CHAPTER 28

67 9 5
                                    

Real home

JODIE'S POV

Tuloy tuloy lang ako sa pag takbo habang punas nang punas sa mga luhang pumapatak saaking pisngi.

"Binuhay niyo 'ko sa kasinungalingan!" Gusto kong sumigaw nang malakas. Gusto kong ilabas yung sakit na nararamdaman ko.

Malakas na bumuhos ang ulan kaya't natigil ako sa pagtakbo at tumingala sa kalangitan habang sinasalo ang bawat patak na tumatama sa aking mukha.

Walang mga tao sa paligid. Tanging mga maliliit na sign sa kalsada lang ang nakikita ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo.

"Wala na pala akong mama? Wala na pala yung totoo kong mama! Nagsinungaling kayong lahat sa'kin! Lahat kayo! Tapos ngayon gusto niyong makilala ko yung ama ko? Matapos niyo akong buhayin sa simpleng buhay, pagkatapos ipamumulat niyo ako sa buhay na magulo? Aaaaaaaaaaaah!" Isinisigaw ko lahat nang mga nararamdaman ko at tila nakikiramay pa saakin ang kalangitan.

"Jd!" Narinig ko ang boses nila aaron pero hindi ko na sila mahagilap pa dahil sa lakas nang buhos nang ulan.

*beeeeep!*

Huli na nang malaman kong nasa kalagitnaan na pala ako nang kalsada at may paparating na kotse sa kinaroroonan ko kaya't hindi na ako nakaiwas pa.

DAHAN-dahan kong naimulat ang aking mga mata. Naramdaman ko nalang na mainit yung ulo ko at masakit pa ang katawan ko.

"Hmm." Pinilit kong gumalaw ngunit kumikirot lang ang buong katawan ko kapag ginagawa ko iyon.

"Saang lugar ito?"

Nasa isang malaking kwarto ako kung saan may malaking kama, malaking closet at kung iba iba pa.

Dahan dahan akong umupo galing sa pagkakahiga ko. Masakit yung ulo ko kaya hinimas himas ko ito at napagtanto na may bimpong maligamgam ang nakalagay sa noo ko.

Nilalagnat ata ako.

Sinubukan kong tumayo nang dahan dahan dahil sumasakit yung katawan ko sa 'di ko malamang dahilan. Naglakad ako papunta sa pinto, nang buksan ko ito at silipin ang nasa labas nagulat ako nang makitang may dalawang matipunong lalaki ang nasa labas nang kwarto kung nasaan ako.

Mas nagulat ako nang mag bow sila saakin.

"Our young lady, ayos na ba yung pakiramdam niyo?" Nakayuko pa rin sila.

"M-masakit pa yung katawan ko pero kaya ko na, umayos na kayo nang tayo." At umayos na sila nang tindig.

"Call her nurse." Sabi nang isa sa isa niyang kasama.

Agad naman na naglakad paalis yung isa niyang kasama.

"Nasaan sila aaron?" Nag clear throat pa ako bago itanong iyon.

"Hindi ko po alam, young lady. Pero kanina lang ay binisita nila kayong tatlo rito." Sagot niya habang nakatindig pa din nang matuwid.

"A-ano nga palang pangalan mo?" Medyo nahihiya pa din ako at hindi sanay dahil parang kanina lang nagnanakaw pa ako nang chocolate sa mini ref ni kuya jovee bago kami umalis.

"Ako nga pala si mueleb, young lady. Leb na lang tapos yung
kasama ko kanina ay si brix." Napatango na lang ako.

Siya pala si leb, hula ko ay nasa 20 years na ito at yung kasama naman niya kanina ay 20 years din :)

"Twenty ka na ba?" Nakita kong nag alinlangan pa siya bago sagutin yunh tanong ko.

"18 young lady." Akala ko nasa bente na siya!

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now