:Pasiklaban
Hapon gaganapin ang pasiklaban, kaya naman nag stretching, exercise at naghanda ng mabuti ang dalawang sasabak. Mahirap ang mga pagdadaanan nila para makuha ang itim na Flag dahil isa rin ito sa mga pinagdaanan ng mga dating sinasanay ni Hanei.
Saktong 3 o'clock dumating ang dalawa sa harap ng lugar kung saan sila pinatawag ni Hanei. Hindi na sila kumatok pa at binuksan na ito, sabay na silang pumasok para tingnan kung ano ang sasabihin sa kanila ng kanilang Maestro. Ngunit pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila ay may bumungad na agad sa kanilang damit na maayos na nakatupi sa kanilang harapan. Isang pulang damit ang nasa harapan ngayon ni Halley. Samantala ay isang asul na damit naman ang nasa harapan ni JD.
Pareho nila itong kinuha, pagkatapos nila itong makuha ay mayroon palang sulat at patalim ang nasa likod ng mga damit na ito. Unang kinuha ni JD ang patalim at sulat naman ang unang dinampot ni Halley. Tiningnan nila itong mabuti at inusisa. Matapos mabasa ni Halley ang sulat na nakapaloob sa papel ay agad niyang dimapot ang patalim at saka na umalis roon. Nakuha naman ang atensyon ni JD nang biglang umalis si Halley ng hindi nagpapaalam kaya naman agadan niya rin kinuha at binasa ang nakapaloob sa papel.
Sa oras na makuha na ninyo ang mga bagay na nasa harapan niyo ngayon ay maaari niyo na itong maisuot at magamit sa inyong kompetisyon, at pagkatapos noon ay maari ng magsimula ang paligsahan na ito.
Agad na nanlaki ang mata ni JD matapos itong mabasa kaya naman dali dali niyang kinuha ang patalim na binitawanan niya kanina matapos kunin ang papel at dali dali na din itong umalis sa kwartong iyon. Nagtago siya sa isang puno at inilapag ang mga gamit na nakuha niya 'tsaka na isinuot ang asul na damit at itinali ang buhok. Dali dali nang tumakbo si JD papunta sa lugar ng paligsahan habang bitbit ang patalim.
Nakahinga ito ng maluwag nang makitang hindi pa nagsisimula si Halley na lumusong sa tubig.
"Hinintay na kita...baka sabihin mo hindi patas ang laban eh" tumawa ng kaunti si Halley na ikinausok naman ng tenga ni JD. Nang humakbang si Halley ng isang beses ay bigla nalang nagbago ang lahat, ang kaninang maliit na ilog ay biglang lumawak at lalong lumakas ang alon nito. Hindi na nila naigala pang muli ang mga mata dahil sa sobrang pagkagulat sa nangyari sa ilog na aakalain mo ay isang galit na galit na dagat.
"Magsimula na tayo pag bilang ko ng ta-" hindi na naituloy ni JD ang sasabihin niya ng bigla na lamang tumalon si Halley st nilusong ang mala dagat na tubig.
***
"Anong pinag-uusapan nila? Hindi ko marinig. Ikaw naririnig mo Jike?" Tanong ni Renz kay jike. Nasa isang Kwarto sila kung saan puno ng CCTV, Computers at iba pang klase ng pangteknolohiya. Nakiusap pa nga si Renz at Jike kay Hanei na kung pwedeng maglaro ng friv.com para sana malaro daw nila yung doll na lantutay na nahuhulog sa mga malalaking bilog, kaso hindi sila pinayagan at pinagalitan pa dahil sa kalikutan nilang taglay.
"Malapit nang magsimula ang Kompetisyong ito kaya 'wag na kayong maingay pa" pagpapatahimik ni Hanei sa mga kasama. Kitang kita nila doon ang mga pangyayaring nagaganap sa lugar kung saan nagsganap ngayon ang Paligsahan.
"Teka! 'Yung ilog! Ilog! Naging dagat! Dagat!" Nagsisisigaw si Renz nang matunghayan ang mga pangyayari. Lahat na sila ngayon ay nakatutok na ng mabuti sa Computer.
***
"Halley!" Gulat na sigaw ni JD. Hindi na siya nagsalitang muli dahil naalala niya na nasa isang paligsahan sila ngayon at kailangan niyang manalo rito. Nag isip ng mabuti si JD ng makita niyang natatangay na ng sobra si Halley sa alon kaya naman tumalon na lang din siya dahil hindi na talaga gumagana ang brain cells niya dahil sa sobrang tensyon na kaniyang nararamdaman.