Training list
JODIE'S POV
Naglalakad ako sa kalsada habang may hawak hawak na kutsilyo
"Jd! Anong ginagawa mo?!" Narinig ko silang tatlo na sumisigaw
"Wag na kayong makielam! Para rin saatin 'toh." Sigaw ko sa kanila pabalik
Huminto ako sa gitna nang daan at hinarang ang isang babae
"Jd!" Sigaw pa nila
"Bantayan niyo nalang 'yan!"
"B-bakit po?" Nakita kong natakot ang babaeng nasa harapan ko ngayon nang makita niyang may hawak akong kutsilyo
"Isang sagot, isang tanong." Seryoso kong tugon sa kan'ya
"S-sige po."
"Jd ano ba!"
"Bibili ka nang tinda namin o.." tumingin ako sa hawak kong kutsilyo, "hmm ano? Bibili ka oh ano?"
"A-ano p-"
" Ayusin mo 'yong sagot mo dahil inaamag na yung mga tinda naming fishball, kikiam, squidball, french fries tsaka yung iba pa!"
"Ah!" Naramdaman ko nalang yung sarili ko na nakahilata sa sahig.
Tumama pa ata yung ulo ko sa sahig tsk!
"Jd?" Narinig ko 'yong boses ni jewell sa labas.
Hindi pa man ako nakakasagot ay may mga nagsipasok na.
May apat na babaeng pumasok at may hawak silang tig iisang damit na nakahanger. Pagkatapos ay may pumasok na tatlong babae na naman, yung isa ay sexy na sexy ang damit, iyong isa ay naka salamin at may hawak na isang libro at ballpen, iyong isa naman na nasa likod nila ay katulong ang pormahan.
"Jd!" Huling pumasok si jewell na naka black fit croptop, black leather pants na fit na fit with lugay na buhok.
Ang porma
"Young lady." Lumapit sa'kin yung babaeng nakapang katulong yung damit at inalalayan akong tumayo.
"Anong nangyayari?" Tumabi saakin si jewell.
"Marieka." Mahinang sabi nung nakapang sexy na damit.
"Time check, 7:00 AM. 7:00-7:30 AM, dress up!" Mabilisang sumagot yung tinawag na marieka, siya yung nakasalamin na may hawak na libro at ballpen.
"Choose your outfit for today, lady." Muling sabi ni marieka.
Itinuro nila yung dala nang apat na babae.
Yung unang babae ay may hawak na isang leather jacket na fitted. Yung pangalawa ay may hawak na blouse pero may butones sa gitna. Yung pangatlo ay may hawak na dress fitted na kulay gray. Yung pang apat ay black na croptop.
Ang aga aga tapos ito agad bubungad sakin?
"Ito." Turo ko sa unang babae.
Kinuha nang babaeng katulong yung hawak na damit ni babae number one.
"Next!" Sumigaw yung babaeng nakapang sexy na damit.
Mabilisang nagpalit nang bitbit yung apat na babae na ngayon ay mga pang ibaba naman.
"Choose, lady." Ngumiti nang panandalian si marieka.
Basta ko nalang itinuro yung pants na leather din katulad nung kay jewell.