CHAPTER 17

90 13 3
                                        

-D

JODIE'S POV

At eto ako ngayon.Naglilinis nang cafeteria.Dapat sinama yung babaeng nasuntok eh,tuloy ako lang mag isa dito naglilinis eh ang laki pa naman nang cafeteria namin.

5:32 pm na tae naman anong oras ba ako matatapos nito?

Kakaunti nalang ang tao sa school dahil kanina pang five ang uwian.

"Konti nalang."sabi ko sa sarili nang makita ang aking lilinisin.

"Tapos na sa wakas!"naupo ako saglit sa isa sa mga upuan dito at nagpahinga saglit.

Kapagod

Itinabi ko na yung walis dun sa lalagyanan at kinuha ang bag ko.

May mga tao pa din dito sa school pero yung mga guard nalang yung nandito.

5:50 pm akong natapos.Ito yung unang araw ko sa parusa.

"Kuya,tapos ko nang malinis yung cafeteria."sabi ko dun sa guard.

"Ah sige sige,ingat ka nalang sa pag uwi mo."sabi nang guard.

"Sige po."ani ko at nagsimula nang maglakad pauwi.

Masyado nang madilim ang paligid at tanging mga ilaw lang sa poste ang nagpapaliwanag sa bawat kalye kaya naisipan ko na mas mapapabilis akong makaka uwi kung dadaan ako sa short cut.

Habang naglalakad ako ay may napapansin akong parang may taong nakasunod saakin at may mga matang sumusubaybay sa bawat lakad ko.

Ngunit pag tumitingin naman ako sa aking likuran ay wala naman akong nakikita.

May anino akong nakita sa aking harapan kaya naman agad akong napatingin sa aking likuran kung may tao nga.

"Hi miss."sa aking pagharap sa likuran ko may nakasunod nga saakin na dalawang lalaki na hindi ko masyadong mamukaan dahil medyo malayo pa yung susunod na poste na may ilaw.

"Sino kayo?"tanong ko sa kanila.

"Secret."matamis na sabi nang isa sa kanila at tumawa nang nakakakilabot.

Tatakbo na sana ako nang mabilis ngunit bigla akong naharangan nang isa sa kanila.Nasubsob tuloy yung mukha ko sa dibdib niya.

Napangisi ito.

"Huwag ka munang tumakas miss...maglalaro muna tayo."hinawakan nang lalaki sa likod ko yung dalawa kong braso pero pumapalag ako nang pumapalag.

"Ano ba!"sigaw ko sa kanila pero tumawa lang sila.

"Laro lang."nakangiting sabi nang lalaki sa harap ko at hinawakan yung pisngi ko akmang ilalapit na niya sana yung mukha niya pero agad ko sinipa nang malakas yung pagitan nang hita niya.

"Ahhhhhh!"daing niya at napahiga nalang sa sahig.

Malakas kong hinila yung braso ko sa lalaking may hawak saakin at mabilis na sinipa siya sa tiyan.

Tatakbo na sana ako kaso tinisod ako nang lalaking sinipa ko sa pagitan nang hita dahilan para bumagsak ako nang malakas.

"Ah!"tila namanhid yung buong katawan ko nang panandalian dahil sa sobrang lakas nang impact nang pagkakabagsak ko.

Sinubukan kong tumayo nang dahan dahan gamit.Itinukod ko yung isa kong kamay para pang suporta sa pagtayo ko.May biglang humawak sa dalawang braso ko at sapilitan akong itinayo.

"Tatakas ka pa ah."

Sinuntok nang isang lalaki yung tiyan ko dahilan upang mapaluhod ako sa sakit.

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now