Trap
JODIE'S POV
Masaya kami dahil nahatulan na nang isang taong pagkakakulong si denz at dahil dun makakahinga na nang maluwag si golly.
"Kita na lang tayo bukas!" Nakangiting pagpapaalam ni golly saamin. Uwian na namin at naunang umuwi si golly.
"Una na din kami." Sabi ni jake,renz at aaron.
"Sige." Sabi namin ni jewell at seiko.
Nagsimula na kaming maglakad pauwi.
"Jd, alam mo ba kung saan yung bahay nila?" Tukoy ni jewell kina aaron.
"Hindi, hindi ko pa nga nakikita yung mga magulang nila eh." Sabi ko.
Sa tagal naming mag kakaibigan ni isa sa kanila wala pa akong nakikitang magulang. Hindi ko din alam yung bahay nila. Hindi ko pa din alam kung may kapatid ba sila, magulang, o kamag anak. Kakaunting impormasyon lang ang alam ko sa buhay nila.
"Jd! Bili muna tayo nang ice cream dun!" Nakaturo yung kamay niya sa seven eleven.
"Ah, oh sige."
*message tone*
"Ay! Wait lang." Biglang tumunog yung phone ko na bagong bili.
Golly:
Jd pwede bang bumalik ka saglit sa school? Kasi nawawala yung kapares nang sapatos ko kanina kasi habang nag p-p.e tayo naiwala ko.
"Jd, tara na." Pag aaya na nila.
"Mauna na kayo, babalikan ko lang saglit yung sapatos ni golly, na wala daw eh." Sabi ko sa kanila.
"Osige."
"Pag hindi pa ako nakakabalik, mauna na kayong umuwi." Pahabol ko pa bago bumalik muli sa school.
"Kuya, may naiwan lang po." Sabi ko sa guard para papasukin ako.
Tumango naman siya.
Nahanap ko yung pares nang sapatos ni golly na naitabi nang isa sa mga bantay nang school.
"Salamat po." Pagsasalamat ko sa manong na nakatabi nang sapatos ni golly. Pagkatapos nun ay naglakad na ako pauwi. Nagtext nalang ako kay golly na nahanap ko na yung pares nang sapatos niya.
Golly:
Sige salamat jd, nasaan ka na nga pala?
Napakunot yung noo ko sa tanong niyang nasaan ka na nga pala? Bakit kailangan pa niyang malaman.
Ako:
Dito sa may kanto, sa blue na gate bakit ba?
Golly:
Wala naman.
Nakakapagtaka na talaga. Binulsa ko nalang yung phone ko at inayos yung plastic na pinaglalagyan nang sapatos niya.
Medyo nagulat ako nang magvibrate yung phone ko nang tatlong sunod sunod.
Jake:
Jd nasaan ka?
Renz:
Jd sagutin mo yung tawag ko
Aaron:
saan ka jd? Susunduin ka namin.
Ano bang nangyayari sa tatlong toh?
Hindi pa man ako nakakapagreply nang may marinig akong ingay.