Chapter 17

16 1 0
                                    

PAIKOT-IKOT NAMAN si Evie sa kabahayan niya, mula kusina papasok ng kwarto niya. Nakikita rin ni Silver na dinadala nito ang natirang box ng pizza at ibang pagkain pa sa kwarto niya. Nagpasok rin ito ng wine at tubig.

Magpi-picnic ba itong babaeng toh sa kwarto niya at halos hakutin din lahat ng pagkain?

Bago muling pumasok ng kwarto niya si Evie huminto ito sa may sala at humarap kay Silver. Nakita niyang nakatingin rin si Silver sa kanya na nagiintay ng sasabihin niya.

"I'll be just in my room, kung may kailangan ka, you can get it anything from here. Katok ka lang kung emergency ah?" habilin pa ni Evie at papasok na ng kwarto niya.

"Teka!" pagtawag pa ni Silver na ikinahinto ni Evie sa paglalakad. "A -- anong -- kakain ka sa kwarto mo magisa?"

"Hmm.. Kinda. Doon lang ako sa veranda, magre-relax, magpapahangin, magiinom, kakain."

"Pwede bang sumama doon?" alangan man, pero sinubukan pa rin ni Silver.

Napaisip naman bigla si Evie. Dahil ang veranda ay nasa kwarto niya, makakapasok muna si Silver sa silid niya bago makalabas ng veranda.

"Promise, behave ako. Gusto ko lang din makalanghap ng sariwang hangin."

Napabuntong hininga na lang si Evie at bumalik ng kusina. Kumuha siya ng extra baso at ang bote ng natirang beet root juice.

"Tara na." saad lang niya kay Silver at nauna na siyang naglakad papasok ng kwarto niya.

Halos lumundag naman si Silver sa saya sa narinig. Kaagad niyang pinatay ang tv at sumunod kay Evie sa kwarto nito.

May kalakihan rin ang kwarto na bungad ang queen size bed ni Evie. Sa dulo ng kwarto ang glass sliding door patungong veranda, nakita niyang pumasok roon si Evie at sinundan na lamang niya iyon.

Napadungaw naman na si Silver sa veranda at masasabi niyang nakakamangha doon. Para itong panibagong parte ng bahay. May maliit na set sa dulo at nakaayos ito na tila cozy style living room maaring matulog rin dito, malamig nga lang siguro dahil medyo open area. Sa gitnang parte ang coffee table for two na naroon lahat ng pagkain at inumin nila. Sa kabilang dulo ay tila maliit na laundry area na may divider at thick plastic curtain. Hindi ganoon kalakihan nga ang apartment ni Evie pero napaka-useful ng bawat sulok, nakakatuwang tirahan ng isa o dalawang tao.

"Your place is really nice. So homey." puri pa ni Silver na nililibot pa rin ang tingin.

"I know right? This is my hidden sanctuary. I don't even invite friends here." saad pa nito at naglalagay ng wine sa glass niya.

"Really? Wala ka pang dinadala rito -- kahit sino?"

Umiling naman si Evie pagkainom ng wine. "Nada."

Hindi naman malaman ni Silver kung bakit may kung anong saya siyang naramdaman. Siya palang pa pala ang nadadala ni Evie sa bahay nito and it's fucking awesome! He felt so special.

Naglagay naman si Silver ng beet root sa glass niya. Napansin niyang tila nakatingin si Evie sa kawalan at natutulala habang hawak ang wine glass. Parang may malalim itong iniisip.

"Earth to Evie?" pagtawag pansin niya rito at sinulyapan naman siya ng dalaga. "Lalim naman yata ng iniisip mo? Care to share?"

"Hindi naman. Nagpapahinga lang ako."

"Napagod ka ba magalaga sakin?"

"Hindi sa ganun. Ngayon lang ako may nakasama sa bahay ko, this is so unusual for me."

"Me too. But -- thank you."

Napalingon muli si Evie sa kanya at nagkatama ang mga mata nila. Hindi naman malaman ni Evie kung bakit sa tagal at ilang beses na nilang pagkikita at pagsasama ni Silver ay unusual pa rin ang pakiramdan niya kapag nariyan ang presensya nito. Magkakahalong emosyon ang nararamdam niya, masyadong magulo, masyadong nakakalito. Hindi niya alam kung alin sa mga emosyon na ito ang dapat masunod, manaig sa kanya kapag kaharap ito at kausap.

As You Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon