ANOTHER TYPICAL DAY in the office. Busy-busyhan na naman sina Evie at Benjamin sa kaliwa't kanan na presentations, meetings at biddings dahil sa mga biglang sunod-sunod na projects na dumarating. At lahat ng iyon recommended by Silver.
Hindi akalain ni Benjamin na simula ng maging kliyente niya si Silver ay ipagkakalat na nito sa lahat ng kakilala ang tungkol sa kompanya nila. Mas matagal na ang Yu Solar Panels kaysa sa negosyo ni Silver ngunit mas kilala ang S.A Constructions na. Malaki ang pasalamat ni Benjamin dahil hindi lang business ang koneksyon nila ngayon ni Silver, nagiging malapit na rin silang magkaibigan.
Madalas niyang paunlakan ang pagaaya ni Silver sa mga bar o biddings, ngunit si Evie ay todo pa rin makaiwas. Simula ng maging malapit si Benjamin kay Silver, iyon naman ang paglayo niya sa boss.
Habang sabay na naglalakad sa parking area sina Benjamin at Evie dahil patungo sila ngayon sa Okada para sa isang dinner out meeting, tila natigilan si Evie at namangha sa nakita.
"Is that new?" takang tanong niya pa kay Benjamin ng makita nito ang tila bagong sasakyan ng boss.
"Yeap! Silver got it for me. I mean, he bought it abroad and sell it to me. He knew how much I like limited edition cars. And this Porsche 911 targa 4s exclusive design edition is a perfect one." tila proud pa nitong saad habang parehas silang nakatingin ni Evie sa bago niyang sasakyan.
"At talagang yan ang ipanghaharabas mo ah?" parang hindi naman makapaniwala si Evie.
"Hmm hindi naman. I'm enjoying lang kasi bago eh." malapad pang ngiti ni Benjamin na halos mawala ang mga mata dahil sa pagkachinito.
Lumapit na si Evie sa kotseng imamaneho nito at inalis ang alarm.
"I told you before -- I can let you use one of my cars, para naman mas maganda ang kotseng dala mo." saad naman ni Benjamin sa sekretarya.
"What for? Mas mahal ang maintenance ng mamahaling kotse. Saka hindi naman mukhang karag-karag itong latest na honda jazz. Bagong bili lang din ng kompanya di ba? Ako nga unang gumamit na." paliwanag pa niya habang hawak na ang pinto ng kotse.
"Just suggesting. But if ever you change your mind, just let me know." pagngiti pa ni Benjamin rito.
"Unless you will give it to me, I'll change my mind." tila pangaasar pa ni Evie at napatawa naman silang dalawa.
Nagmaneho na sila patungo sa hotel na pupuntahan para sa isang meeting. Pagkarating nila doon ay dumiretso na sila sa restaurant na napagusapan ng meeting nila.
Pagkapasok palang sa private table ay tila napaatras si Evie sa paglalakad na hindi na magawang makagalaw. Nakita niyang naroon din si Silver na nakaupo sa mesa. Mukhang nauna pa ito roon at kausap na ang nasabing client nilang ka-meeting ni Benjamin.
"Good evening everyone! Thank you for waiting." panimulang bati ni Benjamin sa mga ito.
Tumayo naman si Silver at ang isa pang matipunong lalaking kausap nito.
"Mr. Yu, this is Mr. Khalil Kaur, he's the man behind of Kaur hotels, condominiums and resorts around the country." pormal namang pakilala ni Silver sa banyagang kliyente nila na halos kasing tangkad naman ni Benjamin rin.
"Benjamin Yu of Yu Solar Panels, sir Kaur." pakikipagkamay pa ni Benjamin rito.
"Please, just Khalil." pag-insist din ng banyagan. Bakas rito ang Arabic descendant. Cleaned trimmed fully beard, brushed off hair with dark thick brows. Litaw na litaw ang greenish grey nitong mata na parang nakaka-hypnotize sa titingin. Naka-brown suit ito na bakas pa rin ang kakisigan. Sa unang tingin palang ni Evie, humanga na siya rito.
BINABASA MO ANG
As You Needed (COMPLETED)
RomanceEvie has found her contentment on her career as the Executive Secretary of the Director of Yu Solar Panels Inc. for over two years. She has a good relation with her co-workers and especially her boss Benjamin Yu who have grown out became her closest...