Devil 22: His Taste Of Love

29 4 1
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

22

His Taste of Love


Saying 'sorry' is the hardest thing Devin had ever done for someone he hates. Thing he's never done even to his own father. So the moment it slipped from his mouth he shied away. Parang gusto niyang bawiin iyon at makita muling sumimangot si Maricar.

But things went differently after that. A desire to see her smile again aroused him. Dahil sa unang pagkakataon nakaramdamdam siya ng totoong saya na huli niyang naranasan ng buhay pa ang mama niya.

---

Nakaabang ang malaking ngiti ni Maricar pagsakay ni Devin na kunot naman ang noo. Nevertheless,what is good is that Devin voluntarily decided to go with her today. Hindi ito pinilit ni Maricar,bigla na lamang nag-text sa kanya kaninang maaga na sasabay sa kanya sa pagpasok. And she felt as if she won the lottery.

"Ano ba." Mahinang singhal ni Devin nang tangkaing ayusin ni Maricar ang butones ng kanyang polo.

"Don't worry manong,mabait na po si Devin." Ani Mari nang lumingon ang driver na to the rescue

Pero sandaling pa rin nagtagal ang nanghuhusgang tingin ng driver kay Devin bago bumalik sa manibela. Diskumpyado pa rin sa binatilyo. Hindi nga nito maintindihan kung bakit napakabait pa rin ng mga De Alonzo rito.

"So,Devin,are you excited today?"

Napapaigik na tumingin si Devin kay Maricar na tila paslit talaga kung manalita. Di na naman tuloy niya napigilan ang sariling angilan ito. "Tumigil ka nga dyan. Para kang bata." But as usual it didn't shut her up. Sino ba ang binibiro niya? Maski nga ang driver ay walang kumpyansa sa kanya.

"Ipinagbaon na kita,ha,kaya sabay tayo maglu-lunch later."

Ngayon gustong pagsisihan ni Devin ang pagsabay kay Maricar. Ririndihin pala siya nito sa kaartehan at brattiness nito.

Muli siyang bumaling dito para barahin nang baguhin ng maaliwalas na ngiti nito ang isip niya. Talaga bang masaya itong makasama siya?

"Bahala ka. Baka sa labas na kami kakain." Aniya sabay balik ng tingin sa bintana.

"With Sean? Can I and Neri go?"

Sean,nairita ang pandinig ni Devin nang manggaling sa bibig nito. "Hindi na,okay ka na? Pwede na manahimik?"

Mari pout her lips. "Okay. So, lunch with me and Neri later. Sama mo sina Sean."

Napapalatak ng malakas si Devin. "Bakit pa? Ako lang naman ipinagbaon mo di'ba?" Iritableng lingon niya.

"Oo...but you can share-"

"Ayoko. Akin lang yan." Sulyap niya sa bag na naglalaman ng mga pagkain at sa mukha nitong nakikiusap.

Hindi na umimik si Maricar at pumayag na lang sa gusto ni Devin kaysa bigla itong bumawi. It took her a lot of wooing to get him today,kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon. Naniniwala si Maricar na unti-unti ay magkakasundo rin sila ni Devin. Because she prayed for it every night. And whatever made Devin change his mind,she believe that it was her prayer being answered.

"Dito na po ako." Deklara ni Devin nang hindi na gumagalaw ang traffic malapit sa gate ng university.

"Dito ka na?" Gulat na tanong ni Maricar at nagpatingin-tingin sa labas. "Wait,Devin!" Tawag niya nang tuloy-tuloy na bumaba si Devin ng sasakyan. Naalarma ang driver sa pagbaba niya na wala ring nagawa dahil hindi nito maaring iwan ang sasakyan.

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon