Pagdududa
JODIE'S POV
Nang makarating kami sa labas nang tinitirahan nilang dorm ay hindi pa rin ako tinitingnan ni aaron.
"Sumakay kana." Utos niya sabay bigay nang isang helmet.
Kinuha ko naman yun at isinuot na saaking ulo. Magmomotor lang kami? Nasaan yunh kotse niya?
"Magmomotor lang tayo? Yung kotse mo?"
"Wala yun." Simpleng sagot lang niya.
"Ha?" Hindi ko maintindihan. Naweweirduhan na ako sa kinikilos niya at nila jake at renz kanina.
Hindi niya pinansin yung tanong ko at sumakay na sa motor kaya sumakay na din ako. Pinaandar na niya ito nang walang pasabi kung kaya't bigla nalang akong napayakap sa kanya.
"Magdahan dahan ka naman!" Sita ko dito.
Tahimik lang siyang nagmomotor. Habang ako ay mamamatay na sa kacuriousan ko. Wala silang sariling bahay? Nasa dorm lang sila? Magkakasama pa sila, diba may driver si renz?, may naghatid sa kanya nun nung pupunta kami sa probinsya!
Nako naman sa loob nang ilang taon ko silang kasam wala man lang akong alam sa pamilya nila, sa buhay nila, sa kondisyon nila. Teka paano sila nakakapagbayad nang mga gastusin kung wala silang magulang? Hala! Baka magnanakaw sila, tapos nanghoholdap para may pangbayad sa school namin. Nakakatakot naman kung ganon dahil hindi nalalayo yuny mga itsura nila sa mga magananakaw erase erase erase hindi sila ganon. Hala! Baka namamalimos sila sa ibang lugar tapos yubg nalimos nila yun yung pangkain nila araw araw, eh teka! Hindi naman sasapat yung nalimos nila sa isang araw para maipangkain nang isang linggo ah kasi may pasok kami mula lunes hanggang biyernes. Sasabog na yung utak ko kakaisip...
"Aray!" Napadikit yung katawan ko sa kanya nang bigla niyang inihinto yung motor.
"Nandito na tayo." Kalmadong sabi niya.
Hala! Nakasinghot ata sila nang rugby!
"Salamat sa pagha-"
*broooom*
Peste, magpapasalamat lang ako eh. At dahil nga sa kabastusang taglay ni aaron, hindi pa man ako tapos magpasalamat ay bigla na niyang pinaandar yung motor kung kaya't naiwan ako dito na mamamatay na sa inis at ka-curiousan.
"Ma! Nandito na s- WAHAHAHAHAHAHAHA." Isa pa ito na nakakabadtrip, ka uuwi lang pagtatawanan kana.
"Tinatawa mo dyan!?" Inis na sabi ko dito tsaka binuksan ang gate.
"Wala naman HAHAAHA" :)
Hindi ko na pinansin si kuya jyxiel, pumasok na ako sa loob nang bahay, sumalubong naman sa akin si tae habang tumatahol nang tumatahol.
"Oh jodie, bakit ganyan yung mukha mo? Bakit ka may uling?" Lumabas si mama galing kusina.
Uling?, pinunasan ko yung mukha ko gamit ang kamay at pinagmasdan ito, may uling nga! Saan naman galing ito?, sa tambutso ata nang motor ni aaron.
Namaaaaan (-.-)
"O'sya bakit ngayon ka lang?"
"Maaaaaay nakalimutan lang ako.....sa......school!"
Naningkit naman yung mata ni mama. Dumating si kuya jovee at tumabi rin kay mama na nakisingkit na din nang mata.
"Oo nga! Sa school may nakalimutan lang." Pagpupumilit ko na siya namang tunay.
Lalo namang naningkit yung mga mata nila na nagtataka pa rin.
"Tch, may nakalimutan nga lang ako kaya binalikan ko." Kinuha ko yung nakaplastic sa bag ko kung saan nakalagay yung sapatos ni golly, "eto oh! Ginabi nga ako sa paghahanap nito buti nalang nakita ako ni aaron sa school kaya hinatid nalang niya ako." Pagsisinungaling ko na nakita lang ako ni aaron.