Devil 30: Dying Soul

14 4 1
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue22

30

Dying soul


Maricar

Tulala si Mama nang madatnan ko. Maging ako rin. Mabagal kong narating kinaroroonan niya dahil iniisip ko pa rin ang nakita ko. Imposible...bakit naman ma-o-ospital si Devin? It can't be him,that patient looked so severe.

"Ma," pukaw ko kay Mama na wala naman akong makitang malaking galos maliban sa mukha siyang pagod na pagod.

Agad ko siyang dinaluhan,worried that she probably be hurt in some other parts of her body. Walang galos pero umiiyak,she look pained.

Papa was hysterically asking what was happening when Mama hugged me and sob. Hawak ko pa rin ang cellphone ko at nasa kabilang linya pa rin si Papa.

I let Mama cried on me,hinagod ko ang likod niya at buhok hanggang sa unti-unting nawala ang panginginig ng buo niyang katawan at tinanggap ang tawag ni Papa.

Habang nag-uusap sila ay pinupunasan ko ang mukha ni Mama,her make-up is already ruined. She keeps on thanking me and caressing my arm,really appreciating me doing it for her. Tumigil lang ang kamay ko nang marinig ang pangalamg binigkas niya. My hands froze and it ran down to my feet. Naramdaman kong pinisil ni Mama ang braso ko sa pagkakatigil kong yon at tumingin ako sa kanya. Already her teary eyes met mine,nagmamakaawa pa ang mga iyon na hindi ko makuhang paniwalaan. Until anger consumed me.

Hindi nga ako namalikmata,si Devin nga ang nakita ko!

"Sweetheart-" pumiyok si Mama nang pigilan ako. But I turned deaf to her instantly,every part of my sanity shut her off.

She just told Papa that she created an accident that led to death of a one person. "I'm sorry,hon...I'm sorry,I think napatay ko ang tiyuhin ni Devin. Ang sama ko...." Hagulhol niya na nagpatakbo sa akin pabalik sa kwartong yon kung saan ko nakita si Devin.

At siya nga ang nakita ko. And he was lying there peacefully but his face bruised kaya siguro pinagdudahan ko ng una kong makita kung siya nga ba iyon. Kahit nakapikit ay mukha siyang nasa matinding sakit. May malaki siyang sugat sa kaliwang binti at kanang kamay at mayroon siyang neck brace.

Nanghina akong napakapit sa higaan niya at di ko pinigilang mapaiyak. Pumikit ako at sinapo ang aking mukha para tumahan ngunit hindi ko magawa dahil sa naalala. Dumilat ako at naginginig ang mga labi kong humingi ng tawad kay Devin. We lost his uncle and we hurt him.

"I'm sorry,Devin...." Iyak ko,ang tanging magagawa ko na lang ngayon. After all the effort we put him through ito ang naging kapalit. Hindi ko maintindihan.

---

Devin

Umiiyak akong gumising. Hindi ako makahinga,hindi ako makagalaw. Malabo ang nakikita ko sa kisame at hindi ko makita ang sagot sa tanong ko. Ilang beses kong tinanong sa doktor,nasaan si Uncle? Kamusta si Uncle? Pero walang ni isang sagot. Buhay na nga ako pero si Uncle David nga nasaan?

"Devin...."

Sa unang pagkakataon simula nang magkamalay ako ay narinig ko ang pangalan ko. Hiniling kong si Uncle David na yon pero sa pagpihit ko ng tingin ay hindi siya ang nakita ko.

Gusto kong matawa,mailing. Gusto ko ring magalit,sobrang magalit pero para akong batang si Devin na nakakita ng kakampi. "Si Uncle...?" Pakiusap ko,halos bumulong ako dahil sa pagpipigil na umiyak kay Maricar. Pero sa halip na sagutin ako ay umiiyak na yumuko at kumapit sa kwelyo ng suot ko. Inulit ko ang tanong ko at naramdaman ko siyang umiling,bumulong ng paulit-ulit na sorry na hindi ko maintindihan kung para saan.

Lumunok ako at nilakasan ang boses. "Nasaan nga si Uncle?" Naiirita kong tanong dahil hindi ko kailangan ng awa sa ngayon.

Bahagya siyang lumayo,di ko makita pero ramdam ko ang lapit ng mukha niya,dinig ko ang maliliit na hikbi niya at paghinga,at ang lungkot sa boses niya nang magsalita.

Wala na raw si Uncle David. Hindi raw ito nailigtas ng mga doktor. Patay na raw nang dumating sa ospital dahil sa trauma sa ulo pagkatapos tumama ang ulo sa concrete barrier.

Malakas kong tinulak si Maricar para ilayo mula sa akin,hindi ko kailangan ng simpatya niya,ng pamilya niya,pero walang silbi ang braso ko at halos ako lang din ang nasaktan sa kahinaan ko.

Kung sana hindi ako nagmalaki,hindi ako nagalit o nagpadala sa emosyon ko ay di sana nangyari to.

"Bakit hindi na lang ako?" Pagod kong tanong.

"Huwag mong sabihin yan...no...."

Ang sakit ng dibdib kong muling umiyak. Bakit kahit anong gawin ko binabawian at binabawian ako?

---

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon