ILANG MINUTO ANG nagdaan, napakalma na rin ni Silver ang sarili. Mukhang gayun na rin ang ina niya kaya humupa ang tensyon sa pagitan nila. Lumipat naman ng upuan si Silver sa tabi ni Evie at kaagad na niyapos ang beywang nito.
"Okay ka lang? Na-high blood ka yata?" bulong pa ni Evie kay Silver habang nakapatingala sa tabi nito.
"Ha? Oo naman. Baka siya ang na-high blood sa akin?"
"Dapat hindi mo na lang pinatulan."
"Eh lagi naman ganyan. Mabuti ngayon alam na niya, kilala ka na niya."
Ilang sandali pa ay pumihit na sa kanila ang ginang kaya umayos si Evie ng pagkakaupo.
"Kailan niyo naman balak magpakasal?" tila galit pa ring tono nito.
"Secret muna. Baka pagplanuhan niyo pa ni Georgia na pigilan eh." saad pa ni Silver kaya mahinang siniko siya ni Evie.
"Ma, hayaan na muna natin sila sa kung anong plano nila. Matatanda na mga yan."
"Papadalahan na lang namin kayo ng invitations." bigla naman ng tumayo si Silver at hinahaya ang kamay kay Evie. "Tara na."
"Aalis na tayo?" nabibigla pa nitong tanong kay Silver.
"Syempre, uuwi na tayo. Hindi naman natin bahay toh." sarcastic pang tugon ni Silver kaya napairap na lamang si Evie sa kanya saka tumayo.
"Una na kami, see you na lang sa wedding."
"Hindi ako pupunta!" pagtataray pa ng ginang na kinabigla ni Evie.
"Eh di mabuti! Wala kaming paplastikin." pero mas nabigla siya sa sagot rito ni Silver. Hindi niya maunawaan kung seryoso ba yun o pangaasar lang.
"Mauuna na po kami, thank you po." pagpapakumbaba naman na ni Evie.
Nang makalapit sila kay Vivian ay hinatid naman na sila nito hanggang sa sasakyan nito.
"Huwag mo na lang pansinin si mama, ganun lang talaga magsalita yun." saad pa ni Vivian kay Evie.
"Okay lang, naku-cultural shock lang ako."
"Sa umpisa lang ganun yun. Gulat lang siya na ang ganda mo pala." biro pa nito na ginantihan din ni Evie ng pagngiti.
"Thank you ah, I'll see you soon."
"See you soon, sis! Kuya! Ingat kayo!"
"Bye!"
Nang makalabas na ng bahay ang kotse tila sabay pa silang nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
"Haaay!"
Nagkagulatan pa sila sa sabay na ginawa kaya nagkatinginan sila. Hindi naman na nila napigilang matawa.
"Grabe! Hindi mo naman ako in-inform na pati nanay mo, mami-meet ko ngayon?!"
"Haha! Hindi ko rin naman akalain noh? Pero at least, all in one na. Nakilala ka na rin niya sa wakas!"
"Pero grabe! Parang female version siya ni Hitler!"
"Sinabi mo pa!"
"Ikaw naman kung makasagot-sagot ka pa!" pagtapik pa ni Evie sa braso ni Silver.
"Eh bakit? Ikaw rin naman ang nagturo sa akin noon na kapag nanunumbat siya, sumbatan ko na lang din. Eh di yun! Nanahimik!"
"Hay.. Sabi na eh, ayaw niya sa akin. Wala pa nga eh, kontra kaagad?"
"Ano namang magagawa niya? Ayaw ko nga pakasalan mga reto niya, may nagawa ba siya?"
"Pero -- baka itakwil ka na naman niya?"
BINABASA MO ANG
As You Needed (COMPLETED)
RomanceEvie has found her contentment on her career as the Executive Secretary of the Director of Yu Solar Panels Inc. for over two years. She has a good relation with her co-workers and especially her boss Benjamin Yu who have grown out became her closest...