CHAPTER 32

50 3 2
                                        

Day 2: Parkour training

JODIE'S POV

"Pangalawang araw na ngayon nang pagsasanay ninyo at wala pa rin akong naituturo. Maghanda kayo para sa araw na ito. Ihanda ang mga katawan." seryosong pagsasalaysay niya sa aming lahat. Hindi ko maintindihan ang nangyayari dahil simula nang may pumuntang lalaki rito at may ibinigay na sulat kay hanei ay nagsimula nang maging seryoso ang mukha niya pati na rin ang mga niya at pagbabantay niya sa amin ay ibang iba na.

"Aba! Hanei macho kaya 'toh," biro nila, nagsitawanan ang lahat, at hindi sineryoso ang sinabi ni hanei.

"Uy, jd tahimik ka ata d'yan?" Tumatawang tanong ni jewell. Umiling lamang ako.

"May kukunin lang ako." Pagpapaalam ko.

"Bibigyan ko kayo nang sampong minuto, pagkatapos ay narito na ang lahat." Sabi ni hanei bago ako tumalikod, kaya't sumabay na sa paglalakad si jewell sa'kin.

"Jd may problema?" Tanong ulit ni jewell, siguro ay naninibago siya sa pagkatahimik ko.

"Wala, may kukunin lang ako, jewell." iniwan ko na siya at dumiretso na sa tent ko.

Ano kayang nasa loob nang sulat na 'yon? Bakit gano'n nalang yung naging reaksyon ni hanei?

"Hindi pwedeng hindi ko seryosohin yung mga nangyayari," bulong ko sa sarili.

"Kailangan kong makita ang lakas nang suntok ng bawat isa sa inyo"

Siyam na puno ng saging ang nasa gilid namin. Kaniya-kaniya silang reklamo sa pinapagawa ni hanei. Ano nga bang kinalaman nang suntok namin sa parkour? Sabay sabay kaming sumuntok sa puno nang isang beses. Isa isa ngayong tinitignan ni hanei ang mga puno nang bawat isa na tila inuusisa niya ito.

"Hindi pa gano'n kalalakas ang mga kamao ninyo dahil mga bata palang kayo, tandaan niyo ang sasabihin ko isa ang kamao sa sandata natin upang maipagtanggol o maprotektahan ang sarili sa kung ano mang panganib." Kung gano'n kailangan din naming sanayin ang kamao namin.

Lumapit siya sa isang puno at sinuntok ito nang malakas, namangha kami sa nakita, tumagos ang kamao niya sa puno. "Kailangan niyong ilagay lahat nang pwersa niyo sa kamao para maging malakas ang suntok na ibibigay ninyo," Nagsi tango kami.

"Ngayon, simulan niyo na ang pagsuntok sa telang nasa gilid ninyo," napalitan na nang tela ang mga puno kanina. "Limang oras, simulan na." Naupo siya sa gilid at bumunot nang relo sa kaniyang bulsa.

Nagsimula na kaming tumapat sa kaniya kaniyang tela at sinimulan na ang pagsuntok sa hangin.

Kailangan kong husayan!

Ayokong matapos ang training namin nang hindi ako malakas. Iba na ang buhay ko ngayon, iba na sa dating nakasanayan kong buhay.

"Training ang ipinunta ninyo rito at hindi camping, tandaan ni'yo!"

"Hindi kayo aalis sa lugar na ito ng walang natututunan!"

"Lakasan ni'yo ang suntok na ibinibigay ninyo!"

"Walang titigil hangga't hindi natatapos ang limang oras."

Ngalay na ngalay na ang binti at braso ko. Pahina na ng pahina ang bawat suntok ko.

Malapit nang matapos 'to jd!

Konti nalang...

"HANEI!" Isang malakas na tili ang namutawi. Napunta ang atensyon namin sa pinanggalingan nang boses na 'yon. Isang anino ng lalaki at dalawang anino ng babae ang naaaninag ko mula rito.

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now