CHAPTER 26

83 7 7
                                    

Thank you for supporting my first story guys, i really appreciate it ♡♡
****
Contest

JODIE'S POV

Mag isa lang ako sa kwarto at nagpapahinga dahil nga may sakit ako at hindi maka attend doon sa meeting nang mga kasali sa contest, pero nire record naman nila aaron yung pagdi discuss ni ma'am para kunwari ay nandoon na rin ako tapos pinapanood nila saakin pag nakauwi sila dito. Nakahiga lang ako buong araw sa kama, ni walang electricfan at aircon dahil daw sa nilalagnat ako, kaya heto ako nakaratay at nakatingin sa kawalan. Tiningnan ko yung oras sa wall clock na nasa taas nang pinto. Oras na para uminom ako nang gamot, kaso pag tingin ko sa lalagyan nang mga gamot namin ay ubos na yung gamot ko sa lagnat kaya naman tumayo ako nang dahan dahan at pumunta nang kusina para silipin sila kuya para sila yung pabilhan ko.

"Kuya?!" Sigaw ko sa buong bahay. Narinig ko naman ang mga tawanan sa taas nang bahay. May third floor kasi itong bahay at yung pang tatlong palapag ay terrace siguro ay nandoon sila kaya umakyat pa ako nang taas.

Naroon nga si kuya jyciel at yung mga tropa niya na nag iinuman. Tsk lasing naman 'tong isa. Alam kong may tama na niyan si kuya jy kaya hinanap ko pa yung dalawa kong kuya, ngunit hinalughog ko na ang buong bahay ay wala akong nakita ni isa sa dalawa. Wala akong choice kun'di bumili mag isa.

Nag suot ako nang isang hoodie sleeve less at isang jogging pants, 'tsaka dumekwat nang one hundred pesos sa pitaka ni kuya jovee.

Gawain ko na iyan, yung manguha nang pera sa isa sa mga kuya ko kapag wala si mama na mahihingan nang pera. Tapos mag sisisihan sila nang magsisisihan habang ako ay chill chill lang diba.

Nilakad ko nalang yung pag punta sa botika dahil malapit lang naman iyon dito sa bahay namin. Hina humming ko yung kantang photograph by ed sheeran, habang naglakad sa kalsada. Nakalagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa nang jacket.

Unti unti nang namumuo ang kaunting luha sa aking mata. Ganito talaga ako kapag lina lagnat, dahil sa init nang pakiramdam ko kaya ganun. Kapag naman umiiyak ako magkakaroon ako nang sinat.

Ilang sandali pa sa paglalakad ko ay narating ko na din yung botika na malapit lang dito.

"Tableta nga ho para sa lagnat, dalawa, 'tsaka ho isang tableta rin para sa ubo't sipon." Sinabi ko sa nagtitinda at inabot ang pera.

Kinuha na niya ang aking binibili. Sandali lang ay bumalik na ito.

"25 po lahat miss, eto po yung sukli." Isinupot niya sa maliit na plastic yung mga gamot at sinama ang resibo. Binigay niya rin ang bayad.

Kinuha ko na ang mga 'yon at nagsimula nang maglakad pauwi.

Tiningnan ko ang relo ko, 5:30 na nang hapon kaya't sigurado ako na nakauwi na sila jewell at seiko sa bahay.

Dapat pala bumili na din ako nang pain reliver

Sumasakit kasi pa minsan minsan yung braso ko.

Natatanaw ko na yung bahay namin.

PREPERADONG preperado kaming lahat ngayon dahil ngayon na yung contest namin. Sila mama at kuya ang sumama sa amin papunta dito sa school. Sila kuya ay sinamahan si seiko papunta kina aaron na naroon na sa room na pagbibihisan nila nang mga costume. Si mama naman ang sumama sa amin ni jewell dito sa room na pagbibihisan namin.

"Mrs. Amperaldo! Thank you dahil nakadalo kayo dito sa contest na pinasali ko sa anak niyo." Bati ni ma'am kay mama.

"Walang anuman ho."

"Sya nga po pala, kailangan niyo nang magbihis jewell and jodie doon sa dalawang cubicle sa likod doon kayo magbihis." May itinurong comfort room si ma'am kung saan kami magbibihis kaya pinuntahan na namin iyon, nagkwentuhan naman sila mama doon.

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now