Harana
JODIE'S POV
Napag usapan na namin ni jewell na siya ang gaganap bilang mulan at ako naman ang gaganap bilang brave. Sinabi na din namin kina mama at kila kuya yung contest na magaganap.
"Gagawa ako nang banner!"
"Ichi cheer ko sila!"
"Ako mag vi-video."
Kung ano ano na lang ang mga pinagsasasabi nila para saamin pero yung totoo niyan si jewell lang ang susuportahan nila at ako? Pagtatawanan lang nila,tch. Nung grade three ata ako nun tapos sasayaw ako sa stage nang 'makulay ang buhay kumain ka lang nang masustansyang gulay' putik lang kasi pag katapos nun nang makauwi kami ay binusit busit na nila ako :)
"Ayos yan." Komento ni mama
"Seiko natanggap ka na ba sa trabahong ina-applyan mo?"
"Naghahanap ka nang trabaho sei?" Tanong naman ni kuya jy kay seiko habang kumakain.
Tumango si seiko, "May mga kailangan kasi kaming mga gamit para sa mga projects 'tsaka kailangan ko ding kumita para makapag ipon na din." Sagot ni seiko.
Kaya pala nitong mga araw ay napadadalas ang pag alis niya sa bahay dahil nag aapply siya nang trabaho. Bakit nga ba hindi ko naisip maging working student? Para makabili nang sapatos 'tsaka damit ko. Ang talino naman ni seiko grabe hanga ako @.@
"Seiko, ano bang trabaho yan? Baka may bakante pa, mag aapply din ako."
Napatingin naman saakin sila kuya.
"Mag ta-trabaho ka jd?" Gulat na tanong ni kuya jy.
"Oo, nagbago na kasi ang pananaw ko sa buhay."
"Bagong pananaw ha, ano naman yang pananaw mong 'yan?"
"Na kailangan kong mag-ipon para may pang bili nang mga pagkain." Sagot ko
"Grabe namang pananaw yan, nagbago pananaw mo dahil lang sa pagkain. Hindi pa ba sapat yung mga tatlong punong kanin sa pinggan mo araw araw?"
Hindi ko nalang ito pinansin at tumulala nalang bigla sa kutsara.
"Jike lagot ka, nagdamdam ata si jd!"
"Oy,jd."
"Nagbibiro lang ako!"
"Jd!"
"Jd! Kung may nakikita kang liwanag 'wag kang sumama!"
"Ano ba jy!"
"Baka sasama na siya!"
"Pigilan natin!, jd 'wag kang sasama sa liwanag na 'yan!"
May tumulak nang marahan sa noo ko. Nanlilisik ko naman tininggan yung mga gawa 'non.
"Ano?!" Inis kong tanong. Peste nag iisip isip ako dito.
"Ang sungit mo naman, kanina ang ayos mo pang kausap ah. Ang lalim nang iniisip mo manang, ano ba yung iniisip mo?" Panira talag kuya jovee
"May iniisip lang ako kaya 'wag kang manggulo." Sagot ko at nagbalik muli sa pagtitig sa kutsara.
"Ano ba yung iniisip mo jan, jd?" Nagtanong si jewell
"Iniisip ko kung anong ulam bukas." Simpleng sagot ko. Napahalakhak naman sila. Napakunot naman yung noo ko. Iling iling naman ako nagbaling sa pag iisip.
Masarap kaya ulam namin bukas? Ano kayang ulam?
"Hay nako." Komento naman nila.
Natapos na kaming kumain. Kanya kanya na kaming nagsi puntahan sa kwarto at sala. Nanatili naman ako sa kwarto mag isa. Si jewell ay nandoon pa sa sala at nanonood pa nang tv at nakikipag kwentuhan sa kanila.