Devil 29: Unforgiveable

14 5 2
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue22

29

Unforgiveable


Devin

Dr. Carrie F. De Alonzo
Medical and Infectious Disease

Tumiim ang mga labi ko sa nabasa sa maliit na papel na inabot sa akin ni Doc Asuero, ang duktor ni Uncle David. Nasasamid akong lumunok at parang sinturon na naghigpit ang sikmura ko. Galit gawa ng panliliit sa sarili ang nararamdaman ko.

"Wala na po bang ibang doktor,doc?" Baling ko kay dok at tinapunan ako ng iritableng tingin. Napansin yon ni Uncle at napatingin sa akin. "Bakit?" Tanong sa 'kin na di ko muna pinansin at tinutok ko ang atensyon sa matapobreng duktor.

"Naghahanap kayo ng malapit na espesyalista,hayan...yan  eksakto,kaibigan ko yan,may medical mission sila ngayon sa Caruray,malapit sa inyo yon di'ba?"

Di ako umimik. Hinihintay ko ang sagot sa tanong ko. Nang makita niya ang mukha ko ay bumuntong-hininga na naman ito tulad ng ginagawa tuwing may nililinaw ako na di ko naintindihan tulad ng sinulat niya sa reseta,mga terminong medikal na hindi naman lahat makakaintindi. Kung ipaintindi ko rin kaya sa kanya ang mga terminong engineering?

"Iho,walang ganyang doktor dito sa atin,nasa Maynila lahat. Kilala mo ba si Doc Carrie kaya ayaw mo?"

Sumuko na ako at nagsimulang ayusin ang mga sarili namin ni Uncle para makaalis na. Naiinis ako sa tanong,naiinis ako sa pagkakataon.

"Bakit,'nak? Bakit ayaw mo sa nirekomenda ni doc?" Nagtatakang tanong ni Uncle habang inaalalayan ko siyang maglakad dahil sa malaki ng impeksyon ng sugat sa kanyang paa gawa ng tetano sa pagkakaapak ng kinalawang na pako sa site. Ilang araw ng iniinda yon ni Uncle bago ko nakumbinseng magpa-check up. Iba na kasi ang epekto sa kanya,at ngayon nga niresetahan kami at nirekomenda sa isang espesyalista.

"Di..." Pagtanggi ko kay Uncle. Wala naman siyang alam dahil di ako nagdetalye ng kwento. Ayaw ko rin na madamay siya.

"Don na tayo kung ganon. Libre pa."

Di na ako nagsalita. Bahala na.

---

Tagal na rin nang mangyari ang huling pagkikita namin ni Mrs. De Alonzo,may tatlong taon na. Malaki ang nagbago sa akin kaya hindi ako sigurado kung matatandaan niya ako. Pero ako,kahit isang dekada siguro ang lumipas o dalawa ay matatandaan ko siya. Dahil di ko siya kinalimutan. Hindi ko kinakalimutan ang mga taong nananakit sa akin at sa mga taong mahal ko.

Nakatingin ako sa sirang sahig ng covered court kung saan magkatabi kami sa upuan ni Uncle at nasa ikalabing-isang pila sa mga pumipila kay Dr. De Alonzo. Tinapik pa ako sa balikat ng sumusunod sa aming lalaki na nayayabangan yata sa porma ko dahil sa suot kong Air Jordan na regalo lang sa 'kin ni Uncle last year. Kung suntukin ko kaya sa mukha ng mawala ang amats? Kanina pa nagpaparinig,nang-i-insulto.

Pasimple akong huminga ng malalim ng kami na ang susunod sa pila. Siyang-siya nga,ang matandang version ni Maricar. Napaka-pleasant niya sa mga tao,totoo ang mga ngiti,maawain ang mga mata at mababa ang tono. Kaya hinanda ko amg sarili ko nang pinausog kami ng health worker na kasama niya. Muntik nang ayokong kumilos,tinawag pa ako ni Uncle at natataranta akong tumayo at yuko ulong umupo sa tapat niya sa mesa. Di ko na kinailangang malaman pa o tumingin nang maramdaman ko ang mabigat na tingin sa akin. Doon a lang,titig pa lang alam ko ng hindi dapat ako nandon. Na wala ako sa lugar,na napakasama kong tao.

Katahimikan pa lang alam ko na.

"Doc?" Dinig kong pukaw malamang ng health worker kay Mrs. De Alonzo. Nanatili akong nakatungo sa ibaba. Kung ire-require na hindi ako hihinga baka gawin ko na lang para matapos na at para kay Uncle. Pero hindi,dahil ikinagulat ko na lang ang gusto niyang mangyari.

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon