Devil 7: Captivated By The Devil

22 3 0
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

7

Captivated by the devil

I was on the last melody when my finger played the wrong key.Tuloy nag-flat ang tone at pinatigil ako ni Master Sy.

I drew a sigh and repeated the whole stanza.I admit wala ako sa mood mag-play ng piano today pero dahil kailangan ko para makausad na kami ng ibang song,pinilit kong mag-concentrate dahil lumilipad ang isip ko kay Mrs. Gomez.

When were finished hindi ko na nasamahan si Master sa merienda niya dahil agad akong umakyat sa kwarto ko.

Four days na ang nakakaraan sa paghahanap ko kay Devin,sa pabalik-balik ko sa lugar na yon pero hindi ko pa rin siya nakikita.Nagtanong na rin ako sa mga kaibigan niya sa class pero kahit wala silang kwentang kausap naniwala naman ako sa sinabi nila na hindi pa nga raw nila nakikita yung tao.

Si Mrs. Gomez naman ay palagi ring nagbabakasakali sa school but to no avail.At para maibsan ko maski papaano ang pinagdaraanan niya,I tried engaging to talk with her.I tried to cheer her up and promised to help.In my desperation to help napa-order ako ng Avon niya kahit di naman niya ako inaalok.

Mukha namang nadadala ko siya sa pagiging pleasant ko until yesterday.Hindi siya dumating sa classroom.Nag-aalala ako hanggang ngayon at kailangang may gawin na ako.

Dinayal ko ang number na ibinigay niya sa akin in case daw na may ipapa-cancel ko yung order ko sa kanya.Kahapon hindi ko makontak baka sakali ngayon.

My heart made a leap when it rang.Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ko.Hanggang sa may sumagot,hindi si Mrs. Gomez.

And then I learned from this neighborhood na may-ari pala ng contact number na may-sakit daw si Mrs. Gomez.A flu.Kawawa nga raw dahil mag-isa lang sa bahay.

Quickly my heart goes to the old lady.Tinanong ko agad ang address,sinabi ko lang na kukunin ko yung in-order ko para lang ibigay.

May three hours pa ako bago dumating sina Mama.Nag-book agad ako sa Grab dahil nag-day-off si Manong Ricky.

"Mall lang Ate!" Paalam ko sa kasamabahay nang magtanong.

"Uwi agad ha?"

"Opo!"

.....

Sa pagtanong-tanong,nahanap ko ang bahay ni Mrs. Gomez.It was a small bungalow pero napaka-neat tignan at tahimik.

Nakasara ang walang lock at mababang gate and with the help of the woman I talked to the phone nakapasok ako sa loob.

There I found Mrs. Gomez in her bedroom,coughing hard on the bed.She looked pale and drenched in sweat.

Wala akong inaksayang sandali para malaman ang kalagayan niya.Nang makilala niya ako she tried to convince me to let her be pero hindi ako nagpapigil.If this is Ma hinding-hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko siya nakikitang okay.

Sa tulong na rin ni Ate Lyda nabihisan namin si Mrs. Gomez at napakain ng pinabili kong sinigang.

"Umuwi ka na anak...." Nanghihina niyang hiling sa akin nang mapansin niya akong sumisipat sa relo ko.I was sitting beside her on the bed at attentive sa lahat ng mga kailangan niya.

I shook my head. "Hindi ko po kayo pwedeng iwan,wala po kayong makakasama.Let's wait for Devin po before I leave you." Sabi kong nag-aalala pa rin sa kanya kahit bumaba na ang lagnat niya.Malakas pa rin kasi ang ubo niya.

Nasaan ba kasi ang lalaking yon? Alam ba niyang may sakit ang mama niya?

"Baka hindi siya umuwi anak." She said in between serious cough.

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon