Chapter 13

14 1 0
                                    

Habang nagkakasiyahan pa sa Christmas party nila, dinukot ni Evie ang phone at tinext nito si Benjamin upang mangamusta.

How are you? How's chairman?

Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa nagre-reply ang boss sa kanya kaya tinabi niyang muli ang phone.

"Miss Evie?!"

Napalingon naman si Evie sa kung sinong tumawag sa kanya sa likuran.

"Oh manong Jorge?"

"Miss Evie oh." sabay abot nito ng small box na may ribbon pa sa ibabaw.

"Ay, salamat po manong Jorge." pagkuha naman din nito sa box.

"May nagpapabigay daw po niyan para sayo."

Tila natigilan naman si Evie at nagtaka. Buong akala niya ay galing ito sa matanda.

"Ah hindi po galing sa inyo ito?"

"Ay hindi po ma'am. Kakahiya nga po at wala man lang akong naibigay sa inyo kahit pa may regalo kayo para sa mga anak ko."

"Ay wag niyo na pong isipin yun manong. Para sa mga bata naman po yun. Pero -- kanino po ito galing?" pagtukoy pa ni Evie sa box na hawak.

Nagkibit balikat lang naman din ito sa kanya. "Hindi ko po alam miss Evie eh. May nag-deliver lang na nakapangalan sayo. Wala po bang nakalagay dyan?"

Sabay pa nilang nausisa ang box na walang kahit anong note man lang kundi ang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na 'To Evie'

"Sige po, salamat manong."

Umayos ng upo si Evie at minasdan ang box ng regalo. Kinalog pa niya ito dahil may kabigatan. Initabi na lamang niya ito sa paper bag niyang nilalagyan rin ng mga regalong natanggap niya.

NANG matapos ang party ay nagkapaalaman na rin naman na silang magkakatrabaho. Naiwan na lamang ang iilang empleyado at ang event coordinator at mga staff nito sa pagliligpit.

Inakyat na muna ni Evie sa opisina ni Benjamin ang mga regalong nakuha nito. Kahit pa madilim at mukhang nagiisa na lamang siya ay hindi na niya ito iniinda.

Matapos ay dumiretso na siyang kotse niya at nilagay naman sa back seat ang mga nakuhang regalo. Pati na rin ang paper bag kung saan niya nilagay ang box na binigay sa kanya.

Pagkauwi niya ay nagpatulong pa siya sa isang guard upang maipasok na ang lahat ng regalong nadala niya pauwi dahil nasa second floor ng apartment ang unit pa niya.

"Thank you po, kuya ah."

"Welcome ma'am, good night po."

"Good night." at sinara naman na ni Evie ang pintuan niya.

Sinalubong muli siya ng aso niyang si Steve na tila sabik na sabik pa rin. Naupo si Evie sa sahig sabay hubad ng sapatos niya. Ginugulo naman siya ng aso niyang nais makipaglaro.

"Sorry Steve, busy lang talaga ang mommy. Sobrang nakakapagod ang araw na toh." saad niya pa rito habang nakaupo sa harapan niya ang aso at hinihimas ang mukha nito.

"Gusto ng magpahinga ng mommy."

Matapos maiayos ni Evie ang mga gamit, kaagad na rin siya nag-shower upang makapamalit.

Kinuha niya ang isang bote ng Moscato wine sa ref niya at isang wine glass. Naglabas din siya ng chips at nilagay ang mga ito sa coffee table niya sa veranda. Nais niyang doon tumambay muna at makapagpahangin.

Habang suot lamang ang ternong manipis na shorts at lace sando bra, at may nakasukbit sa balikat niya na robe, nakataas pa ang mga paa ni Evie sa isang upuan habang umiinom ng wine at nakatanaw sa kalangitan. Maraming bituin sa langit at kahit hindi naman niya ito nabibilang, nakatanaw lang siya siya roon. Tila nare-relax siya sa ginagawa.

As You Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon