Devil 19: Lost Soul Part 2

25 4 1
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

19

Lost soul part 2


Nangingilid ang mga luhang sumakay ng sasakyan si Maricar. Wala roon sa tambayan nito si Devin. Iyon na ang pangatlong araw na bumalik sila simula nang malaman nilang tumuloy nga roon sa unang araw si Devin.

Ngayon ay hindi na naman nila alam kung saan ito hahagilapin. Hindi pa rin ito nauwi at wala pa ring pag-aalala mula naman sa ama nito,bagay na hindi maintindhan ni Marjon.

"Shh...hush,sweetheart." Tahan ni Marjon sa anak na bagamat may disappointment dito ay nangingibabaw ang suporta rito. He's disappointed for knowing that his daughter knew the places where the boy goes. Lugar ng mga kahina-hinalang tao. Or maybe his fault for not being there all the time. Hindi siya updated sa nangyayari dito,kung saan ito nagpupunta at kung sino ang nakakasama.

"May idea ako where he might be." Positibong baling niya kay Mari na nagtatakang napatingin sa kanya.

The boy reminded him of his mother's passing too. Naulila rin siya sa ina katulad ni Devin. And he just loved his mommy so much that he remembered himself seeing her grave everyday for a year. So maybe,tulad niya noon ay naroon din siguro ito sa sementeryo.

At hindi nga siya nagkamali.

His daughter exited the car excitedly just as they pulled over near the boy. Palabas ito ng sementeryo nang makita nilang tahimik na naglalakad,naka-hood sa ilalim ng kainitan ng araw. Na hindi naman ininda ng anak niya na tumakbo agad palapit dito.

Hindi na bumaba si Marjon at hinayaan ang anak sa gagawin habang binabantayan ito ng kanyang tingin. He already unlocked the door in case. Pinanood na lamang niya ang mga itong mag-usap mula sa sasakyan, or more likely watch his daughter trying to communicate dahil mukhang hindi interesado ang kausap. Ngunit nang subukan nitong lagpasan si Maricar ay natigilan ito nang makita siya.

---

Marjon chose the nearest fast food restaurant to spend their lunch. And he was sitting accross Devin who's still refusing an eyecontact.

"Pinuntahan mo ang mama mo?" Interesadong tanong niya.

Mari volunteered to order their meals so he's left alone with Devin. Hindi naman sa tingin niya ay sinadya yon ng anak, her daughter is just too excited and happy to make things work.

But being able to talk with the person who assaulted and kidnapped her was an opportunity for a confrontation. Galit siya kay Devin pero dahil sa pagmamahal niya kay Mari ay natatanggap niyang palampasin ang mga nangyari. After all, everybody deserves a second chance to redeem themselves and change.

So quietly he heaved a sigh when he didn't answer him. Gayunman ay hindi niya inalis ang tingin dito at pinagmasdan muli ang mukha nitong namamaga pa rin ang mga sugat. Muli siyang napabuntong-hininga at marahang inabot ang mukha nito. Pasalamat niya at hindi ito pumalag,ni hindi kumibot nang hawakan niya.

"Masakit pa ba?" He asked as a medical professional. Then he carefully massaged the bruise around his eye to help regulate the blood. Kung nangyari ito kay Maricar ay hindi niya masasabi kung ano ang magagawa niya sa taong gagawa niyon.

Devin flinched when he presses more. Binitiwan na niya ito. "Mas mabilis gumaling ang mga sugat mo kung hindi mo pababayaan. Keep on applying the cream para mawawa kaagad ang mga pasa." Bilin niya. Wala siyang natanggap na tugon. And he understood.

Tumayo siya nang bumalik si Mari para makaupo ito sa pagitan niya at ng dingding. Habang nanatili naman si Devin  sa tapat nila.

---

"Sweetheart,let him." Mahinang saway ni Marjon nang abutin at hiwain ni Maricar ang pagkain ni Devin. Napatingin ito sa kanya pagkatapos ay nag-alangang sumunod.

Inabot niya rito ang inumin nitong nalusaw na ang yelo. "Thank you,Papa." Anitong may ngiti. Napatingin siya kay Devin nang maramdaman ang tingin nito sa kanila at nahuli niya itong nagbaba ng tingin. Hinarap niya ito.

"Devin." Pukaw niya at nag-angat ito ng kyuryosong tingin.

Marjon smiled,trying to subdue the awkward feelings. "Kalimutan na natin ang mga nangyari. Napatawad ka na namin at sana ay kami rin napatawad mo kung may nagawa man kaming kasalanan sayo. Ngayon,ako,ang aking asawa at anak ko ay gusto ka naming tulungan." Aniya at pagkabanggit sa huling salita ay mabilis itong lumunok at nagbaba ng tingin.

"Devin...." Pukaw ni Mari rito nang hindi umimik.

---

Bumuntong-hininga si Devin. Naninimdim ang puso sa galit. Kung siguro ay hinayaan siya ng mga ito na mabulok sa kulungan ay maituturing pa niya iyong tulong mula sa mga ito,hindi ganito na awa lang.

At sa pagkakatahimik niya ay inasahan niyang nakuha ng mga ito ang kanyang sagot. Pero nagkamali siya nang hulihin ni Mr. De Alonzo ang kanyang tingin at hindi na binitiwan. Na sa kabila ng kalamigan ay may pakiusap na hindi niya magawang iwasan.

"Mabait ang mama mo,Devin," wika nito, "at sigurado ako na kung buhay siya ngayon ay hindi niya hahayaang mangyari ito sayo. So let us help you."

Napakurap siya at tumingin sa kabilang direksyon.

"Para sa mama mo...at para kay Mari,hayaan mong tulungan kita."

Pain hit Devin in the chest. Bile started forming in his throat. Ikinuyom niya ang mga kamay para labanan ang sakit pero sa huli ay walang ibang mas madaling gawin ng mga sandaling yon kundi ang sumuko at tumanggap. Gaya ng sinasabi ng mama niya palagi sa kanya, na matuto siyang magpatawad at humingi ng tawad.

So he did.

.....

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon