CHAPTER 2

238 42 8
                                    

hospital

A/N:

Sorry sa matagal na update ^-^

*******************

JIKE'S POV

Kanina pa kami napapariwara kakaisip kung bakit hanggang ngayon wala pa din si jodie.malilintikan kami kay mama pag may nangyaring masama dun!

"Nasa'n na ba yun?!"stress na stress na sabi ni jyxiel habang pabalik balik nang lakad sa kaliwa at kanan.nakakahilo!!

"Hindi pa din sinasagot!!"sabi ni jovee samin habang paulit ulit na tinatawagan ang phone ni jd.

"teka!..si aaron..tawagan mo!!"sabik na sabik na sabi ko kay jovee.kaagad naman nyang dinial ang number ni aaron.

*phone's ring*

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa bulsa ko.kinuha ko iyon.si jd!

"Tumawag sita saakin!!"sigaw ko sa kanilang dalawa,kaya naman nakiusyoso sila.

"I loud speaker mo!"

"Bilisan mo!"

"Sandali lang naman!!"sigaw ko sakanila.hindi na kasi sila mapakali.

Sinagot ko yung tawag at pinindot yung loud speaker.

"Hello,is this jodie amperaldo's brother?"imbis na si jd ang marinig naming boses ay boses nang lalaki ang tumambad sa amin.inagaw sakin ni jyxiel yung cellphone.

"Oo!!,anong ginawa mo sakanya!!?ha?!!"sigaw nya sa harap nang cellphone ko.tumatalsik talsik pa yung laway nya.

Anong nangyari sayo jd?..sana naman hindi ka..na..na r-..hayy stay positive jike..hindi mangyayari yun!

"I'm sorry sir,this is police acoada.pumunta po kayo ngayon dito sa hospital."sabi nito

"Anong nangyari sakanya?!!"alalang tanong naming tatlo.pero sinabi lamang nang police ay pumunta kami sa hospital na sinabi nya.

Agad kaming nagpunta sa hospital na sinabi nung police.pagkarating namin dun ay may nakita kaming mga police na nag oobserba.tinanong namin sa mga nurse kung anong nangyayari,sabi nila may mga batang nagbugbugan daw na tatlong lalaki at isang babae.

Kinabahan ako sa sinabi nung mga nurse.kaso itong nurse nagpapicture pa!.kinakabahan na nga,nagpapicture pa.nako naman!!

Bumalik nalang ako sa dalawa na naka sandal lang sa pader.

"Ano daw?"tanong nila sakin.

"May mga studyante na nagrambolan sa kanto malapit satin."sagot ko.

May lumapit samin na police.
"Mga sir,kayo ba yung kuya ni jodie amperaldo?."sya ata yung tumawag.

"Kami nga yun."sagot namin.

Binigay nya samin ang cellphone ni jd.tinatahak namin ngayon ang kwarto ni jd.

Anong nangyari sayo jd?nag aalala na ako.

Pagkarating namin sa loob nang kwarto kung nasaan si jodie.sari saring emosyon ang nadama namin tatlo.nagulat,nagalit,nag alala ang mga naramdaman namin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang katawan niya.puro pasa ang mukha.may bugbog sa braso at pisnge.may benda sa ulo.j-jd.

"Sinong may gawa nito?!!!!"galit na galit na tanong ni jovee sa pulis.

Lumapit ako kay jd.naiiyak na ako!.hinawakan ko ang kamay nya na may parang sipit.habang si jyxiel ay pinipigilan si jovee sa pagsigaw sigaw sa pulis.

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now