ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito.
"Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo."
"Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito.
"Ma'am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.
Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.
Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital.
"You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.
Hindi kaagad nakaimik si Evie na diretso lang ang tingin sa kalsada.
"Don't worry, tatawagan naman tayo kaagad ng ospital. Pinapa-admit naman na natin ang bata eh."
Hindi pa rin umiimik si Evie na panay malalim na buntong hininga lang ang tinutugon. Tila malalim rin ang iniisip nito pero ayaw na munang kulitin din ni Silver.
"Na-text ko na rin si Atty. Jason, papunta na ring presinto."
Nang makarating silang police station, dumiretso na silang women and children's desk para makapagusap. Namagitan ang officer in charge doon sa kanila.
"Miss Evita Symaco, na-ireport niyo po noong isang linggo na nakapulot kayo ng bata sa mall. Ngunit dahil walang maaaring kumupkop sa bata ng mga panahong iyon kaya pinayagan kayo ng hepe na sa inyo muna ang bata hangga't wala pang nagre-report na nawawalan ng bata. Ngunit lumipas ang bente-kwatro oras na wala pa ring nagre-report patungkol sa nawawalan ng anak, dinunog na natin ito sa DSWD. " saad pa ng OIC habang nakaupo sa desk niya. Nakaupo sa mga silya sa harap niya ang tatlo, nakaharap sina Evie at Silver kay Tin.
"Tama po, sir."
"Lumipas ang mga araw kaya naitakdang kunin na lamang ng DSWD ang bata muli sa inyo pong pangangalaga bukas, tama po ba?"
"Tama po sir."
"At kayo po, ma'am Christine Cruz." pagbaling naman nito kay Tin. "Kayo po ay nagsasabing ina ng batang natagpuan ni Ma'am Evita?"
"O -- opo sir."
"Bago po ang lahat, maaari po ba namin malaman ang buong katotohanan kung bakit niyo naiwala ang bata sa mall?"
Tila nakaabang kay Tin ang lahat na nagiintay na siya ay magkwento. Panay buntong hininga ito at halatang nagaalangan pa rin magsalita.
"Ma'am, pwede niyo po bang ipaliwanag sa amin kung papaano niyo naiwala ang bata sa mall? At kung bakit -- hindi niyo man lang po nai-report ito."
"Ah, ahm.." pinagsasalitan ng tingin ni Tin ang OIC, si Evie at Silver dahil sa pagaalangan niya. Naipikit na lamang niya ng mariin ang mga mata bago nagpakawala ng buntong hininga. "Ka -- kababalik lang po namin ng anak ko galing -- galing Negros."
"Negros? Taga roon po ba kayo?"
"Ahm, yung mother ko po taga roon kaya umuwi po ako doon bago pa po ako manganak."
Naikwento nga ni Tin ang nangyari sa kanya mula ng dumating sa ka-Maynilaan hanggang sa nawala niya ang anak niya.
"Kung gayun, sino naman po ang babaeng humabol sa inyo, ma'am?" pagusisa pa ng pulis at kaagad naman natigilan si Tin.
BINABASA MO ANG
As You Needed (COMPLETED)
Storie d'amoreEvie has found her contentment on her career as the Executive Secretary of the Director of Yu Solar Panels Inc. for over two years. She has a good relation with her co-workers and especially her boss Benjamin Yu who have grown out became her closest...