CHAPTER 33

25 4 0
                                    


JODIE'S POV

Maaga kaming ginising, dahil may sasabihin daw si Hanei saamin. Mahahati kami sa dalawang grupo ayon kay Hanei. Ang unang grupo raw na makikitaan nang husay at galing makalipas lamang ang dalawang araw bago magtapos ang isang linggong pananatili namin dito ay makatutuloy na sa pangalawang pagsasanay. Sina Jewell, Adarinel, Kuya Jovee, Jyxiel at Jake ang unang grupong nabanggit. Kung gayon kami nila Kuya Jike, Renz, Seiko, Aaron at Halley ang magkakagrupo.

"BABE! 'Wag mo 'kong iwan!"

Ngayon na ang araw kung kailan aalis ang unang grupo. Nakitaan agad sila nang lakas at husay ni Hanei. Si Jewell ang tumatayong leader sa grupo nila, magaling siyang mag isip ng plano at iniintindi niya ang mga ka-team niya kung kaya't nakapasa agad siya. Sineryoso naman ng mga ka-grupo niya ang bawat araw na lumilipas sa pagte-training kung kaya't maging sila ay nakapasa ng maayos dahil sa kani kanilang angking galing kumilos at mag-isip.

Samantala ang grupo na kinabibilangan ko ay hindi pumasa sa nakikitaan nang galing ni Hanei. Nagka sinat si Aaron kaya naman nanghina siya at hindi mapantayan ang unang grupo. Pasado naman daw kami sabi ni Hanei dahil nakikitaan din daw niya kami ng potensyal pero alam kong pilit lang ang mga salita nito. Napapansin ko kasi minsan si Halley na tila nanghihina tuwing oras na ng traning pero masigla naman kapag hindi oras ng pagsasanay, pakiramdam ko ay pinapatalo niya ang grupo namin. 'Yung ibang mga kasama naman namin sa grupo ay tila ginagawa lamang katuwaan ang lahat ng ginagawa namin kung kaya't hindi kami pumasa.

"Umayos ka nga, Renz." Sita ni kuya Jike dito. Kanina pa kasi nagmumukmok ito dahil aalis na si jake na kung tawagin niya ay BABE.

Sinimangutan lang ni Renz si kuya jike at nagpatuloy ito sa ginagawang pagmamaktol.

"Mami-miss kita babe!"

"Mami-miss din kita babe!"

Nag flying kiss pa si Jake kay Renz, nag flying kiss naman pabalik si Renz dito.

Malalakas talaga saltik ng mga 'to.

"Paalam!" Sabay sabay kaming kumaway sa kanila bago sumara ang pinto.

Matapos ang ilang minuto nang umalis ang unang grupo ay bumalik na kaming lahat sa pagsasanay. 'Di bale dalawang araw lang naman namin silang hindi makakasama dahil malapit nang sumapit ang isang linggong pananatili namin dito.

"Ten push ups!" Sigaw agad ni Hanei nang makatapak kami sa training area namin.

"Hanei kakarati-"

"Twenty push ups now!"

Magrereklamo pa sana kami kaso dumadagdag lang ang bilang nang pinapagawa niya kaya wala kaming nagawa kun'di sumunod nalang.

"One!"

Kailangan 'kong gawing inspirasyon si Jewell!

"Two!"

Kailangan 'kong galingan lalo!

"Thr- Ahh!" Napalingon kami kay Halley na ngayon ay nasubsob ang mukha. Nakita ko namang nadismayado si Hanei sa nakita.

"Again, from the top!"

"One!"

"Two!"

"Three!"

"Four!"

Makailang beses pa kami umulit bago kami natapos dahil laging nangangawit ang kamay ni Halley. Hindi ko na napigilang kausapin si Halley dahil sa kapalpakang ginagawa nito at pati mga ka-grupo niya ay napapahamak.

Nakita ko siyang papunta sa C.R kung kaya't sinundan ko ito. Ang ibang ka grupo namin ay nagpapahinga na, 'yung iba naman ay nagkukwentuhan at kaming dalawa lang ni Halley ang nasa bahaging ito.

MAFIA SERIES #1Where stories live. Discover now