Devil 33: Betrayal

16 2 3
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue22

33

Betrayal

Ate Fely unfolded the baby blue bedsheet just removed from Devin's bed to be soaked in the washer. Ganon na lang ang pagkunot ng noo niya nang makakita ng mantya ng patak ng dugo. The sheet smelled different too and she's not that innocent not to recognized what it was.

Tiim ang mga labi ni Ate Fely na tumingin sa direksyon ng silid kung saan magdamag,araw-araw nagkukulong ang alaga niya kasama ang lalaking inaalagaan.

Masama ang kutob ni Ate Fely at walang alinlangan na binitiwan ang kobre kama para tawagan ang amo.

---

Kulang ang salitang galit kay Marjon para ilarawan ang nararamdaman ngayon. Nagngingitngit siya sa galit sa sinabi ng kasambahay na iniwan niya kay Maricar para mag-alaga at magbantay sa anak.

Patapos na ang duty niya noon nang nagpupuyos na iniwan niya ang ospital at nagtatanong na asawa para sumugod.

Sinasabi na nga ba niya. Mangyayari at mangyayari ang kinakatakot niyang yon. Maricar neglected her school just  for the boy. Alam niyang malaki ang kasalanan nilang mag-asawa kay Devin at dito pero hindi ibig sabihin ay hahayaan na lamang niya ito para maipakita nila ang kanilang apology at sincerity? No. Definitely no and definitely not this time.

Dumating si Marjon sa maliit na bahay na sinasalubong ni Ate Fely. Agad nitong itinuro sa kanya ang kinaroroonan ng kanyang anak. Agad siyang kumatok sa pinto at tinawag si Maricar sa hindi makontrol na boses. He's tone high in rage. Namumula na nga siya ngayon sa pagpipigil ng galit lalo pa at kung anong pumapasok na sa utak niya mula sa naririnig na kaluskos mula sa loob ng kwarto.

And then the door slowly swung open and her daugther's sleepy and tired face emerged. Walang inaksayang sandali si Marjon at hinatak ito sa isang braso para kunin. Natangay ito ng una dahil wala pa sa huwisyo ngunit nang marinig ang intensyon niya ay mabilis itong pumalag at nakipaghatakan sa kanya. Masipa pa ng paa ni Mari ang isang plastik na upuan nang mapakandirit nang lumaban. At ang pagbagsakan ng mga gamit sa sahig ay lalong nagpaigting sa tensyon.

Pakiramdam ni Maricar ay nababaliw na ang ama at pinupwersa siya. He was never physical to her. Kaya nabigla siyang nagkakaganito ito ngayon,like he has gone mad.

"Papa!" Nasasaktang daing niya sa higpit ng hawak nito sa mga braso niya,his nails grazing on her skin. At sa lakas nito na higit sa kanya ay madali siyang natatangay papalabas ng pinto kaya nataranta siyang lumaban.

"Ate,kunin mo na ang mga gamit niya!" Sabay utos nito sa kasambahay na madali namang tumalima na parang nararapat lang sa kanya yon.

Binalot na ng takot si Maricar. She can't leave. Hindi pwede!

"No!"

"Halika na! You're going home now!"

"I don't want to!... Devin!"

Nasa likod na ni Mari si Devin bago pa man tawagin na agad dumepensa para sa kanya. Hinawakan nito ang braso niyang hawak ng papa niya.

"Bitawan mo ang anak ko!" Kulang ambaan ni Marjon si Devin sa galit na makita ito.

Hindi naman umimik si Devin na basta na lang humiwalay sa saklay para hatakin pabalik si Mari.

"Papa,let go!" Sabay daing ni Maricar.

"No,you're coming home with me! Pinagsasamantalahan ka na ng lalaking yan! He's taking you away from us!"

Sa tulong ng lakas ni Devin ay nagawang makawala ni Mari at napasubsob kay Devin. Hindi naman nagdalawang-isip si Devin na itinago sa kanyang likod si Maricar at pipilay pang iniharang ang sarili sa naghuhurumentadong si Mr. De Alonzo.

The two men now facing,glaring at each other.

"Give me my daughter,you bastard-"

"Papa!" Asik ni Mari na agad hinarangan ni Devin.

"Ayaw niyang sumama sayo,sir." Kalmadong pagitan ni Devin,salubong ang titig ng duktor na lalong ikinangitngit nito sa galit.

"You're a devil!  Sinasamantala mo ang kabaitan ng anak ko!"

Mari tried to speak on herself pero hinawakan ni Devin ang braso niya para patigilan at ito ang magsalita. "Umalis ka na rito,sir." Anito na kung anong kalma nito ay siyang puyos sa galit ng kausap.

"Oo,pero isasama ko ang anak ko!" Sinubukang sunggaban ni Marjon si Mari pero napahandusay lamang siya pagkatapos itulak ng malakas ni Devin.

Natakot si Mari nang agad bumangon ang ama para gumanti at ibinalot ang sarili kay Devin habang sumisigaw. "Stop it! Stop it,Papa! Masasaktan mo si Devin!" Pakiusap niya lalo nang muntikang bumigay ang mahinang tuhod ni Devin gawa ng hindi pa gumagaling na injury. She's now crying in panic.

"Open your eyes,sweetheart! That boy is ruining you!"

"NO!"

"Listen to me,anak,please! Halika na...! He's not worth it! Masisira ang buhay mo sa kanya!"

"I SAID NO!...NO!"

Totoo ngang bumabagsak ang langit sa pagkatalong naramdaman ni Marjon. Nanlupaypay bigla ang katawan niya,bumagsak ang kanyang mga balikat at napatitig na lang sa likod ng anak na nakakapit ng mahigpit kay Devin. Habang mataas ang noong nakatingin sa kanya ang lalaki na parang nagsasabing hindi niya ito kaya.

Sa puntong iyon ay binalewala niya ang kaangasan ni Devin at bigong nagmakaawa kay Maricar. Tears started to brim in his eyes thinking that it was already late. Tuluyan ng napaniwala ni Devin ang anak.

"Sweetheart,anak...I let you be with him dahil akala ko iyon ang makakabuti at tamang gawin but it was a mistake. Devin is using you. Can't you see? Nasisira amg buhay mo sa kanya. You don't go to school anymore. Hindi ka na rin umuuwi sa amin ng Mama mo. You called off your engagement with Sean...and then this,you let him touched you-" bumikig ang lalamunan ni Marjon sa pagsasabi sa huli na tila sinaksak ng malalim ang kanyang puso sa sama ng loob.

"I'm not going home anymore. I'm staying with Devin." Kuwa'y malamig na wika ng anak na gumulat sa kanya.

"You don't know what you're saying,Maricar. He is robbing your future! Maniwala ka anak! He's--"

Tumili si Maricar. It was defeaning that abruptly made his father stop. "I don't want to hear anything you say! Dito lang ako! I'm old enough to decide for myself!"

Nanimdim ang pakiramdam ni Marjon. "Hindi mo alam ang sinasabi mo,makinig ka sa akin!" And tried to lauched at her but Devin was quick to swat him away. Pero sa ginawa ay ito ang napaurong buti at agad nasuportahan ni Maricar. That drove Mari mad at hinarap ang ama.

Without thinking,Mari pushed her Papa that made him stumble on the floor. Saka walang lingon likod na pumasok silang muli ni Devin sa loob ng kwarto at nag-lock.

While eyes wide in disbelief and betrayal na walang nagawa si Marjon na pinanood na lamang ang pag-alis ni Maricar na animo'y hindi siya nakikilala.

Ate Fely helped him up habang sinusubukang tawagin para pabalikin ang anak niya.

Nang makatayo,nanginginig ang kalamnan na humugot ng malalim na hininga si Marjon. Nakatingin sa pintong pinasukan ni Maricar.

"I will be coming back,sweetheart. I will get you,okay?" Malumanay ngayon na pakiusap niya. And he was sure of it na mangyayari yon. By hook or by crook.

----

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon