Devil 16: The Devil On His Knees

30 4 1
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

16

The Devil on his knees

Mari scoot a little more over to Devin 'til she's almost tucked beside him. They were lying on the bed facing each other after what happened. Bahagya pa rin siyang sumisinok pagkatapos umiyak ngunit naroon pa rin ang takot and she could use that protection Devin just showed her awhile ago.

Doon sandaling naputol ang pag-iisip ni Devin at bumaba ang tingin sa babaeng halos ibaon na ang mukha s akanyang dibdib. Tumiim ang kanyang mga bagang sa pag-iisip sa kaligtasan nito when all he should care about is himself. He hates her to his bones but here he is protecting her. Gago,kung hindi niya ito kinidnap wala sana ito ngayon sa konsensya niya.

Binawi niya ang tingin dito at muling ibinaling sa bukas na bintana. Gabi na,pasado alas diyes na pero malakas pa rin ang ingay sa buong kabahayan.

"Devin...."

"Tsk." Palatak niya at muling napatingin kay Maricar na kumapit sa t-shirt niya. Gusto niya itong itulak nang hawakan niya sa braso, but he ended up patting her softly until they both sooth down.

Next thing they were woken up by loud disturbing sound of commotion.

Gumuhit ang pagkatakot sa mukha ni Maricar nang magmadaling bumaba ng kama at lumabas ng kwarto si Devin. Pagbalik nito ay sumiisgaw na ito ng pabulong sa kanya. Telling her to fix herself and move fastly. Pagkatapos ay bitbit nito ang bag mula sa cabinet at hawak ang kamay niyang lumabas sila ng kwarto.

Wala ng panahon para magtanong. Base sa ikinikilos ni Devin ay nahinuha ni Mari na aalis na sila sa bahay na yon. Pagbaba nila ay napasinghap siya nang makita ang kaguluhang nangyayari. Pumikit siya nang bulungan siyang pumikit ni Devin bago akbay na nagpatangay rito palabas ng bahay.

Nobody seemed to notice them. Maging ang mga bantay ay nasa gulo ang atensyon. And they made their way to the front lawn. Malapit na sila sa gate nang marinig ang nakakatakot na sigaw ni Kuya Gil.

"Devin...! Saan kayo pupunta?"

---

Sinubukang lumaban ni Devin nang paluhurin siya sa suntok ni Kuya Gil. Nang akma siyang bumangon ay tinutukan nito ng baril sa sentido si Maricar na parang nababaliw na halimaw.

Devin never felt scared for his life until that moment. All at once naririnig niya ang boses ng mama niya,sinasabihan siya,ibinibilin si Maricar sa kanya. Isa sa mga huling alaala niya sa ina,at bawat alaala nito ay mahalaga sa kanya. At makita sa balintataw na nalulungkot ito sa nangyayari sa kanya,ramdam niya ang sakit na lalong bumabaon sa kanya. He never meant to be like this. He never meant to turned this bad. He tried to be the good son she wanted him to be. Pero heto na,huli na nga ang lahat pero sa kung kahuli-hulihan ay may magagawa siya para itama ang kanyang pagkakamali ay gagampanan niya ang huling pagkakataong yon.

So he dropped to his knees. Remembering the old woman whose son they just killed. Kung paano ito halos mawalan ng malay nang makitang bumagsak ang anak sa lupa,nagmakaawa siya kay Kuya Gil na hayaan si Maricar. But the madman loaded the gun at doon siya napagapang papunta sa mga paa nito.

"Kuya,kuya parang awa mo na! Kuya!" Hiyaw niya nang tumili si Maricar nang idiin ang nguso ng baril sa sentido nito.

Isang malakas na sipa sa sikmura ang tinanggap niya. Ubo siyang dumapa sa lupa. Sunod na naramdaman niya ay binabatak ang buhok niya at kinakaladkad sa lupa habang naririnig ang mga sigaw at pagmamakaawa ni Maricar para sa kanya. Kumapit siya sa kamay ng umaasulto sa kanya para makita ang dalaga pero tumigil ito at muli siyang binigyan ng sunod-sunod na sipa sa katawan,sa kanyang tagiliran at ang nagpawala ng pansamantala sa kanyang kamalayan ay ang sipa sa likod ng kanyang ulo.

"Tatakasan mo 'ko? Wala kang utang na loob!" Isa pang sipa at tuluyan ng nagdilim ang paningin ni Devin.

Lumayo si Gil at sinenyasang bitawan ng mga tauhan ang babae. Nang mangyari ay dinaluhong nito si Devin saka nila iniwan.

Umiiyak,pilit ginigising ni Mari si Devin. Nagkalat ang dugo mula sa bibig at mga sugat nito. Sumigaw siya ng tulong pero walang pakealam ang mga bantay sa kanila.

"Devin,gising! Wake up,please! Oh,God,help him...Lord help him!" Iyak niya at napayuko sa dibdib nito,nagsimula siyang umusal ng paulit-ulit na panalangin hanggang sa marinig niya ang tunog ng isang sirena.

Naisip ni Maricar na yon na ang sagot sa panalangin niya. Isang police mobile ang dumating at tumigil mismo sa tapat nila,malapit sa wala pa ring malay na kawatan ni Devin.

Dalawang pulis ang bumaba pero kaiba ang kilos ng mga ito. Pinadapa ng mga ito ang katawan ni Devin saka pinosasan at siya naman ay pinasakay sa harapan. Sinubukan niyang magsumbong sa mga ito pero parang walang naririnig ang mga ito at tuloy lang sa pagtangay sa kanila.

Tumigil sila sa isang ospital at doon ibinaba si Devin. Nagpumilit magpaiwan ni Maricar pero hindi siya pinayagan ng dalawang pulis. At sinabing naghihintay raw sa kanya ang mga magulang niya sa presinto. May pag-alinlangan siyang sumama sa mga ito pagkatapos mangako sa sariling babalikan si Devin.

Totoo ang sinabi ng mga pulis,naroon nga sa presinto naghihintay ang mama at papa niya. It was the saddest reuniom they had ever been as a family. Halos hindi na sila mapaghiwalay na tatlo. Not until her Papa demanded to sue her kidnapper.

Nanginig ang mga laman ni Maricar at tinangkang pakiusapan ang ama ngunit alam niya ng sandaling iyon na imposibleng mabago niya ang isip nito.

Once again,she found herself powerless. Wala na naman siyang magawa sa nangyayari. Alam niyang walang chance na pagbibigyan siya ng mga ito.

So she left the place without an assurance to come back. Assurance to see Devin again.

....

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon