Prologue

116 1 0
                                    

"YES MR. CHAIRMAN, I'll tell that to sir Benjamin."

Nagmamadaling naglalakad papasok sa Starbucks coffee si Evie habang nakaipit lang sa balikat niya ang phone habang kausap nito ang chairman ng Yu Solar Panels Inc.

Kaagad siyang pumila sa likod ng mga taong nakatayo sa counter habang dinudukot sa bag niya ang wallet niya.

"Sure, Mr. Chairman. I'll email the details first thing in this morning when I get to the office. -- the Consuji Constructions emailed me the order requests and I sent them the quotation. It has been approved by sir Benjamin."

Patuloy nitong pagkausap sa phone niya habang umuusad naman ang pila. Nakapaling pa rin pakaliwa ang ulo niya para maipit ng balikat niya ang phone habang hinahalukay naman niya sa Italian hand-stitched shoulder bag niya ang reddish plum matte shade na favorite lipstick niya. Dinukot niya rin ang face powder niya at binuksan para makapagpasalamin doon habang kaunting naglalakad sa pausad namang pila.

"Sir Benjamin have already informed the Consuji's when we'll gonna have our meetings with them, that includes in our emails and quotations I've sent to them." patuloy niyang pagsagot sa kausap habang nilalagyan ang labi niya ng lipsticks. Inayos niya ang kulorete sa labi at inalis ang kaunting lumagpas gamit ang daliri.

Nang mapansin niyang siya na ang susunod sa counter, kaagad niyang ibinalik ang mga gamit sa loob ng bag at hinawakan na ang phone niya. Binaling naman niya ang leeg pakanan bilang paguunat pa.

"Copy Mr. Chairman --"

"Good morning ma'am! What's your --" napatigil ang kahera na magiliw na bumati sa kanya ng senyasan niya ito ng kanang kamay niya.

Tila pinapakinggan naman ni Evie ang sinasabi ng kausap sa phone. Inaudible siyang napabuntong hininga at bahagyang napaikot ang mata na saktong natama sa kahera na tila nakatulala sa kanya at nagiintay.

"Miss? Hindi ka pa ba mag-o order? Ang dami pang --

"Ah shushushh!" mabilis na pagsuway ni Evie sa babaeng nasa likuran niya at dinampi ang kanang hintuturo sa labi nito. Tila nabigla rin ang babae at nainis sa ginawa niya. Napatingin naman ito ng masama sa kanya ngunit focus pa rin si Evie sa kausap.

"I'll tell that to Ben -- sir Benjamin. Okay Mr. Chairman. Bye."

Kaagad na naibaba ni Evie ang phone at nakahinga na ng maluwag saka humarap sa counter at napatingin sa kaherang pilit na lamang ngumiti sa kanya dahil pinagintay niya.

"Pumpkin spiced latte with extra milk and caramel sweetener, venti size. Cappuccino duppio with extra pump of chocolate fudge syrup also in venti size. Ham and cheese sandwich and -- pecan brownies." Dire-diretsong saad nito sa kahera na natataranta namang magsulat sa cups at pindot sa POS ng mga orders." Ay! Sorry! Wag na lang pala ng pecan brownies, ham and cheese sandwich nalang din. Thanks. "

"Okay po ma'am." masugit namang pagsunod sa kanya ng kahera.

Kaagad ring inabot ni Evie ang card niya upang doon kuhain ang pambayad sa orders niya. Suki na siya roon kaya lagi itong may load doon.

Habang abala ang kahera sa pag-settle ng payment niya, napalingon naman si Evie sa likuran niya dahil naririnig niya ang munting ngitngit ng babaeng sinuway niya kanina.
Tinarayan niya ito ng tingin na tila taray na taray din ang pagkakatingin sa kanya.

May kababaan ito sa kanya at mukha namang disente rin. Minasdan niya ito mula paa hanggang ulo.

Napansin niya ang two-inches black doll shoes, pencil cut black skirt with white polo blouse on top and black blazers. Nakapusod ang buhok nito na may naka-side bangs. Nakikipagtaasan ng kilay ito sa kanya at bahagya siyang napa-smirk sa pustura nito.

As You Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon