Part 2: Devil: 17 Angel's Plea

30 3 1
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

17

Angel's plea


Nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pinto si Maricar nang maramdamang may tumutulak pabukas. Sa pag-aakalang bumalik si Devin ay mabilis siyang tumayo at lumayo mula sa pinto.

Si Devin nga na tumuloy sa cabinet na nasa kanyang likuran.Namumula ang mga mata nito at ilong,nagmamadali ang mga kilos na parang hindi siya nito nakikita.

Tinawag niya ito pero parang wala ring naririnig. He was ransacking the cabinet,pulling all the drawers looking for something. At bawat kabiguan na hindi makita ang hinahanap ay malulutong na mga mura. Kaya lalo siyang kinabahan na baka kung ano na nga ang nangyari sa nanay nito nang itakbo nito sa ospital kanina.

"How is she? Dev-"

Malakas nitong isinara ang panghuling kahon saka tumayo. Hawak sa isang kamay ang isang plastik na may lamang mga bungkos ng pera. Hindi pa siya tapos mapaumang nang hagilapin nito ang braso niya at pakaladkad siyang dinala.

Malalim na ang gabi nang sumakay sila sa nag-aabang na tricycle. Nanatili itong walang imik at madilim ang anyo.

Nang tumigil sila sa tapat ng isang ospital, Mari understood what was going on. At siya na ang humila sa kamay ni Devin dahilan para mapatingin ito sa kanya at sa kamay nilang pinagsalikop niya.

Nandoon sila para sa mama nito at kailangan nito ng karamay,kaya nilakihan ni Maricar ang mga hakbang para makasabay sa pagmamadali ni Devin.

Pumasok sila sa ward at ang kamang pinakamalapit lang sa pinto ay ang kinaroroonan ni Mrs. Gomez. Pagtigil nila sa tabi ng kama ni Mrs. Gomez binitiwan ni Devin ang kamay niya saka umalis. Mari looked at the old woman who now looked more frail. Mabagal itong humihinga at banaag sa mukha ang paghihirap.

"Tita...." Marahang tawag niya at di napigilan ang sariling lapitan pa ito at hawakan ang kamay. She squizzed it softly. At nang tumugon ito pabalik ay tuluyang nanlabo ang kanyang paningin.

"Maricar...."

"Tita?" Pigil iyak na imik niya. Pinanood niya ang unti-unting pagdilat ng mga mata nito at bahagyang pagpihit ng ulo kung nasaan siya.

"Kumusta po ang pakiramdam niyo?"

Umangat ang kamay ni Mrs. Gomez para hilahin pababa ang oxygen mask. Nag-alala si Mari ngunit nagsimula na itong magsalita. "Hindi na ako magtatagal,'nak." Anito sa nanghihina at paputol-putol na pananalita.

Mari shook her head. "Huwag niyo pong sabihin yan,tita." Pero umiling ito at mahinang humugot ng hinga saka muling hinila ang kamay niya na tila may nais ibulong sa kanya. So she leaned forward.

"Si Devin...pwede bang alagaan mo siya para sa akin?"

Mari remembered she promised her. Before how everything happened so quick. It was a heart failure and only a new heart can save her.

Kaya nga umuwi si Devin para kumuha ng pera at makabili ng puso kung nabibili man. Na kahit ilang ulit sinabihan na kailangan nilang maghintay ng donor. Hindi naniwala si Devin kaya pagkatapos bilinan ng ina na tila nagpapaalam,umalis siya at bumalik dala ang pera at ang taong hiniling nitong makita. Pero sa huli,kahit ano pang hiling at pagmamakaawa ni Devin, huli pa rin ang lahat.

And while they rushed to revive Mrs. Gomez,Maricar stood aside praying. Pero kahit ang panalangin para sa isang milagro ay hindi nakapangyari. So maybe she could make it to save Devin.

Kaya mariin siyang pumikit at hinigpitan ang pagkakasalikop ng mga kamay. She was praying fervently. Pero kahit anong gawin niya ay hindi mabuo-buo ang mga salita,images of Devin keep distracting her. She prayed to see him again. She prayed to hear from his again.Ilang araw at gabi na niya itong ipinanalangin,but her prayers felt futile. They were unheard,unresponded. Habang tumatagal ay nagiging mas mahirap makabuo ng panalangin.

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon