Devil 15: In Between Hell

17 3 0
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

15

In between hell

Pagkasabing baba ni Kuya Gil bumaba agad ako ng sasakyan niya. Ibinaba ko ang suot kong cap at itinaas pa ang nakatakip na panyo hanggang sa ilalim ng mga mata ko para masigurong hindi ako mamumukhaan.

Kasama ang isa pa,pumuslit kami sa madilim at masikip na eskinita. Nakasunod lang ako kay Kuya Gil na naka-cap lang at nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket. Nakasunod lang ako sa likod niya.

Maya ay tumigil kami sa tapat ng pinto ng isa lang sa mga barung-barong doon at kumatok si Kuya Gil. Nagpalinga-linga naman ako sa kaliwa't kanan namin.

Bumukas ang pinto at isang matamdang ginang ang bumungad. Halatang nagulat at kita ang pagkatakot nang magtanong si Kuya Gil kung nasaan ang anak nito.

Nang sabihing wala ay itinulak ito sa balikat ni Kuya Gil. Pinagtiim ko ang mga labi ko para pigilang magsalita at sumunod na lang sa loob. Pagkapasok,isang lalaki ang akmang tatakbo nang mabilis itong kabigin ni Kuya Gil sa balikat. Kumilos ako para panatilihin ito nang tumanggi hanggang sa tutukakan ito ng baril ni Kuya. Sunod na lang na narinig ko ang pagputok ng baril.

Malakas kong tinabig ang kamay ni Kuya Gil nang makalabas kami ng eskinita. Alam ko kung gaano siya kasamang tao pero hindi ko inakala na masasaksihan ko yon. Wala siyang awa.

"Ano,may problema ka?!" Hinatak niya ako ng mahigpit sa kwelyo ko.

Hindi ko alam na kaya ko pa lang hindi matakot sa kanya ng ganito kaya tinabig ko ang kamay niya saka ako tumalikod at umalis.

---

Mariin akong pumikit,pilit na binubura sa isip ang nangyari. Pero bawat pikit ko,bawat tensyunadong paghinga ko,si Mama ang pumapasok sa isip ko.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko sa dilim. Patuloy lang ako sa paglalakad habang pinipigilan ang sariling emosyon.

At kagaya palagi,tuwing suko na ako,nilulunod ko ang sarili ko. Iniiyak ko lahat ng mag-isa.

End of Devin's POV

---

Mula sa pagkakapikit,dumilat si Devin. Maliban sa mukha ng Mama niya ay may ibang mukha siyang naalala. Napatuwid siya ng upo habang natatawa. Natatawa,nagagalit,namumuhi...pero hindi pa nga pala kumakain ang babaeng yon.

Bahagyang sumusuray,tumayo siya at naglakad palapit sa kahera para magbayad ng ininom niya. Matanda na ang nagtitinda at naalala niya ang Mama niya rito. Lahat na lang,kahit saan.

"Keep the change po talaga." Giit niya habang umiiling sa pagtanggi ng matanda sa bayad niya.

"Lasing na lasing ka na,baka hindi mo maalala."

Muli siyang umiling at saka ngumiti. "Hindi po. Ingat po kayo,'ma." Aniya sabay dampot sa plastik ng pinamiling ulam.

"I-ingat ka rin." Pahabol na wika ng tindera bago ilulan ng taxi si Devin.

---

Nanghihina pa rin dahil sa gutom, halos hindi maituwid ni Maricar ang sarili mula sa pagkakaupo sa sahig at pagkakasandal sa sulok para makita ang pagbukas ng pinto.

Nanlabo ang kanyang mga mata at bumikig ang lalamunan nang magsimulang maiyak pagkakita kay Devin. Kanina pa niya ito hinahanap. Gutom na gutom na siya,hinang-hina at gusto niyang magsumbong dito.

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon