DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue
25
Missing in the dark
Matagal ng hindi hinahabol ng kanyang nakaraan si Devin at utang na loob niya iyon sa makulit na babaeng nagpapaka-anghel sa demonyong katulad niya. Hindi naman niya iyon idine-deny at itinatago,iba yon sa ipinamumukha sa'yo na parang iyon na lang ang panukat sa pagkatao mo. Masakit marinig.
At iyon ang ibinalik niya kay Ethan nang hanapin nito sa kanya. Malakas na suntok sa nguso nang hindi tumigil ang bibig sa pang-aasar. Pero ang sapak ay nauwi sa suntukan at pagkakadamay ni Maricar.
"Hindi ko na hihintayin na may mas malala pang mangyari sa anak ko before I want you out of her life---GET LOST! Get out of our lives! Masama kang tao at nagkakamali ang anak ko kung magbabago ka pa!"
It rang inside Devin's head repeatedly. Ang pagwawala ni Mrs. De Alonzo sa ospital para utusan siyang umalis na sinunod niya.
Habang katahimikan at pag-iwas naman ang tugon ni Marjon sa anak nang paulit-ulit itong magtanong.
Nasaan po si Devin,Pa? Ano ang nangyari kay Devin,Pa?
It was a slight concussion but for doctors like them,Marjon knows that a little more impact could have damage his daughter's head. She could have a serious injury na hindi man nangyari ay wala siyang ginawa nang sampalin at sigawan ni Carrie si Devin.
It was the end for him too for that boy.
---
Mari looked outside the glasswall in case Devin might appear, passing by. Ginagawa niya iyon bawat pagkakataon na nakakalabas siya pagkatapos pagkaitan ng mga magulang na maging malapit dito. Her priviledges were once limited. Pero tulad kahapon ay wala siyang namataan.
Day and night since Devin disappeared, Mari never had a second she didn't think and worry for him. His phone still out of reach that makes her think he might have gone for real. And thinking of that hurt her. Namumula na nga ang mga mata niya,mugto sa maya't mayang pag-iyak.
"Kuya...,pwede po bang pumunta tayo sa sementeryo?" Muling pagmamakaawa niya sa driver.
"Paswnsya na maam Mari,hindi pwede. Bilin na iuwi kayo agad sa bahay."
Not thinking of arguing with that,she kept again her silence patiently at the backseat. Patingin-tingin na lang sa labas ng bintana, sinisipat baka madaanan nila si Devin.
Saan ka ba naglaho,Devin? Are you okay? Piping hiling na tanong niya.
But days turned into weeks at tluyang nagsara ang pasensya niya. She started to cross anyone who was cruel to Devin. Lalo na si Ethan na walang kabawas-bawas ang kayabangan na parang walang nangyari.
"Aren't you worried Devin's still missing?" May pang-aakusang tanong naman niya kay Sean na simula nang maging kaibigan niya sa pamamagitan ni Devin ay palagi nilang nakakasabay ni Neri mananghalian. At mukha itong okay na parang walang inaalala.
"Worry won't help."
Tumiim ang mga labi ni Mari sa simpleng sagot nito.
Clearly,people around don't care about Devin. They have turned cold. Dahil sa katunayan siya na lang ang hinihintay mapagod ng mga ito at paulit-ulit na sinasabihan.
'wala na si Devin'
'He's gone.'
'Probably somewhere nobody knew. Hiding and never coming back.'
But Mari shook her head everytime,she would never believe them. She refused to. Dahil hindi yon magagawa ni Devin. Hindi ito ganon. He's just out there and maybe waiting for her to find him. And she will.
....
BINABASA MO ANG
DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)
Novela JuvenilMaricar thought she had seen evil in Devin Gomez but as she come to cross with him, she discover a lost soul in need of affection and decided to save him.
