Devil 5: Within The Darkness

21 2 0
                                    

DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

4

Within the darkness

Inihanda ko na ang sarili ko kay Mama kinabukasan.They weren't able to confront me dahil late na sila nakauwi ni Papa.As philanthropist and doctors,palagi silang nasa labas for their missions.Kaya madalas ay sa umaga na kami nagkikita-kita.+

Pero na-disappoint pa ako na ang paghahandang ginawa ko ay nginitian lang nina Mama.Duda agad akong hindi nagsabi sa kanila si Manong Ricky.

Hindi ko na rin kinumpirma kay Manong nang ihatid ako.Yun na yon,baka ma-disappoint na nga ako ng totoo.

But I got disappointed anyway.Wala pa rin si Devin.

"Malungkot ka babe." Pansin sa akin ni Glads.

Ngumiti lang ako.

"Umuwi na daw ba si Devin?" Si Mich.

Kung wala lang akong ginawa kahapon malamang inikutan ko na siya ng mata.Kagaya niya,nag-aalala din ako sa ending ng paghahanap ni Mrs. Gomez sa anak niya.

Hindi ako sumagot.Hindi ko rin naman alam ang sagot pero kagaya din niya,hinahangad ko rin na sana nga nagkita na sila.

Sa daan pauwi,napansin kong iba ang kalyeng tinahak namin.Napatingin ako kay Manong Ricky sa salamin pero nakatutok lang ang tingin nito sa daan.

Balak ko pa sanang silipin muli si Devin sa kaparehong lugar baka nandon lang siya.

Hindi na lang ako umimik.Pero ganon ulit the next days.Tahimik ang parents ko,wala si Devin at sa ibang daan pa rin kami dumadaan.Pumasok tuloy sa isip ko na baka alam naman talaga nina Mama ayaw na lang ipahalata kasi nga tatanggi lang ako.Pero bakit wala pa rin si Devin? Di kaya pinagsabihan na siya ng mga ito?

Nalaman ko ang sagot friday night.

"Pumasok na ba si Devin honey?" Tanong bigla ni Mama habang nagdi-dinner kami.

Sila ang sumundo sa akin sa school kanina,galing silang Marawi at dumeretso sa akin at nag-ayang kumain kami sa labas.

The question made my brows shot up. "Ma?" Bakit niya alam na hindi pumapasok si Devin?

Sumulyap ako kay Papa na magana lang sa pagkain.Tapos kay Mama na nakaabang sa sagot ko.

"Bakit nagulat ka? You didn't know?"

Awang ang bibig kong umiling. "What about?" Bigla akong nakaramdam ng kaba.May kung anu-anong pumasok sa isip ko.

Mama smiled drily. "CSWD got him noong Tuesday pa." Nanlaki ang mga mata ko.Tuesday was that day I encountered him.

My brows knitted. "Pano nyo po nalaman?" Posible nga kaya?

"Mrs. Gomez told your Tita Chloe and your Tita told me yesterday."

Kaya pala hindi na siya nakapasok.Kaya pala hindi na bumalik si Mrs. Gomez.Malamang nangyari ang pagdampot sa kanya ng CSWD nong gabi din siguro na yon.

"Paano po sila nag-usap ni Tita Chloe?" Tita was Mama's youngest sibling.

Lumunok si Mama bago sumagot. "Nag-A-Avon sa kanya si Mrs. Gomez.Ang kwento nahuli daw ng mga pulis na nakatambay sa labas ng bahay.You know,curfew.Pero pinakawalan din kinabukasan.So hindi pa pala pumapasok si Devin?"

I have really no idea.Pero one thing is for sure,umuwi pala si Devin sa kanila that night pero dahil pasaway nahuli naman ng mga pulis.Pero kung pinakawalan din agad,bakit nga ba hindi na pumasok?

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon