CHAPTER 30

56 8 2
                                    

Day 1: parkour training

JODIE'S POV

Maya maya lang daw ay darating na yung mga makakasama namin sa pag t-training. Naglalagay kami nang mga gamit namin sa maletang ibinigay nang isa sa mga katulong dito. Si jewell ay nasa katabing kwarto lang pala nang kwarto ko kaya mabilis lang niya akong mapuntahan kapag bibisita siya o may nais sabihin.

"Itong maleta na'to ay para sa mga damit mo jd. Ito naman para sa mga...undies hehe. Ito para sa mga pajamas, shorts etchetera na pang ibabang kasuotan mo." Isa isa niyang ibinigay ang mga maleta saakin.

"Maglalagay na din ako nang mga damit ko sa'kin kaya maiwan muna kita."

Kinuha ko yung isang maleta na paglalagyanan nang mga damit at sinunod kong lagyan pa ang dalawang maleta.

"Leb." Tinawag ko mula sa labas nang pintuan si leb.

"Lady?"

"Si jewell pakitawag."

Nag bow ito bago umalis.

"Jd tapos kana?"

"Ah oo." Ipinakita ko sa kan'ya yung mga maleta.

"Ako din. Tara bumaba na tayo kasi nandun na daw sila Ms. Min at yung makakasama natin sa pagsasanay!" Hindi na niya maiwasang tumili sa sobrang pagka excited kaya natawa nalang ako sa reaksiyon niya.

Binitbit nila leb at brix ang mga maleta namin.

"Jd, kinakabahan ako na excited HAHAHAHAHA kasi naman syempre first time kong gagawin yung pa talon talon kung saan saan niyan tapos yung mga hay! Basta nakaka-excite talaga."

"Kaya mo 'yan, ikaw pa! Eh dati nga sa probinsya ikaw yung laging nangunguna sa pagtakbo diba kapag hinahabol tayo nang mga magsasaka doon kasi lagi nating pinuputol minsan yung mga pananim nila kapag anihan na." Nakangiti kong pagku kwento.

"Oo nga noh? HAHAHAHA naalala mo pa pala yun grabe ang talas nang memory ha. Mabilis lang akong tumakbo nun pero sa mga ganyan ganyan sa tingin ko sayo lang bagay 'yan eh."

"Bagay din sayo." Pamimilit ko.

"Para fair bagay na sa'tin."

Matapos naming magkwentuhan habang pababa ay naabutan naming may kausap si Ms. Min at nakatitiyak ako na yun na yung makakasama namin sa pagsasanay na ito.

"Young ladys silang pito ang makakasama niyo sa pagsasanay na gagawin ninyo sa loob nang isang linggo."

Magsasalita pa sana ako nang sabay sabay silang magsibigay galang saakin.

Sila kuya, aaron, renz, jake at seiko.

"Leb at brix, ihatid niyo na ang siyam na magsasanay." Wika ni Ms. Min

TAHIMIK naming tinatahak ang madilim na hagdan dito. Underground yung hagdan tapos wala pang mga ilaw kaya medyo nakakatakot. May kaunting ilaw na nagbibigay liwanag saamin dahil sa mga maliliit na tatak sa bawat hagdan na matatapakan namin.

Huminto saglit sila leb at brix. Itinapat nila yung palad nila sa pader. Naghugis pintuan yung pader na iyon at umilaw.

"Ladys." Binigyan nila kami nang daan para makapunta doon sa pader na naghugis pinto.

"A-anong gagawin?" Tanong ko.

"Itulak niyo lang nang dahan dahan at banggitin ang pangalan niyo nang sabay."

Sinunod namin sila. Sabay naming nilagay ni jewell ang mga kamay namin sa pader at binigkas ang pangalan.

"Jodie."

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now