Devil 14: His Hate

18 4 1
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

14

His hate

My heavy eyes fluttered open when I heard a squeaked. I've been waiting for Devin to come back that my head hurts from trying not to fall asleep.

Hindi ko mabuksan kanina ang pinto,the windows are barred too so I decided to wait. The last time I checked my watch was 1 AM. Maingay sa labas,they were shouting,laughing aside from the clanking noises.

From the hazy yellow light I saw Devin walked in and locking the door. I sat up from the bed trying to adjust my vision to see clearly. He is my only hope to get out of here so I have to do all I can.

"Devin." I carefully called,I'm aware that he might be drunk  and could be dangerous.

Nag-angat siya ng tingin at parang natulala nang makita ako. For a moment we held each other's gaze. I,pleading while he gazed with one of his cold stare.

"Can I go home now,please...." Maybe I am so tired that crying became too easy.

Pero iniwas niya lang ang tingin niya saka pasuray na lumapit sa kama kung nasaan ako. Panic quickly consumed me that one foot touched the cold floor and hands ready to stop him from whatever he's planning to do.

"Dev-"

Devin flopped his body on the bed,faced down. Sumama pa ako sa pagtalbog sa pagbagsak niya. Next thing,he was motionless aside from the sound of his breathing.

"Devin...."Tawag ko,sinusubukan siyang gisingin. Inabot ko ang kamay ko para yugyugin siya pero hindi pa rin kumikilos. He's deeply asleep.

Pagod akong napabuntong-hininga. Ganundin ang mga luha ko na hindi na bumabagsak dahil sa pagod at kawalan ng pag-asa.

Humiga na lang ako pabalik sa natirang espasyo para sa akin at patuloy na tumitig kay Devin. Hoping that he'll woke up any moment and we'll go home soon. But sleep is taking over until it becomes impossible for me to stay awake.

End of Maricar's POV

----


Devin

Hindi ko marinig ang sinasabi ni Mama kahit anong pilit kong pakinggan. Nasa kusina siya at nagluluto,may hawak na sandok at pinapagalitan ako dahil naliligo na naman ako sa pawis kakalaro ng basketball.

"Ano Ma?" Nakita kong bumuka muli amg mga kabi niya pero malalakas na kalabog ang naririnig ko. Sobrang lakas na nakakarindi kaya lumingon ako.

Ramdam kong nakahiga ako at lumiliwanag ang nakikita ko. Wala na si Mama at naririnig kong may sumisigaw sa pangalan ko kasabay ng malakas na mga kalabog. Idinilat ko ang mga mata ko sa pag-aakala ko na na nakapikit yata ako.

Panaginip. Panaginip lang pala na nakita ko si Mama.

May pagsuyod ng sakit sa dibdib akong naramdaman at sinubukan kong ihinga yon kasabay ng pagbalikwas. May nahagip ang tingin kong nakalapat sa hinihigaan ko. Manipis na braso at napakaputi. Inakyat ko ang tingin ko at ganon na lang ang pagtiim ng mga bagang ko na makita ang mukha ni Maricar na tulog.

Mabilis akong bumangon,padarag at patalikod. Bumaba ang mga paa ko sa sahig. Naihilamos ko naman ang mga kamay ko sa mukha ko,kulang kuyumusin bago marahas na isinabunot sa buhok ko. Naalala ko na naman na wala si Mama.

Poot,galit...naghahabulan ang dalawa sa loob ko bago ako tumayo para puntahan ang pinto. Pagbukas ko,para akong binuhusan ng malamig nang makita ko kung sino ang nagwawala sa labas ng kwarto ko.

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon