MABILIS NA NAGLALAKAD si Evie palabas ng munisipyo kahit pa naka-heels at skirt ito. Kaagad niyang dina-dial ang number ni Benjamin ngunit hindi ito sumasagot sa tawag niya kaya nagpalibot siya ng tingin sa kabuuan ng gusali.
Kaagad niyang natanaw ang ilang kalalakihang nagkukumpulan at sa wakas ay nakita niya ang pamilyar na imahe ni Fe kaya kaagad siyang lumapit sa mga ito.
"Fe!"
"Miss Evie! Wow? Sa pormahan mo, panalo sa bidding noh?" tila pagbibiro pa nito kaya naalis ang kaunting tensyon ni Evie.
"Ah, oo." bahagya itong nangiti at napansing nakatulala sa kanya ang lahat ng lalaki lalo na si Silver na nasa dulong bahagi niya na mukha napatigil sa kausap sa phone nito.
Bahagyang nahiya naman si Evie sa mga ito kaya nag-iwas siya ng tingin at tumalikod na lamang.
"Ahm, si director?" paghahanap-hahanap pa niya sa paligid.
"Nag-c.r yata, nagmamadali nung makapasok kami rito eh." sagot pa ni Fe kaya naghintay na lamang sila roon.
Napapansin ni Silver ang mga malalagkit na tingin kay Evie ng mga empleyado niya kaya nagtatagis bangang na siya sa inis. Gusto niyang yakapin si Evie sa harapan ng mga ito para mapaimukhang sa kanya lamang ang dalaga, siya lamang ang may karapatang tingnan ito at hawakan.
"Congrats nga pala miss Evie, ang galing niyo naman po um-attend ng mga bidding, palagi ba kayo pinapadalo ni sir Benjamin?" tila sabat na ng site engineer ni Silver na si Paul.
"Ah, oo. Kaya nasanay lang ako." pormal naman sagot ni Evie rito.
"Sana magkasabay rin tayo sa mga susunod na bidding na sasalihan niyo." pasaring pa nito kaya biglang nag-fake cough si Silver.
Napatingin naman sa kanya si Evie ngunit ito naman ang nagpatay malisya ngunit madilim na ang mukha.
"Nakakainggit talaga ka-sexy-han mo miss Evie, paano mo ba na-achieve yan? Sabi mo mataba ka noon?" saad pa ni Fe na sinusundot-sundot ang tagiliran ni Evie.
"Ah, oo. Tabain nga ako."
"Talaga? Parang hindi naman?" sabat pa ni Kyle na katrabaho niya.
"What's your secret diet to achieve that body?" paguusisa pa ni Fe.
"Ahm, try depression?" tila may pagka-sarcastic sa tono nito na nakakuha ng atensyon ng lahat lalo na ni Silver kaya tila nailang siya. "Ahm, kidding. Naghirap lang talaga ako noon tapos hindi na tumaba ulit dahil sa stress." tila pagpapalusot pa niya na kinatahimik ng lahat saglit ngunit sabay-sabay na humagalpak ng tawa maliban kay Silver.
"Hahaha! Grabe! Oo nga noh? Kung maghihirap ka nga talaga, nako papayat ka miss Fe!" tila pangaasar pa ni Seb na katrabaho rin nila.
"Sobra ka! Kailangan ko pala talagang gutumin ang sarili ko? Stressed din naman ako ah? Bakit hindi naman ako pumapayat?!" tila pagtatampo pa ni Fe ngunit nagpipigil lamang ito ng tawa.
Natatawa na lamang din si Evie dahil sinasakyan niya ang mga ito ngunit ng magawi ang tingin niya kay Silver ay tila natatahimik pa rin ito.
Kung tutuusin, hindi nagbibiro si Evie sa mga sinagot sa mga ito ngunit ginagawa na lamang niyang katatawanan upang hindi mahalata ng mga ito ang totoo.
"Ay, ayan na pala si director eh." saad pa ni Fe kaya kaagad na napalingon sa likuran niya si Evie.
Kahit nagkakasiyahan pa sila, mabilis nawala ang kaunting ngiti sa labi ni Evie ng makita si Benjamin na naglalakad papalapit sa kanila ngunit kasabay nito ang taong kanina pa niya iniiwasan, si Bradley. Mukhang kasama rin nito ang asawa niya at masayang nakikipagusapan kay Benjamin.
BINABASA MO ANG
As You Needed (COMPLETED)
Storie d'amoreEvie has found her contentment on her career as the Executive Secretary of the Director of Yu Solar Panels Inc. for over two years. She has a good relation with her co-workers and especially her boss Benjamin Yu who have grown out became her closest...