Devil 32: In Fear

24 2 0
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue22

32

In fear

Nasa loob ng kwarto si Devin,nakaupo sa kama at madilim ang anyong pinakikinggan ang nangyayari sa kabilang partisyon. Dahil gawa sa kahoy ay malinaw niyang narinig ang mariing pagtanggi ni Maricar sa mga magulang na sumama sa mga ito. He also heard muffle of cries from the mother that silently gave him satisfaction.

Ilan pang sandali at maririnig ang pag-urong ng mga upuan,ang mga papalayong hakbang at huli ang marahang pagsara ng pinto isang araw pagkatapos ng pagbisita ni Sean. Isang sandali at ang pinto naman sa kwarto niya ang dahan-dahang bumukas. Bumaling siya sa labas ng bintana pero nakita niya sa gilid ng paningin ang pagpasok ni Mari,pabalik sa tabi niya.

Mari saw the food she prepared for Devin still untouched. "Devin,kumain ka na." Pakiusap niya pero parang walang narinig. Mari decided to let him,baka hindi pa nga nagugutom si Devin na ang huling kain ay kagabi pa,and it's past lunch already.

"Hindi ko alam na darating sila." Anunsyo niya maya-maya suspecting it might be her parents that took his appetite. Ito kasi ang nag-request ng pagkain kanina bago dumating ang Mama't Papa niya.

Tahimik lang si Devin sa nangyayari pero ramdam ni Mari ang galit nito. Devin doesn't like having her around almost like his shadow but wouldn't want her out of his sight. Tuwina,takot ang nakikita ni Mari sa mga mata at kilos ni Devin tuwing mawawala siya kahit saglit lang sa paningin nito. Tatawagin siya nito ng walang dahilan. And Mari knew that he just wanted to see her to prove himself she's present. Na hindi siya umalis at hindi ito iniwan.

And that night,he expressed his silent anxiety towards that surprise visit of her parents. Tinanggal ni Devin ang nakapagitang unan sa kanilang dalawa at inipon siya sa katawan nito at mahigpit na niyapos na para bang nawala siya ng kaytagal. Hinayaan niya ito. At nang ibaon ni Devin ang mukha sa kanyang leeg at marinig ang liit ng hikbi nito,inapuhap ng mga kamay ang braso nitong kasamang nanginginig sa pag-iyak at humawak doon. Making him feel her presence while trying to supress her own emotion.

Devin has turned this weak. So weak that he's almost brittle to the core. Ramdam na ramdam ni Mari ang takot nito. He has gone from that Devin she knew,that one evil and stonecold boy. The pain had subdued him, reduced him,break him and burried into that dark shitty damn hole nobody deserve.

A tear escaped Maricar and tightened her hold of him.

---

Nang mga sumunod na araw mas naging positibo si Mari para kay Devin. She does everything for Devin,she took care of him devotedly,maliban sa mga gawaing bahay na isa sa mga kasambahay nila ang gumagawa sa pakiusap ng mga magulang niya. Her time spent for Devin alone. Kasama na ang pagpapaligo.

Hindi pa nagagawang magpaligo ng ibang tao ni Mari maliban sa sarili pero para kay Devin ay tingin niya ay kaya niya.Ipinipilit niya iyon but Devin seemed to prove her that she doesn't have to. Na kaya nito.

"Labas na." Supladong sabi ni Devin nang matulungan niyang maipasok at maiupo sa loob ng banyo. Walang angal itong sinunod ni Mari pero ilang sandali pa lang ng pagtilamsik ng tubig sa sahig ay sinisigaw na ni Devin ang pangalan niya. And Mari was just standing beside the door the whole time,waiting for him to need him.

Hindi naman buong nakahubo si Devin nang abutan ni Mari. Suot pa rin nito ang boxer shorts nito at inip na naghihintay sa kilos niya pagkatapos ituro ang sabon na na dumulas marahil sa kamay nito at tumilapon sa sulok.

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon