Pag iimbistiga
JODIE'S POV
Kinabukasan ay tumawag saamin ang pulisya na sa bahay nalamang daw nang biktima gagawin ang imbistigasyon.
Masyado pang maaga para bumangon ako,Bakasyon na namin kung kaya't wala kaming pasok ngayong araw at susunod pang dalawang linggo.Nakahiga pa din ako sa kama habang si jewell ay natutulog nang mahimbing sa aking tabi. Tiningnan ko sa baba nang aming kama kung nandoon si tae,tama naman ako dahil mahimbing din namang natutulog ang asong maliit.
Hindi ito napaliguan kahapon dahil busy kaming lahat. Paliguan ko kaya?
Para hindi mangamoy aso itong si tae,naisipan kong paaliguan siya. Bumangon ako sa pagkakahiga at dali daling binuhat si tae kahit hindi pa ito nagigising.
"Aww!"maliit na boses ang lumabas sa boses nito nang buhatin ko, nagulat ata sa biglaang pagbuhat ko.
"Aww!"ginaya ko naman siya at nginitian habang pababa sa sala.
Tiningnan niya naman ako nang masama na parang nagsasabi nang linya-ko-yan-
Hindi ko na siya pinansin at pumunta sa labas, sa garden ni mama. Inilapag ko siya doon at hinanap yung hose namin para paliguan siya.
Pagbalik ko wala na siya doon sa pinag iwanan ko, nilibot ko ang paningin ko sa paligid para mahanap yung makulit na asong yun.
"Tae! Nasaan ka? Tae lumabas kana dyan! Paliliguan lang kita dahil amoy aso kana",
Malamang aso siya kaya amoy aso nako naman jd
Nahagip nang paningin ko yung isang bulaklak na gumagalaw, nilapitan ko iyon at nakita kong nginangat ngat ni tae yung paborito at alagang alaga ni mama na bulaklak.
"Nako naman tae! Anong ginawa mo!?",mapapagalitan ako nito eh,nung aksidente ko nga lang natabig yung paso na isa tapos tumapon yung laman na buhangin don kaya ayun sinermunan ako nang sinermunan.
Naramdaman ata niyang galit ako kaya tumingin siya saakin gamit ang nakakaawang tingin na nagsasabing -wag-mo-akong-isumbong- with matching papikit pikit pa nang maya ah.
Natapos kong paliguan si tae, at sakto namang lumabas si mama sa pintuan at nadatnan niyang hawak hawak ko si tae habang pinupunasan siya para matuyo agad.
Pag ako napagalitan tae nang dahil sa sinira mong bulaklak nako kakainin kita nang buhay
"Oh! Ang aga mong nagising",sabi ni mama at napatingin ang mga mata niya kay tae.
"Good morning, cute cute puppy",lumapit saamin si mama at inamoy amoy si tae at hinihimas himas ang ulunan nito.
Nauna pa niyang batiin yung aso kesa saakin.
"Pinaliguan ko lang po si tae 'ma para mabango siya",sagot ko naman sa tanong niya.
"Ganun ba..Siya nga pala anong tae? Tae yung pangalan nang aso na binigay sayo nang kuya mo? Tae yung ipapangalan mo sa napaka cute na puppyng 'to?"kumaway kaway nang yung buntot ni tae na parang sang ayon na sang ayon sa sinabi ni mama na napaka cute na puppyn to sus nagpabola naman 'tong aso na ito. Hayaan mo lang mamaya matitikman mo yung galit ni mama sa nasira niyang bulaklak.
"Oo ang ganda nga eh!"proud kong sagot 'tsaka tumingin kay tae at kinindatan ito.
Tumingin naman siya saakin at parang nagsasabi nang -yuck!-ibahan-mo-pangalan-ko- with matching nakakadiring tingin.
Arti neto
"Ibahan mo yung pangalan....tanungin mo yung mga kuya mo kung anong magandang ipangalan sa asong toh",sabi naman ni mama at hinimas himas yung ulo ni tae.
Sus! Kaartihan maganda naman yung pangalang tae
Binuhat ni mama si tae at kinilik na parang baby tsaka sila pumasok sa loob,komo bagong ligo tch. Sumunod nalang ako sa kanila.
Dumating sina jake,renz at aaron sa bahay nang mag 1:00 pm na, dahil sasama daw sila. Kaming apat ang pupunta sa bahay nila golly dahil hindi na daw sasama sina jewell at seiko.
Nagpaalam na kami at tuluyan nang umalis. Mga isang oras lang yung biyahe namin at nakarating kaming agad sa bahay nila golly, napansin sin naming may isang sasakyan nang pulisya ang nakapark sa tapat nang bahay nila at mukha nandyan na yung mga pulis sa loob nang bahay nila.
Naglakad kaming apat sa tapat nang gate nila at doorbell, may lumabas namang isang katulong nila at pinapasok kami sa loob. Malaki din yung bahay nila golly at nasa tatlong palapag ito.
Tinulungan kami nang katulong nila golly pumunta sa sala kung nasaan seryosong nag uusap usap ang pulisya, si golly at ang mama at papa niya, sa tingin ko only child lang si golly.
"Jd",sinalubong ako ni golly nang mainit na yakap at ngiti nanang makita kami.
Pinaupo na nila kami, katapat nami ngayon yung dalawang pulis.
"Mrs. Jodie bilang isang testigo, ano ang iyong mga nalalaman sa eskandalo nina Mrs. Golly at Mr. Denz?"seryosong tanong nito.
Grabe ang bigat nang paligid, intense na intense!
"Noong gabing yon sa js prom, bigla akong nakaramdam na tinatawag ako nang palikuran kaya pumunta ako sa Comfort room nang school... bago pa man ako makapasok sa banyo may narinig na akong ungol, akala ko guni guni ko lang iyon kaya hindi ko na pinansin...matapos kong gumamit nang banyo at aalis na sana nung oras na iyon nang bigla akong may makabunggong lalaki at yun nga si denz...nung una nag sorry pa ako pero narealize ko na pangbabae lang pala yung banyong iyon...doon na ako nagtaka kaya bigla ako napaurong...ilang minuto ko pa i inisip kung paano magkakaroon nang lalaki sa cr nang mga babae hanggang sa may marinig akong hagulgol...kinabahan ako nun pero nakita ko na nga si golly na umiiyak sa isang gilid habang sira sira yung ibang parte nang damit at lagpas lagpas ang kolorete sa mukha niya..doon niya sinabi ang lahat na muntik na siya gahasain ni denz.."mahaba kong paliwanag, yung isang pulis naman ay parang inililista lahat nang aking mga itinuran.
"Maraming salamat sa inyong kooperasyon, mauuna na kami at asahan niyo na dalawang araw mula ngayon ay malalaman na ang resulta nang aming pag iimbestiga",sabi nang dalawang pulis at tuluyan nang umalis.
"Iha salamat sa tulong mo."lumapi saakin yung mama ata ni golly at niyakap ako.
"Makukulong yung lalaking denz na iyon!"mahina ngunit galit na sabi nang ama ni golly.
"Sana nga po."pag sang ayon ko.
"Magmiryenda na muna kayo."pa anyaya nang ina niya, hindi na rin kami nakatanggi dahil nagpumilit sila.
"Salamat po sa pa miryenda niyo, mauuna na ho kami."nakangiti kong sabi sa kanila.
"Mag iingat kayo!"pahabol pa ni golly, nginitian ko lamang siya at umalis na kami.
"Sige tutuloy kami, jd babye."pagpapaalam nila nang maihatid ako sa bahay."
"Sige!"pagpapa alam ko din.
Pagkapasok ko sa bahay namin ay bigla nalang sumalubong saakin si tae.
Kinakagat kagat niya yung dulo nang pants ko.
"Tae! Ano ba!?"sigaw ko rito pero hindi siya nag padala kaya binuhat ko siya at itinabi sa kama sabay takbo nang mabilis sa kwarto ko.
"Oh nakabalik kana pala anak! Bakit kaba tumatakbo diyan? Halika at kwentuhan mo ako sa nangyari."pag aaya saakin ni mama sa baba kaya ayun yung asong maliit sa baba habang nakalabas yung dila.
Excited na excited ngat ngatin yung pants ko peste.
Nang makababa ako sa hagdan ay doon na nga tahimik na nginangat ngat yung dulo nang pants ko. Umupo naman ako dun sa tabi ni mama, habang itong asong ito ay tahimik lang na naka upo sa lapag habang enjot enjoy ngat ngatin yung pants ko.
"Two days daw 'ma malalaman na yung resulta nang pag iimbistiga nila."boring kong sagot tsaka tiningnan si tae nang masama at pilit na pinapaalis.
"Malapit na palang malaman yung resulta." Tugon naman niya.
Napatango nalang ako.
"Tsaka nga pala tanungin mo na yung mga kuya mo kung anong magandang ipalit sa pangalang 'tae'."
Vote,comment and share☆