CHAPTER 24

80 13 2
                                    

Bakla nang taon

JODIE'S POV

MASYADO na kaming late kung kaya't palihim kaming pumuslit papasok sa susunod na subject namin. Hindi naman kami nahuli at napansin.

Natapos na ang klase namin at uwian na. Inihatid pa kami nang tatlong mokong sa bahay, kaya nagpapa kitang gilas silang tatlo saakin ngayon.

"Oh kaya niyo 'toh!" Pagmamayabang ni renz habang pinapakita yung muscle niya na maliit lang habang pinapagalaw ito. Nandito kami nila mama, yung tatlo kong kuya with their manoks, at sina jewell at seiko.

"Ito kaya mo?" Pagmamalaki ni jake atsaka tumalikod sabay pinagalaw ang dalawang tenga. Humiyaw naman si kuya jovee 'tsaka itinaas yung dalawang kamay ni Jake na parang nanalo siya sa boxing. Nagsisitawanan kaming lahat dito, si mama nakangiti tapos kaming lahat na ay natatawa na lang.

"Wala kayo dito!" Pumunta si aaron sa gitna naming lahat. Tumalikod din. Humarap habang nakapa pogi style gamit ang isang kamay at yung isang kamay naman ay naka pa oppa sign.

"Saranghae." Ginaya niya yung mga boses nang mga koryano.

"WOOOOOOOOOOOOOOO!" Humiyaw nang humiyaw nang husto si kuya jovee.

"And the winner is tadadadadadandan (suspense music yan) the one and only! The poging aaron!!!" Anunsyo niya na parang referee.

Natawa nalang kami sa kanila.

"Oh, thank you thank you." Ulit ulit niya yung sinasabi habang nakikipag congratulate sa mga invisible fans niya. Todo suporta namn si kuya jovee sa kabaliwan ni aaron.

"Kanina pa tayon nagkakatuwaan dito magmiryenda muna kayo." Tumayo si mama at akmang pupunta na sa kusina para kumuha nang miryenda nang magsalita si jake.

"Ay naku 'wag na po tita nakakahiya naman po sainyo kung makiki miryenda pa kami pero gusto ko po nang juice yung stawberry flavor 'tsaka tinapay sana tita yung may palaman tapos yung palaman chocolate, pahingi na din po nang malamig na tubig, may binake kang cookies naman tita diba? Oh yun pati yun sige tita salamat ^_^." Walanghiya :)

Natawa nalang si mama at sumang ayon. Si tae naman ay tinatahol tahulan lang si jake na parang sinasabi niya ay -hindi naman halatang matakaw ka-

Nagpaalam nang umalis yung tatlo dahil papagabi na din daw. Nakahiga lang ako sa sofa namin habang nanunood nang mr. Bean sa ipad ko at ngumangatngat nang moby caramel. Komportableng komportable ako sa pagkakahiga.

Habang nakahiga ako, natutulog naman si kuya jy sa isang sofa habang humihilik. Si kuya jovee naman ay hindi ko alam kung nasaan. Si kuya jike naman ay may kausap sa kanyang cellphone. Si jewell ay natutulog ata sa kwarto. Si seiko naman ay umalis, hindi ko alam kung saan siya pumunta basta nagpaalam naman siya kay mama.

Time check 5:00 pm

Nakatulog ako sa panonood ko nang mr bean.

KINABUKASAN

Ilang araw na ang nakalipas nang makulong si denz pero nakalaya din dahil nakapag piyansa siya. Nag transfer si denz sa ibang university dahil sa kahihiyan na ginawa niya sa universaty namin. Ngayon si kloe? Simula nang makulong si denz ay hindi na din ito nagparamdam sa buong university. Hindi na siya pumasok dahil siguro sa hiya niya nang ipagkalulo niya ang sariling kaibigan sa kanyang boyfriend.

Nagsimula na ang klase namin.

"Every section need a one group representative in 'bakla nang taon' mga boys ang kailangan para sa contest na ito, in one group we need a four members. Yun ang napag usapan nang mga proffesors niyo. Last year yung contest na ginawa natin ay 'miss universe' kung saan nanalo si kloe. Ngayong taon two contest ang gagawin para meron sa boys and girls." Anunsyo nang isa sa aming prof.

Nagsitango naman kaming lahat.

"The contest for the girls is 'disney characters' gagayahin nila ang mga characters sa disney." Pagpapatuloy niya.

"In this section may napili na ako, for the contest bakla nang taon napili ko ay sila aaron,renz,jake and seiko." Pagkasabi nang pagkasabi ni prof. Ay nagsihiyawan ang mga classmate namin na halatang sumasang ayon talaga.

Nahihiya namang tumayo yung apat samantalang kami ni jewell ay todo cheer sa kanila habang pinag tatawanan at iniimagine kung ano ang magiging itsura nila.

"Sana manalo tayo again this year sa contest na yan boys. Sa contest naman na disney characters ang napili ko ay sina jewell and....jodie, napansin ko kasi na magkahawig kayo kaya kayo na yung napili ko. Magkapatid ba kayo?"

"Hindi po ma'am." Sagot ko.

"Okay, back to the topic. Payag ba kayo doon sa desisyon ko jodie and jewell? Ang gagayahin niyong character ay si mulan and brave."

Papayag ba ako?

"Oo naman po ma'am okay na okay po. Ngayon ko lang po kasi mararanasan kung paano magperform sa stage at nang maraming tao." Si jewell na yung sumagot kaya wala na akong choice kun'di pumayag na rin.

Natapos na ang klase namin ngayong araw. Naglalakad na kami pauwi ngayon kasama pa yung tatlong mokong.

"Kamusta, jd." Humarang sa nilalakaran namin yung grupo ni bernardo a.k.a berdo

"Ayos lang naman BERDO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHA" Tumawa ako nang tumawa hanggang sa mabilaukan :)

Pinagtatawanan kasi namin yung pangalan niyang berdo, wala lang natatawa lang kami bakit ba. ~_~

"HAHAHA." Tumawa siya naang sarkastiko. "Mas nakakatawa pa yung grupo niyong may isang isip bata! *duro niya kay renz*"

"Oy, sinong isip bata hah?" Lumapit si renz dito.

"Ikaw!" Sigaw naman ni berdo kay renz.

"Waaaah uumbong kita sa mama ko! Mama!" Nako namaaaan.

Lumapit naman si jake sa kanya at pinatahan siya habang sina sabi ang katagang 'shhh wag ka nang iiyak baby, dadating na si mommy mo' :)

Umiling iling naman si berdo. "Kita niyo na? May isang isip bata!, tomboy!, at payatot!"

"Hoy sinong payatot?!" Sinigawan ni aaron si berdo sa mukha mismo.

"Ikaw patpat!" Sagot naman ni berdo na halatang inaasar si aaron.

Bago pa masuntok ni aaron si berdo ay pinigilan ko na ito.

"Hoy berdo sinong tinawag mong tomboy?" Kalmado ang boses ko nang tinanong iyon.

"Ikaw."

"Tch! Ako tomboy? Suntukan nalang oh!" Pinatunog ko yung kamay ko.

Nilayo na si berdo nang mga kasama niya. Tumatagay pala sila kaya amoy alak ito.

"Ingatan niyo 'yang pinuno niyo ha! Pakalat kalat sa lansangan iyang baboy na 'yan baka mamaya mabalitaan niyo nilitson na 'yan tsk! Nakakaawa naman." Pahabol ko pa pero tiningnan lang ako nang masama nang mga kasama niya.

"Ano sang-ayon na ba kayo sa contest na 'yon?" Tanong ko. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

"Oo, may premyo daw eh." Sagot naman ni aaron.

"May naisip na ba kayong kanta?" Tanong ni jewell sa kanila.

"Meron na!" Masigla ang pagkakasabi ni renz no'n kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ano?"

"

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now