,paglabasan ng galit at iisang tao ang nasa isip niyang komprontahin. Ngunit nang maalala niya si Mr. De Alonzo ay ibang direksyon ang tinahak niya. At sa ibang lugar niya natagpuan ang sarili kinabukasan at sa magkakasunod na mga umaga.
---
Pilit ang ngiting iniwan ni Carrie nang hagkan ang asawa bago lumulan ng sasakyan.
Masaya kanina ang umaga niya,pakiramdam nga niya ay bumabalik na sa normal ang lahat pagkatapos ng tila naging 'pause' na pangyayari sa kanilang pamilya. Ngunit nang mabanggit sa almusal ang Devin na yon ay nag-iba agad ang timpla niya. Bumalik ang sama ng kanyang loob.
Para makalimot, nagdagdag siya ng oras sa trabaho para hindi muna makita ang kanyang mag-ama na tila kontrabida ang tingin sa kanya.
---
Ngumiti naman si Marjon nang makita kung gaano kasabik at kasaya ang anak nang sumakay ito ng sasakyan. Ngayong araw ay sasamahan niya itong ihatid ang magandang balita kay Devin. Ilang araw din niyang inayos ang maraming bagay para malinis ang record ni Devin at posible itong makabalik sa pag-aaral. Gusto ni Maricar na kunin niya itong iskolar.
When she's all settled he started to maneuver the car.
Narating nila ang tinitirhan ni Devin at magkasama nilang pinuntahan ito para ihatid ang magandang balita. Pero isang nagsusungit na Dennis ang nadatnan nila.
"Ilang araw na siyang hindi umuuwi rito." Anito na para bang isang malaking kaabalahan sa oras ang pagparoon nila para lang makusap si Devin.
"Sinubukan mo man lang ba hanapin,bro?" Tanong ni Marjon.
Umiwas ng tingin si Dennis. "Bakit pa? Ayaw naman niya rito sa bahay. Wala akong magagawa sa katigasan ng ulo niya."
Nagtagis ang bagang ni Marjon at akmang sasagot nang unahan ni Maricar.
"Sana man lang po ay hanapin niyo...anak niyo po si Devin,huwag po sana ninyong kalimutan yon." Anang anak sa garalgal na boses.
"Yon na nga,iha. Sana naisip niyo yan bago niyo siya pinalabas. Hindi na siya magbabago kaya dapat hindi niyo na siya pinalabas." Dennis argued that leave the both awestruck and leave.
Buntong-hiningang binalingan ni Marjon ang anak pagkabalik nila ng sasakyan at hinawakan ang kamay nito. "Mahahanap natin siya." Pangako niya. Mapait itong ngumiti.
.....
BINABASA MO ANG
DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)
Teen FictionMaricar thought she had seen evil in Devin Gomez but as she come to cross with him, she discover a lost soul in need of affection and decided to save him.