js prom 2
JODIE'S POV
pesteng mga bakla na 'toh!pilit nilang pinapasuot saakin yung de takong na ito eh ayaw ko ko nga sabe!masyadong mataas tapos hindi ko kabisa.
May nirentang sasakyan si mama na sasakto para sa aming siyam,may sariling driver din ito.
nang makarating kami sa school ay nagsibaba na kami.Humiwalay nang landas yung tatlo kong kuya,kaya anim nalamang kami.
napakalakas nang tugtog na nang gagaling pa sa loob nang school,rinig na rinig hanggang dito sa labas.
"tara na!"excited na sabi ni renz at jake.Inkinawit ni jake yung kamay niya sa kamay ni renz na naka abang sa kamay nito.
"alalayan na kita."sabi ni seiko kay jewell.
"sige."nakangiting sabi ni jewell at nakisabay na silang pumasok kina jake at renz.
"tara!"pag aaya ko kay aaron at naglakad papunta sa entrance nang school kung saan dumaan sina jake,renz at jewell.
"enojoy the party ma'am."nakangiting sabi nang isang lalaki tsaka nag bow.
"geh."tumango ako at tinahak papasok nang school.
malinaw na malinaw yung buong paligid.Pagkatapos kong nilakad yung pathway dito,nakita kong nakapila sina jewell at seiko doon sa may red carpet habang pinipicturan sila isa isa.
"hoy! aaron bilisan mo nga dyan! lakad pagong kapa eh."sigaw ko sa mokong na ito.Ganyan naman itsura neto???parang nandidiri sa inaasta ko.
AARON'S POV
"tara!"sabi nito na parang walang suot na make up at dress.
sana naman magpakababae ito kahit ngayon lang lord,ako na mismo ang nakikiusap.
Siya lang yung babae dito na ganyan umasta.Hindi ka gaya ni jewell na ang hinhin atsaka kung lumakad parang prinsesa.Ito namang jd na ito kung lumakad.................lakad hari nang tondo (-.-)
"hoy! aaron bilisan mo nga dyan! lakad pagong kapa eh."kita mo?kung umasta parang lalake.
binilisan ko na yung lakad ko papunta sa kanya.
"jd,isabit mo yung kamay mo sa kamay ko."bulong ko dito.
ginawa naman niya.Lumakad na kami doon sa red carpet na punong puno nang ilaw yung paligid tapos may mga nagpipicture saamin.
mala artista na kami niyan!
natapos ang picturan na ganap.Lumapit kami kina renz at jake doon sa table nila kung saan nandoon rin sina jewell at seiko.
pabilog yung table na may anim na upuan sakto saaming anim.
magkatabi sina renz at jake katabi naman ni jake si jewell tapos nasundan ni seiko tapos ako at si jd.
"kukuha lang kami nang pagkain ni jake."sabi ni renz at tuluyan nang umalis.
malaki yung gymnasium nang school.Punong puno nang ilaw yung taas.Nakapalibot yung mga table sa buong gymnasium naka shape yung mga table napa 'U'.May mga mini booth din doon sa gilid para sa mga gustong magpa picture.Sa dulo nang pa U table may stage doon kung nasaan ang announcer at dj.
Humina saglit ang tugtog.
"Students of Tayoinne University.
I hope you'll enjoy this party,by the way thank you to the cooperation of the SSG oficers and the students who volunteer to design the whole gymnasium.If there has a problem,lumapit lang kayo sa president.Please students wag kayong gagawa nang kahit anong gulo this night.Again,enjoy the party students."nagsalita yung dean sa stage.