Chapter 21

17 1 0
                                    

BADTRIP MANG UMUWI si Evie pero natatawa at napapailing na lamang siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Balewala naman sana sa kanya ang pagbangga at tapon nito ngunit ang kinaiinis niya ay ang kayabangan at pagsigaw-sigaw nito sa kanya kaya pinatulan na niya.

Naglalakad siya sa hallway patungong unit niya nang maningkit ang mga mata dahil may tinatanaw sa pintuan niya. Nang makalapit siya ay napataas na lang siya ng kaliwang kilay sa pagtataka.

May gift basket na naroon sa tapat ng pinto niya na punong-puno ng doggy treats. Napatawa na lang siya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Nilapag niya ang mga dalang grocery plastics at binuksan ang pinto. Isa-isa niyang pinasok iyon habang sinasalubong siya ng asong si Steve.

"Wait lang baby, may kukunin pa ko sa car." saad pa nito at lumabas ulit ng bahay para kunin ang gift basket na natanggap rin kanina sa office.

Nang makabalik sa unit niya ay naupo siya mismo sa sahig at inabot ang gift basket na puno ng doggy treats. May maliit na card din na nakakabit doon kaya kinuha niya kaagad.

For our baby Steve

Love, Daddy

Hindi malaman ni Evie kung gusto niyang tumawa sa kilig o mainis. Napanganga na lamang siya at natulala. Panay sulyap niya sa gift basket na iyon at sa note card na nabasa. She knew it was from Silver.

"Feelingero talaga yun noh? Akala yata kailangan mo ng sustento?" saad ni Evie sa asong nakaupo sa tabi niya.

Kaagad niyang tinanggal ang balot na plastik ng gift basket at kumuha ng isang pack ng doggy treats sabay pakain kay Steve. Alam niyang nasiyahan ang aso niya habang nginangatngat ang treats sa tabi niya habang hinihimas nito ang ulo.

Sa isip-isip ni Evie, tinamaan yata si Silver ng hiya dahil naroon ito kanina noong nakatanggap siya ng regalo. At alam niyang mas tinamaan ito sa pasaring niya pa patungkol sa ni hindi man lang nakapag-effort ito na mabigyan siya ng regalo kahit thru padala kaya ngayon, biglang ginawa. Haha!

"How pathetic.. Tss!" naiiling pa niyang saad at pakain pa rin sa aso ng treats.

Sa isip pa niya, ngayon lang ito gumagawa ng ganoong bagay kasi naparinggan siya, kasi nagkasama na sila. Ngunit noon, talagang wala itong ganoong move. Alam niyang hindi romantic type of person si Silver pero as in hindi nito naisip yun noon kaya medyo disappointed siya. Kaya lalo siguro yung effort ring puntahan man lang siya, hindi rin nito matuloy-tuloy. Laging may aberya, laging nauudlot. Hanggang sa nagkahiwalay na nga lang sila.

HABANG iniintay nila Evie at Benjamin ang ibang members ng board at investors, nasa loob pa muna sila ng opisina ni Benjamin.

Pareho silang abala sa mga gagamitin sa meeting kaya halos hindi na sila naguusap. Kinakailangan pa ni Evie i-take note ang minutes of meeting mamaya kaya kailangan niyang mag-reserve ng energy kahit maghapon na siyang nakababad sa trabaho.

Sabay na silang nagtungong conference room at nakitang halos naroon na ang lahat. Natanaw naman kaagad ni Evie si Silver dahil nailang siyang nakatingin na pala ito sa kanya habang naglalakad papunta sa harapan ng board. Siya kasi ang magko-control ng flow ng presentation at magsisilbing IT man doon habang nagti-take notes ng minutes of meeting. Hindi naman talaga masyadong multi-tasking eh noh?

"Good afternoon, ladies and gentlemen. Let's start our board meeting regarding on our year-end sale." panimula ni Benjamin na naka-hands on talaga sa ganitong bagay kahit pa wala ang kanyang ama.

At dahil si Evie rin naman ang gumawa ng report, hindi na siya masyadong nakikinig. Busy siya sa pagaasikaso sa flow ng report. Napapasulyap siya sa mga board members na masugit namang nakikinig kay Benjamin. Maliban na nga lang sa isa, si Silver.

As You Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon