mall
NARRATOR:
Sa labas ng isang mansyon sa may garden nito ay nag uusap ang mga kalalakihan.
"Boss,nabalitaan naming nabugbog sya at balak halayin."pagrereport nang lalaki sa tinawag niyang boss kanina na nasa harap.
"WHAT THE HELL?!!!.."isang nakakapangilabot at galit na boses ang lumabas sa tinawag nilang boss."I WANT HER TO KNOW THE TRUTH NOW!..BUT..BUT AHHHHHHH!!!"galit na galit yung boss na tinawag nila.napapapadyak nalang ito sa inis at napasabunot sa sariling buhok.kinuha nya ang baril at ipinutok sa itaas habang sumisigaw.
"Fucking grange!!"sigaw na naman ito.
"rilty,just guard them always"utos nito sa isang tauhan.tumango naman si rilty.
"I want to hug them....my daughters.."bigkas nito.may lumapit sakanyang lalaki at hinawakan yung boss sa balikat.
"Makakasama mo rin sila,pero hindi pa ngayon."ani nito at iniwang mag isa yung boss.
*******************
JODIE'S POV
"Antagal naman nila jike!."pagmamaktol ni renz habang nakabusangot ang mukha.
"Umuwi na nga kayo!"pagtataboy ko sakanila.
"Ayan na sila!"sigaw ni jake habang nakaturo kina kuya.
Naglalakad sila palapit saamin."tara na"sabi ni kuya jike nang makalapit sila saamin.
"Tara!"yaya ko kina jake,renz at aaron.sumunod naman sila.
Nangunguna sina kuya at nasa likuran naman nila kami."ano ok ba yung performance natin?."tanong ni renz.habang inaakto pa ang ginawa kanina.
"Bakit hindi kayo nagpractice?..mukha tuloy kayong mga baliw don!"naalala ko nananaman yung mga sayaw nila.
"Naghiyawan naman silang lahat."pagtatanggol ni aaron sa sarili."wahahahahaha"natawa nalang kami habang nagkukwentuhan.
Lumipas ang isang buwan....naareglo na ang away sa pagitan namin nina lance.naireport na sila sa pulis ngunit nadaan ito sa matinong usapan kaya naman hindi sila nakulong.
"May bisita tayo!"maligayang sabi ni mama mula sa labas nang bahay.
Kasalukuyan akong naghuhugas nang pinggan sa lababo.sina kuya jike naman ay kumakain pa,sina kuya jy at jovee ay nasa sala.
Bisita?sino?
"Iabas kana muna daw dun,iwan mo muna daw yan."sabi ni kuya jy na bigla bigla nalang sumusulpot.
Hinugasan ko muna ang kamay kong may mga bula at sabon pa tsaka nagpunas.dumiretso na ako sa sala.
Sino naman yung bisita namin?
"Sino bang bisita,ma?"tanong ko pagkadating sa sala.
"Hi jd!"sabi nina AARON?!!!
"Ba't andito kayo?"boring kong tanong 'tsaka lumapit kay kuya jovee na natutulog sa sofa,naupo ako sa tabi nang mga paa nito.
"Jd!!!pupunta tayo nang sm!"excited na excited na sabi ni jake habang sumusubo nang cupcake,nag aagawan pa sila ni renz.
"Bakit naman?anong meron?"tanong ko sa kanila.
"Ah basta!"sabi ni aaron at uminom nang juice.gutom na gutom kayo?
"Magbibihis lang ako ah."hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil busy silang lahat sa pagkain,kaya't dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis.nagsuot ako nang black jogging pants at gray hoodie.
