MABILIS NA BINUHAT ni Silver si Evie palayo sa tubig. Inilapag niya kaagad ito at tinapik-tapik ang dalaga.
"Evie! Wake up!" pagaalala na ni Silver.
"Omg! What happened to her?!" hindi rin mapakaling paglapit ni Sofie kina Silver at Evie.
Nang hindi pa rin nagre-response si Evie, sinimulan na ni Silver i-revive ito. Pina-pump niya ang dibdib nito at saka binubugahan hangin sa dibdib. Tatlong beses niyang ginawa ito at sa wakas ay gumalaw na si Evie.
Nagkamalay ito at binuga ang mga tubi na nainom mula sa bibig niya. Inalalayan naman siya ni Silver para makabangon.
"Evie? Are you okay? Can you get up?" pagaalala pa rin ni Silver rito at tumungo lang si Evie sa kanya.
"Si -- si Steve?" tanong kaagad ni Evie na kababalik lang ng wisyo. Napakapit pa siya sa braso ni Silver sa labis na pagaalala.
Hindi naman makasagot kaagad si Silver sa kanya kaya bumalik siya ng tanaw sa dagat. Nanlalaki ang mga mata niya ng makitang si Benjamin ay buhat-buhat ang asong si Steve ngunit mukhang wala ring malay.
"Steve!" pagsigaw pa ni Evie at biglang tumayo at nanakbo papalapit kung nasaan si Benjamin. Napalingon rin roon si Silver kaya sinundan din niya si Evie. Gayun din ang ginawa ni Sofie. "Steve! Steve!" pagsigaw pa ni Evie habang sinusubukan ni Benjamin i-revive ang aso.
Hindi na napigilan ni Evie na mangiyak sa labis na pagaalala habang nakaupo rin sa buhanginan dahil lupaypay si Steve habang pina-pump ni Benjamin.
"Come on, Steve! Wake up!" walang humpay na nire-revive ni Benjamin ang aso habang nakahigang patagilid ito.
Dumating na rin sina Silver na napaluhod at inaalalayan si Evie. At si Sofie naman na hindi maipinta ang mukha sa labis na pagaalala at pagka-guilty sa nangyari.
"Steve! Com'on, com'on! Wake up!" patuloy pa ring pag-revive ni Benjamin sa aso ni Evie ngunit hindi pa rin ito gumagalaw.
Biglang buhos na ang mga luha ni Evie at napapadapa habang nanginginig ng hinahawakan ang ulo ng aso niya.
"Steve.. Baby? Gu -- gumising ka please?" hagulgol na ang iyak ni Evie dahil hindi pa rin gumagalaw ang aso, tila nawawalan na siya ng pagasa. "Steve.."
Labis ng nahahabag si Silver sa nakikita kaya lumapit na siya kay Benjamin.
"Let's switch." nagmamadaling saad nito kay Benjamin kaya ilang saglit pa ay nagpalit sila ng pwesto at siya naman ngayon ang nagpa-pump at revive sa aso.
Kaagad namang inalalayan ni Benjamin si Evie na nakahandusay sa buhangin. Panay na ang hagulgol ng iyak ito. Hindi naman malaman ni Benjamin kung anong gagawin kay Evie para maibsan ang labis nitong hinagpis at pagaalala.
"Hindi! Hindi! Steve!" sigaw na ni Evie at hindi na napigilan ang mas malakas na hagulgol niya habang nakadapa at yuko na sa buhangin. Halos lapirutin niya ang mga nahahawakang buhangin kahit pa nanginginig na siya. Inaalalayan naman siya ni Benjamin na halos nangingilid na rin ang mga luha at napapailing. Hinihimas nito ang likuran ni Evie.
Habang si Sofie naman ay hindi malaman kung saan babaling o kung anong gagawin sa sobrang takot. Mukhang masisintensyahan siya ni Evie.
"Com'on boy! Wake up!" pag-pump pa rin ni Silver hinipan na rin ng hangin ang bibig ng aso. Wala siyang alinlangan dahil mas gugustuhin niyang gawin ito kaysa mawala ang pinakamamahal na aso ni Evie.
Makalipas ng ilang minuto, may kabog na naramdaman si Silver dahil sa tuwa ng makitang gumalaw ang isang kamay ng aso kaya pinagpatuloy niya ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
As You Needed (COMPLETED)
RomanceEvie has found her contentment on her career as the Executive Secretary of the Director of Yu Solar Panels Inc. for over two years. She has a good relation with her co-workers and especially her boss Benjamin Yu who have grown out became her closest...