CHAPTER 11

110 18 2
                                    

ANG PAGSAYAW NI JD

JODIE'S POV

Mag gagabi na at patapos na rin itong paghahanda sa boodle fight na gagawin namin.

"tapos na!"sigaw nang isa kong pinsan 'tsaka sila nagsikuha nang kanya kanya nilang cellphone at pinag pyestahan ang inihanda namin para mapicturan.

pumunta ako sa loob nang bahay para tawagin yung tatlo.

saan naman kaya nagsususuot yung mga 'yon?

"la,handa na yung lamesa."sabi ko kay lola nang makasalubong ko ito.

"oh sige sige tawagin mo nalang yung mga kaibigan mo dun sa loob dun sa sulok,iniwan mo daw sila."sabi saakin ni lola.

"hindi kaya."pagtatanggi ko nalang.Umalis na si lola kaya hinanap kong muli yung tatlo.

ayun nasa sulok nga at may hawak na plato.Nilapitan ko sila.

"ginagawa nyo dyan?"

"kumakain."sagot nila.

"tara na dun sa labas!"excited na sabi ko.

"Sige!"malakas na sang ayon nila tsaka mabilis na nagsitakbo palabas nang bahay.

aba!ke bilis naman nang mga mokong na 'yon basta pagkain eh noh?!

iling iling akong sumunod sa tatlo habang inaaya ang ibang mga pinsan at tita namin na naririto pa sa loob nang bahay.

hindi ko nasasalubong sina mama at kuya ah.

"jd,jd,jd,jd,jd,jd."pagtatawag saakin nung tatlo habang lumalapit saakin.Kailangan talaga naka tono ang pagtawag nang pangalan ko?

"napano kayo nyan?"inosenteng tanong ko sa kanila nang akbayan ako ni renz at jake.Inalis ko yung pagkaka akbay nila.

baka mamaya sabihin may ginagawa kami nyan

bigla nalang nilang hinablot yung kamay ko.

"sabay sabay tayong pupunta don,wag kang aalis sa tabi namin jd ah."maligayang sabi ni aaron habang pumapalakpak.

"May pinaplano kayong masama noh?!"malakas na sabi ko kaya napatingin saamin yung ibang mga tao,tapos si lola lang ang tumatawa habang nakatingin saamin.

???

hinila nila ako hanggang makarating sa lamesa na punong puno nang mga pagkain kaya naglaway yung tatlo.

"umayos kayo."bulong ko sa kanila dahil nakatingin yung mga pinsan ko saamin.Iginitna nila ako bale ganito yung puwesto.

si renz,ako,aaron,jake.ganyan yung pwesto namin.

"picture picture muna!"anunsyo ni kuya jyxiel.Nandito na pala ang napakatakaw kong kuya.

nagsingiti kaming lahat habang yung iba ay pinagpipicturan kaming lahat."say cheese!"

"kainan naman!"pagpoprotesta nang mga gutom na nilalang at kabilang na doon si kuya jyxiel at renz.

kukuha na sana sila kaso tinapik ko yung mga kamay nila at binigyan nang 'mamaya pa' na tingin.

mga masyadong apurado

sumunod naman sila.*clears throat*,"magdadasal muna tayo iho."paalala ni lola.nagsi upo lahat at nag sign of the cross,si lola na rin ang nag lead nang prayer.

"amen."sabay sabay naming sabi.
pagkasabi no'n ay kanya kanyang kuha na nang mga pagkain ang mga tao.Kinuha ko yung alimangong malaki,dalawang tinapa 'tsaka kamatis,itlog na pula,kanin,lechon,legs nang manok,nilagay ko lahat yan sa harapan ko MWUAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAAHAAAAAAHHHAHAHAAAAH.

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now