PINAKAPIT MULI ni Silver si Evie sa kaliwang braso niya bago sila naglakad patungo ng assigned table. Pinaghila naman din ni Silver si Evie ng upuan bago ito pinaupo at umupo rin siya sa tabi nito.
Good for eight ang round table nila. Nasa kanan ni Evie si Benjamin, katabi nun ang date nitong si Sofie na nasa kanan din niya. Nasa kaliwa naman si Silver na ang kasunod ay ang president ng company nila na best friend ng ama ni Benjamin.
Hindi pa nagiinit sa kinauupuan niya si Evie, panay dungaw na nito sa mga tables na naroon. Yung iba kasi ay bakante pa, marahil wala pa ang ibang expected guests. Napansin naman kaagad ni Silver ang pagkaali-gaga ni Evie.
"Chill.. Darating din mga yun."
"Oo nga, chini-check ko lang para matawagan ko yung coordinator ko at makapagsimula na ng program."
"In ten minutes, kung wala pa rin sila, pagumpisahin mo na ang program, Evz." saad naman ni Benjamin.
"Copy that."
May nag-serve naman na per tables ng VIP ng tubig at champagne.
"Let's toast for tonight?" saad pa ni Benjamin at hinaya ang champagne tulip sa kanila.
"Cheers!" saad nilang apat at pinag-toast ang mga champagne glasses nila sabay inom rito.
"Where's Khalil?" tanong naman ni Silver kay Benjamin. Narinig ito ni Evie at tila nabigla.
"They're invited?" kaya pala may dalawang bakanteng upuan sa table nila na akala niya ay sadyang pinabakante lang ni Benjamin para hindi sila crowded sa mesa.
"Yeap. Kaso may emergency board meeting kanina daw sa Davao kaya hindi sila makakaabot ni Ingrid dito." sagot naman ni Benjamin sa mga ito.
"Sayang naman. Akala ko makikita ko ulit si Ingrid." panghihinayang pa ni Evie ngunit kinakatuwang palihim ni Silver. Dahil kung narito rin si Ingrid ay malamang iwanan siya ni Evie. At kung narito si Khalil, hindi sila matitigil na tatlo sa paguusap tungkol sa kung anu-anong bagay lalo na ang offer ni Khalil sa kanila na pagbenta ng lahat ng property nito sa Pinas.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang unang bahagi ng programa. Pinatawag ng host si Benjamin upang makapagpasalamat sa lahat ng dumalo.
Matapos ng ilang announcements at patungkol sa kompanya, nagkainan na rin sa wakas. At dahil nasa VIP table sila, hindi nila kailangang tumayo para sa kumuha ng pagkain sa buffet dahil may magsi-serve na sa kanila per course meal. Nagsimula namang tumugtog ang live band habang kumakain na ang lahat.
"The food is nice." komento pa ni Silver habang kumakain ng calamari stack.
"Of course. Magaling si Evie pumili ng caterer eh. Sila rin yung nakuha mo nung mga nakaraang taon di ba?"
"Yeap. Chef Jan is a good friend of mine. Siya talaga ang nire-request kong magluto sa atin."
"Calamari yan, baka mamaga ka." bulong pa ni Silver kay Evie.
"Kaya nga konti-konti lang oh?" kinuha naman ni Silver mula sa plato ni Evie ang hindi nito nagalaw na pagkain dahil bawal siya rito, hindi naman siya pinigilan ni Evie.
"Dapat nagpa-serve ka na lang ng iba."
"Sawa na kong mag-salad."
Tila bulungan naman ng dalawa na napansin kaagad ni Benjamin, nakita rin nito ang pagkuha ni Silver ng pagkain mula sa plato ni Evie na hindi man lang ito nagreklamo. Naisip kaagad niyang mukhang malapit na ang mga ito sa isa't isa. Hindi rin naman niya malaman kung bakit simula noong nakita niyang magkasama sina Evie at Silver ay todo bantay na siya sa mga ito. Kung tutuusin, siya naman ang naglapit sa dalawa pa. Pero bakit pakiramdam niya ay ayaw niyang ma-out of place ng dalawa. Dahil dyan ay napagsasawalang bahala naman niya ang ka-date niyang si Sofie. Kanina pa rin nito napapansin si Benjamin na nakatingin kina Evie at Silver kaya lalo siyang naiinis kay Evie.
BINABASA MO ANG
As You Needed (COMPLETED)
Любовные романыEvie has found her contentment on her career as the Executive Secretary of the Director of Yu Solar Panels Inc. for over two years. She has a good relation with her co-workers and especially her boss Benjamin Yu who have grown out became her closest...