CHAPTER 19

105 19 10
                                    

Iba't ibang klase nang regalo

RENZ'S POV

Muntik na akong matawa sa reaksyon ni jd nung may pumutok na lobo eh buti nalang tinakpan ko kaagad yung bibig ko.

Nandito kaming lahat sa kusina.
Nandito si jewell,jike,jovee,jyxiel,jake,aaron,seiko,ako at si tita hidhia.

"One,two.."mahinang bilang ni jike.

Binuksan niya yung pinto nang dahan dahan.

"Three!"malakas na sabi niya nung binuksan yung pinto.

"HAPPY BIRTHDAY JD!!!!"malakas na sabi naming lahat.

Kaso bakit wala si jd?

JODIE'S POV

Parang sumakit yung tiyan ko.Dali dali akong pumunta sa CR para maglabas nang dumi.

"HAPPY BIRTHDAY JD!!!!"ano yun?

Happy birthday jd?teka!birthday ko nga pala ngayon!

"Salamat!"sigaw ko sa loob nang CR.

"Jd nasaan ka?!!"sigaw nila.

"Tumatae ako!"

RENZ'S POV

"Tumatae ako!"

Sus naman! Ano na naman?! Ba't ganyan?! Tatae ka?! Habang sinosorpresa ka namin?!

*face palm*

Napailing nalamang ako.

"Bilisan mo diyan!"sigaw ko nang makatapat sa CR.

"Oo na!"sigaw niya pabalik.

Makalipas ang limang minuto ay lumabas na siya.

"Happy birth- ang baho!"napatakip ako nang ilong sa amoy.

"Haaay succes."nakahinga siya nang maluwag.

"Oy!salamat pala sa pagbati!"lumapit siya saamin samantala ako naman ay pilit na lumalayo sa kaniya.

"Jd!!mag alcohol ka muna!"

"Arti neto."umalis siya saglit at nag alcohol.

"Tapos na.Asan yung pagkain?"

"Nandoon sa kusina."sabi ko.

dali dali naman siyang pumunta sa kusina.Sinundan ko siya.

"Woooow ang daming pagkain."

"Happy birthday jd!"pagbati nila dito.

JODIE'S POV

Ang daming pagkain

Pakiramdam ko nagniningning sila at nagmamakaawa na tikman ko sila isa isa.

"Kain na kayo!"biglang sabi ni mama.

"Yehey!"

Nagsikanya kanya kaming kuha nang pinggan at pagkain.Parang may sarili kaming mundo sa pagkuha nang pagkain.

Maraming pagkain ang nakahilera.Iba't ibang putahe ang nakalatag.

Kumuha ako nang pinggan at nagsimula nang pumili nang mga pagkain.

Naupo ako saglit sa gilid nang matapos makakuha nang malalantakan.Lumapit saakin si mama.

"Ano yan ma?"tanong ko nang may hawak siyang box na nakabalot.

"Regalo ko sayo 'nak."nakangiting sabi ni mama.

"Thank you ma."sabi ko nang maibigay niya ito.

"Happy 15th birthday 'nak."pahabol pa ni mama.

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now